📌TWENTY-NINE

743 77 0
                                    

Allan POV

"Kailangan mong hanapin sa buong palasyo ang sekretong silid. At ako ang bahala kay Vana para guluhin sila." sabi ni Alyssa.

Nakatayo ito sa ulo ni Nicolas at nakapamewang pa..

Kanina pa ako kinukutuban.. Pakiramdam ko may masamang mangyayari, pag pinasok na namin ang palasyo..

'Alang ala sa magulang ko.. Itutuloy ko namin to.'

Binalewala ko muna ang kaba na nararamdaman ko..

"Bakit ako? Tayong dalawa dapat ang maghanap sa kanila." inis na sabi ko.

Ito na naman sya e.. Nagpapakabayani...

"Dahil na sayo ang kalahati ng kapangyarihan ni Ina, mararamdaman mo na kung nasaan sila... Kung tayong dalawa ang hahanap sa kanila baka mahuli nila tayo.. Kailangan isa sa atin ang guguluhin sila.. At ako yun.." sabi nya.

Napabuntong hininga naman ako sa desisyon nya.. Mukhang wala na akong magagawa..

"Oras na inilabas na kita sa bag ko.. Simulan mo na agad ang paghahanap.. At bilisan mo din.." dagdag nya pa. "Tara na umalis na tayo.."


------


Alyssa POV

Pagkalabas namin ni Allan sa bag ko.. Pumunta na ako sa trono ni Vana..

Inilabas ko talaga ang kapangyarihan ko para maramdaman nyang andito ako pagala gala..

Maya maya pa may napansin akong itim na usok sa may pader..

Mabilis akong umiwas ng may makita akong papalapit sa akin at sumabog yun sa kabilang pader..

Nakita kong lumabas ang dalawang babae sa loob nun..

'Vana... Marie'

"Prinsesa Alyssa.." sabi ni Marie. Alam kong nagulat sila nang makita ako..

Kalaunan din ay ngumisi ng pagkatakot takot si Vana..

"Hindi ko akalin na ang anak ni Ilina ay may malakas na kapangyarihan.." sabi nito at napatawa pa.. "Hindi na ako magtataka pa kung paano ka nakalabas sa bundok Regust. Asan pala ang Prinsipe? Kasama mo ba sya bakit hindi ko sya makita?"

"Hindi ko din akalin na ang pangit pala ng kapatid ni Ina. Mas hamak na mas maganda si Ina kesa sa sayo na kulang nalang ay palibutan ka ng maraming bulaklak sa paligid.." nagulat sila nang magsalita ako pero nakabawi din at tumawa..

"Hahaha nakakapagsalita ka pala at kamangha mangha ang taglay mong tapang prinsesa.. Akala ko'y walang kwentang sanggol ka lamang.. Pero mukhang nagkamali yata ako.. Nakuha mo ang nakakainis na ugali ni Ama." - Vana.

"Ganun ba? Mabuti nalang sa dating hari ako nagmana at hindi sayo.. Hahaha" tawa ko kong sabi..

Susugudin nasa ako ni Marie ng pigilan sya ni Vana..

"Hanapin mo ang Prinsipe at patayin.. Ako na ang bahala sa munting prinsesa.." ngumiti ng nakakainis ang Reyna..

Akala mo naman ikinaganda nya.. Napairap nalang ako ng wala sa oras..

"Masusunod po, kamahalan."

Mabilis na nawala si Marie.

'Lagot na!! Sana mahanap agad ni Allan sina Ina bago pa sya makita ni Marie.'

---

Narrator POV

"Bakit mukhang kinakabahan ka yata, mahal kong Prinsesa?" - Vana.

"Naiwan kasi ako sa pangit.. Natatakot ako na baka hawaan nya ako ng kapangitan nya." sabi ni Alyssa..

Makikita sa mukha ni Reyna Vana ang pagkakaroon ng inis..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon