C18

1.1K 97 2
                                    

Frances Pov

Habang nakayakap sa akin si jaydee ay may biglang humatak sa kanya at agad siyang sinapak , napatingin naman ako sa taong sumapak sa kanya and it was kuya brei. I was shock kung kaya'y napatayo lamang ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan siyang saktan si Jaydee.

"Di ba ang sabi ko sayo layu layuan mo na yung kapatid ko ah! Ano? hindi ka ba marunong makinig jaydee ah! Sinaktan mo na yung kapatid ko at please lang wag ka nang manggulo ngayon na may iba na siyang karelasyon! Tama na yung isa lang na pananakit mo gayung hindi na kita hahayaan na makaulit pa!" Sigaw niya habang pinagsasapak si jaydee agad ko na siyang pinuntahan upang pigilan siyang saktan pa si jaydee nung mahimasmasan ako.

"Kuya brei please pakinggan mo naman ako hindi ko intensyon na gawin yun sadyang wala lang ako sa tamang pag iisip nun---" sinserong sabi ni jaydee sabay napatayo sa kanyang pagkakahiga at nakatingin lang nang diretso sa akin , hindi naman ako makasagot ngayon. I was nervous gayung kitang kita ko ang galit na nadarama ni Kuya brei kay jaydee.

"Stop na jaydee pwede ba? Kung gusto mong umalis sa team , sa school at kung ano pa man! Umalis kana lang! Pati din sa buhay ng kapatid ko pwede ba?! Kahit ayun nalang ang gawin mo jaydee parang awa mo na! Naging kaibigan mo din naman ako dati diba? Ayan lang ang pakiusap ko sayo umalis ka na ng tahimik at wag ka nang magpakita pa sa amin habang buhay!" Kinuwelyuhan niya ulit si jaydee at niyuyugyog na para bang gusto niya itong matauhan ngayon , naluluha naman na ako na tignan silang dalawa. 

"Kuya brei m-mahal ko si queen , pwede bang hayaan mo kaming resolbahin ito nang kaming dalawa lang---" nauutal na sabi ni jaydee agad naman siyang tinulak ni Kuya brei sa galit nito at napaupo nalang sa may semento si jaydee.

"Kung mahal mo talaga siya Jaydee hindi mo siya sasaktan at isa pa may kielle na ngayon sa buhay niya jaydee , kung talagang mahal mo siya tigilan mo na siya at wag mo na silang guluhin pa! Maawa ka sa sarili mo gayung hindi mo na ata maintindihan ang gulong pinapasok mo!" Galit na galit na ani ni Kuya sabay hinila ako , napatingin nalang ako kay jaydee ngayon na umiiyak habang pinupunasan yung dugo sa mga labi niya dahil sa pagkakasuntok sa kanya ni Kuya brei.

Maya maya ay nakarating na kami sa may sasakyan niya agad niya na akong itinulak papaloob ng sasakyan at nagpunta na siya ng front seat , mukhang hindi naman na siya lasing ngayon sa lagay niya.

"Anong kalokohan yun queen huh! Bakit ka pumayag na magpahalik kay jaydee! Nababaliw kana ba? Ganyan ka na ba katanga huh! May jowa kana frances kaya matauhan ka! Itigil mo na ang kahibangan mo sa jaydee na yan gayung masasaktan ka lang." Pasigaw na sabi niya sa akin napayuko nalang ako dahil wala na akong maisip at masabi pa. Mukhang tama naman siya ngunit paano naman ako? Sa tingin ko ay kay jaydee lang ako sasaya at wala ng iba.

"Mahal ko parin siya Kuya Brei , mahal ko pa pala siya." nabigla naman ako nang masabi ko yung dapat sa isipan ko lang , napasuntok nalang sa may manibela si Kuya brei dahil doon. Humihikbing pinunasan ko na lamang ang aking mata gayung patuloy sa pag agos ang luha ko.

"Mahal mo pa? Ilang beses kitang tinanong frances! Kung may gusto ka pa sa kanya pero anong sabi mo? Wala na diba kasi may unting feelings kana din kay kielle na manliligaw mo! Ano yun trial card lang huh queen! Sinagot mo na siya! Oh anong gagawin mo ngayon?!"  Napatigil siya saglit upang kumuha ng hangin gayung sobrang galit na galit siya sa akin. Namumulang tinignan niya ako at wala man lang akong maisagot pa sa kanya.

"Makikipagbalikan ka kay jaydee tapos ano? May isang taong tunay na nagmamahal sayo ang masasaktan! Look itigil mo yang kahibangan mo frances dahil nanggigil ako sayo! Napakabuting tao ni kielle kaya sana maisip mo yun , yung mga efforts niya na ginawa para sayo hindi mo pwedeng baliwalain lahat ng iyun!" Galit na galit na sabi niya , sabay pinaandar na yung sasakyan , hindi na ako muling rumebat pa sa kanya baka kasi mabangga pa kami.

Tama si Kuya brei hindi ko dapat saktan si kielle , minahal ko naman siya eh pero panandalian lang siguro kaya ko naisipang sagutin siya dahil nagiging masaya na din ako kasama siya. Maya maya ay nakarating na kami ng bahay , di na ako inimik ni Kuya brei at diretso na siyang pumasok sa may bahay dumiretso na din ako sa kwarto ko. Kumuha na ako ng tuwalya nang maramdaman kong naiinitan ako , need ko na atang mahimas masan at magreflect sa ginawa ko din kanina. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako at saka ibinagsak ko na yung katawan ko sa may kama ko , napahawak nalang ako sa may dibdib ko at yung isang kamay ko ay nasa labi. Kakaiba parin talaga yung halik na binibigay ni jaydee kesa kay kielle , speaking of kielle kinuha ko na yung cellphone ko at tinawagan siya nakailang missed calls na pala siya sa akin.

OTPC

"Hello babe? Nakauwi kana ba sa bahay niyo? Pasensya na at hindi ako nakabalik dyan pero anyway magkasama naman kami ni Kuya brei umuwi" ani ko sa kanya sa kabilang linya , napailing iling nalang ako nang maalala yung nangyari kanina.

"Hi b-babe? Pasensya na at hindi ko na kayo nahatid nila Kuya brei masyado kasi ako napasabak sa inuman kanina and I'm glad na nakauwi kayo ng safe" malumanay na sabi niya , medyo kinabahan naman ako ng maisip yung nangyari sa amin ni jaydee kanina.

"Okay lang babe , magpahinga ka na muna dyan at bukas nalang tayo mag usap okay? Goodnight na" sabi ko sa kanya , argh hindi deserve ni kielle to frances hindi niya deserve na mapunta sa taong hindi pa sigurado sa nararamdaman niya.

"Goodnight babe! I love you!" wika niyang muli sa kabilang linya. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"I love you too!" Mabilis na sabi ko at pinatay na yung tawag , mahal ko ba siya? O sadyang sinagot ko lang siya dahil talagang nagpursige naman siya na makuha yung matamis kong oo?

EOTPC

Nilagay ko na sa may bed table yung cellphone ko at inayos ko na yung kumot at unan ko akmang pipikit na ako para matulog nang biglang may tumunog na notifications sa cellphone ko. Agad na akong bumangon para kunin yun at tinignan kung sino yung nag text , gulat naman ako nang malaman na si Jaydee yung nag text.

"Frances sa friday na yung alis ko papuntang states at sana naman pagbigyan mo ako na makita ka man lang kahit sa huling pagkakataon , wag kang mag alala hindi na kita pipilitin or guguluhin ni kielle dalawa , I'm sorry sa nagawa ko kanina at sa nakaraan natin - Jaydee"

Hindi ko alam kung bakit ako naluluha ngayon sa pagbabasa lang ng text message niya , nakailang block na ako ng number niya at ngayon may bago na naman siya. Nagpalit na din ako ng sim card pero nalalaman niya parin iyun for sure si coleen na naman may pakana nun. Hindi na ako nagreply at nilagay ko na yun muli sa may bed table ko at napahiga na , napatingin nalang ako sa may kisame at iniisip kung ano ba ang tamang gagawin ko.

"Napakabuting tao ni kielle kaya sana maisip mo yun , yung mga effort niya na ginawa niya para sayo hindi mo pwedeng baliwalain lahat ng iyun!" Ayan ang mas lalong tumatak ngayon sa utak ko , may point si Kuya brei.

Patawad jaydee pero hindi na ako pwedeng makipagkita sayo bago pa man ikaw umalis , tama si Kuya hindi na dapat akong gumawa ng mga bagay na ikakasakit ng taong nagmamahal sa akin. Mahal kita jaydee! At sana sa pagbalik mo ako parin ang laman ng puso mo , baka sa time na yun ready na kitang ipaglaban at baka napatawad ka na nila Kuya sa mga oras na yun.




Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now