C17

1.1K 122 12
                                    

Frances Pov

Nagpaalam na muna ako kay kielle na ngayon ay napapikit na sa sobrang kalasingan , fudge hindi ko na kasi kayang pigilan yung lungkot ko ng malaman na lilipat si jaydee ng school. Panay pikit na nga lang ako para lang hindi tumulo yung luha na kanina ko pa talaga pinipigilang tumulo , bakit para damang fama ko every lyrics na kinanta niya.

Damn it hurts! Naglalakad lang ako ngayon sa labas kasabay nun ang pag agos ng mga luha ko hindi ko din namalayan na umaambon na pala at wala man lang akong dalang payong or kung ano man. Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humawak sa may balikat ko agad ko na iyong tinignan kung sino iyun at laking gulat ko nang makitang si jaydee iyun na may dalang payong ngayon.

"Bakit mo ko sinundan? I want to be alone kaya go?! I said I wanted to be alone , leave me alone?!" Nagsimula na kasi akong maglakad pero panay pa din siya sunod sa akin ngayon kaya sinigawan ko na siya sa galit ko habang nagpupunas ng luha ko fudge bakit ba ako naiiyak.

"Nakainom ka din kahit papaano at medyo lasing kana frances at hindi kana dapat naglalakad ng mag isa sa dilim dahil baka may mangyaring masama pa sayo , tara na balik na tayo sa restaurant for sure hinahanap ka narin ng Kuya mo don. Lika na Queen" nag aalalang sabi niya kaya napalingon nalang ako at tinignan siya nang masama. Ano bang pake niya kung ano man ang ganap ko ngayon? As if naman he cares.

"Why the heck do you even care jaydee! Stop making this hard for me okay? Get lost! I don't want to see your face! Please just leave me alone okay. Hindi ka naman siguro pinalaking matigas ang ulo. Kaya lubayan mo ako , kahit ngayon lang." Sigaw ko sa kanya wala siyang pakialam kung may mangyari mang masama sakin ngayon. I can handle myself like how I handle my feeling towards him.

"Queen--" natigilan siya sa pagsasalita nang sinigawan ko siya ulit. Hindi ba siya makaintindi ah? Mas lalo lang akong nasasaktan sa mga ginagawa niya.

"Stop calling me that nickname jaydee! You don't have any rights to call me that again! Tama na please , nakikiusap ako sayo. Itigil mo na kung ano man ang balak mong gawin at sabihin." Dati kapag naririnig ko na tinatawag niya akong ganyan ay kinikilig pa ako pero ngayon nasasaktan na akong pakinggan yun pag nanggagaling mismo sa kanya.

"I'm sorry---" mangiyak ngiyak na wika niya ganuong ayun na lamang ang natatanging masasabi niya sa akin. Walang iba kundi sorry.

"Putchang gala naman yan jaydee! Hindi ka ba nagsasawa na sabihin yan , I don't fcking care anymore! Ginawa mo na diba? As if naman hindi ka nasarapan na ikama yung babaeng yun! Pagod na ako na marinig yan kaya please kung may sasabihin ka man diretsuhin mo ako" Emotional na sabi ko never namin to napag usapan noon pero ngayon dahil mukhang sasabog na rin naman ako sa galit ay nailabas ko na at ready na akong pag usapan to.

"Frances I'm drunk at hindi ko alam yung ginagawa ko ni hindi ko nga kilala yung babaeng yun please maniwala ka naman sa akin oh! Kahit pakinggan mo man lang yung side ko okay na ako doon frances , kahit alam kong hindi na maayos pa ng anumang excuse ko yung relasyon natin just please listen to me" napailing iling nalang ako what a lame excuse jaydee , kahit lasing ang isang tao ay naniniwala ako na kaya niya pa ding kontrolin yung katawan niya at yung pag iisip niya.

"You we're drunk? Tsk nagpapatawa ka ba huh! Ang sabihin mo nanumbalik lang yang pagiging babaero mo! Di ba gawain mo din yan dati pa! Hindi pa tayo ay madami na akong naririnig na kung ano sayo pero ano? Hindi ako naniwala kasi naniwala ako na magbabago ka pag naging tayo na you even pursue my parents just to get their approval of courting me tapos ano! Sinira mo diba? Sinira mo yung pangako mo sa akin na hinding hindi ka magloloko! Na ako lang ang taong mamahalin mo! Na ako lang jaydee" muling bumuhos yung luha ko feeling ko nagsilabasan na lahat ng luhang matagal ko nang pinipigilang ilabas. Ang sakit , sobrang sakit.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now