040 - ANG GOLDEN CHISMIS

464 33 2
                                    

Sumapit ang tanghali at lahat ng oras nila ay ginugol sa paglalaro. Asteria admits that she needs to learn how to wash the dishes properly. Lagi niya pang sinaulo ang arrangements kung paano pagsunod-sunorin ng lalaki ang paghuhugas.

'Baso, Kubyertos, Plato at mga kawali.'

Sa totoo lang, hindi naman ganun ka dumi ang bahay nila Zioquel pero napansin ni Asteria na kapag nakakakita ang lalaki ng konting dumi o hindi pantay ang pagkaka arrange sa displays ay agad itong inaayos at nililinis ang paligid. It's 1AM and the children needs to have proper sleep.

Inawitan ni Asteria ang mga bata habang kinuha naman ni Zioquel ang gitara para magkaroon ng harmonika ang kanilang musika. Hindi nagtagal, sila  Helian, Marl at Ether ay nakatulog na ng mahimbing.

"Asteria. Pwedeng maiwan muna kita dito? Napansin ko lang na kailangan ko muna bumili ng kakainin natin. Kulang yung mga ingredients para sa pagluluto ng hapunan."

"Oo, mag-iingat ka. Ako na bahala sa tatlo." she re-assures and lightly kiss him on his cheeks. Lakad-takbo ang ginawa ni Zioquel upang kunin ang lumang bisikleta niya sa gilid ng kanilang bahay at ginamit ito papunta sa palengke.

Dama ang haplos ng malamig na simoy ng hangin, he silently hummed while he feels like his cheeks started to heat up for unknown reason.

'Asawa ko.'

'Hindi lang naman siya prinsipe. Isang hari din ang inyong kuya para saakin, hindi niyo ba iyon alam?'

Napabuga sa hangin si Zioquel.

"Ano ka ba, peke iyon. Peke iyon. Pero... Hinahangad ko na sana totoo ang pakiramdam niya sa akin." napalunok ang binata sabay na nagpakawala ng buntong hininga.

Sa isip-isip nito – 'Ano kaya ang mangyayari pag nagpalit ng kaluluwa si Asteria at Shania? Paano ako? Mapagiiwanan din ba ako? Makakatagpo din ba ako ng babae para saakin?'

Nang maabot na nito ang nais tahakin. Bumili si Zioquel ng isda sa kakilalang dating kaklase na si Lira. All of his old friends keep their friendship as a treasure kahit busy na sila sa kani-kanilang buhay. Communication is a form of bond to keep them notified. Lira was supposed to be in school pero huminto ito ng pag-aaral dahil maaga itong nabuntis.

"HOY ZIOQUEL!" Sigaw nito na animo'y nakalunok ng isang microphone at speaker. Yung ibang bumibili napatingin sa kanila pero huminto pa din si Quiel dahil mukhang importante ang sasabihin ng kaibigan.

"Hindi mo sinabi sa gc natin na may jowa ka pala. Grabe ka, nakakatampo ang ginawa mo. Kami kami nga pag may problema nagsasabi sa GC tapos ikaw kinikimkim mo lang? Saka balita ko kay Aling Marites na mukhang mayaman nabingwit mo. Pakilala mo naman kami. Bukas, gusto ko siya makita. Bibisita kaming magt-tropa sa bahay ninyo."

Halos lumuwa ang mata ng binata sa sinabi ni Lira. "Hala?! K-K-Kalat na ang balita? Balak ko naman talagang sabihin kaso sobrang busy ko na Lira eh. Saka, medyo madumi ang bahay! Saka na lang kayo pumunta." palusot nito ngunit nakipagtitigan pa ang babae sa kanya.

"Minsan lang namin makita jowa mo. Saka, hindi naman mukhang nadudumihan bahay niyo. Araw araw nga naglilinis ka. Nakakainis lang dahil nalaman pa namin ito kay Aling Marites nung bumili siya ng isda saamin."

"Hayst, bahala kayo." parang uminit ang ulo ni Zioquel dahil sa pagkalat ng balita. Ugali pa naman ng ibang kakilala na bumisita sa bahay nila pag may chismis. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay paghandaan ang natitirang oras kung sakali na dumating ang mga katropa nito.

For him, hindi lahat ng chini-chismis ni Aling Marites ay dapat ipagkalat. Nakakagigil lang dahil what if some of those topics are sensitive or private? Hayst talaga buhay naman talaga oh. Pati sa pagbili ng gulay kinamusta siya ng tindera kung may jowa ba siya at siyempre, hindi na siya nag deny kung obvious naman sa mata ng mga kinakausap na may alam sila.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon