Chapter 21

135K 10.3K 7K
                                    

SHIT! SHIT! SHIT!

Nanlalaki ang mga mata ko sa kaganapan. Ang mga kamay ni Jordan ay nasa ibabaw ng magkabilang dibdib ko. Kahit may suot akong t-shirt ay damang-dama ko kung gaano kainit ang kanyang mga palad.

Shit, talaga ang tatag ng kamay niya, ang tindi ng pagkakadakma sa akin. Kapit na kapit! Hindi ko mahawi kahit kaunti!

Nalalango rin ako sa mainit na mga halik niya sa labi ko. Nalulunod ako sa pinaghalong linamnam ng Empi, ng Red Ribbon Cake, at ng natural niyang lasa.

Napapikit ako at impit na napaungol nang gumalaw ang mga kamay niya. Minasahe niya ang dibdib ko at nang masumpungan ang nasa dulo ng mga ito ay nilaro niya iyon ng kanyang daliri.

First time. First time na may maglaro at manggigil sa sensitobong parte kong ito. Gusto ko na talagang himatayin. Nanginginig ako at para akong lalagnatin. 

Nang bumaba ang halik niya sa aking leeg ay humihingal na ako. Lalo pa akong kinapos sa paghinga nang subukan niyang itaas ang t-shirt na suot ko.

Napadilat ako bigla. "Hoy, Jordan!" Nagpapanic na pigil ko sa kanya. "Di pa ako ako handa sa mature roles!"

Pero parang hindi niya talaga ako naiintindihan. Bumaba ang halik niya sa leeg ko pababa sa neckline ng t-shirt na aking suot. Napaliyad ako at ginapangan ng matinding init sa katawan na ngayon ko lang naramdaman.

"Ahhhh..." Hindi ko na napigilan ang mahinang daing na lumabas mula sa mga labi ko.

Napapaso na ako sa init. Gayunpaman ay pinipilit kong hamigin ang sarili.

"J-Jordan, pag-usapan natin ito..."

Tumigil naman siya. Pero bakit parang ang weird ng pakiramdam ko? Di ako happy.

"Uhm, J-Jordan..." Tinuktukan ko siya sa ulo dahil hindi na siya gumagalaw. Nakasubsob siya ngayon sa pagitan ng boobs ko. Ang bigat niya at hindi ako makahinga.

Dinaklot ko ang buhok niya para itaas ang kanyang mukha at ganoon na lang ang gigil ko nang makitang nakapikit siya. Nakatulog ang tinamaan ng magaling!

Muli siyang sumubsob sa dibdib ko. Itinulak ko siya. Ang bigat niya kaya hindi ko siya gaanong naalis sa ibabaw ko. Kalahati ng katawan niya ay nakadagan pa rin sa akin habang ang mukha niya ay nakasubsob sa akin.

Sinilip ko ang mukha ni Jordan. Bahagyang nakaawang ang mapula niyang mga labi at hindi gumagalaw ang mahahaba niyang pilik-mata, tulog nga ang bata.

Napabuga ako ng hangin. Muntik na ako roon.

Hinaplos ko ang buhok niya. "'Yan ganyan, matulog ka na lang hindi iyong naglilikot ka."

Para talaga siyang baby pag tulog. Ang amo-amo, harmless, pwera lang kanina. Masamang nalalasing ang lalaking ito, nawawalan ng bait.

Dahil sa pagod ako at nakainom ay hindi nagtagal, nakatulog na rin ako. Ang sarap ng tulog ko. Ngayon lang ako natulog na merong kayakap, game changer pala.

Sa sobrang sarap ng tulog ay anong oras na akong nagising kinabukasan. Napamura ako nang sa pagdilat ay natanaw ko ang oras mula sa wallclock na nasa aking kwarto. Shit 'yan, 11:00 am na!

Pinanlakihan ako ng mata. Hindi kami nakapasok sa school!

Napalingon ako kay Jordan na tulog pa rin. Nakatihaya na siya at ako na pala ang nakayakap sa kanya.

Tinampal ko agad ang pisngi niya. "Hoy lalaki, gising!"

Umungol siya at marahang dumilat. "W-what..."

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon