📌 THIRTY

717 75 0
                                    

Narrator POV

Nang malaman ni Allan na si Uno ay si Marie ay may namuong takot sa dibdib nya..

'Kung sya si Uno, ibig sabihin wala kaming laban sa kanya.. Sya ng may malakas na kapangyarihan sa mga tauhan ni Reyna Vana.'

"Wag kang mag-alala, Prinsipe Allan.. Ako na ang bahala sa kanya.." napatingin naman si Allan kay Mang Riko. "Sige na, umalis ka na. Kaya mo na siguro ang magulang mo.."

"Pero paano po kayo?" nag-aalala tanong ni Allan.

"Wag mo akong alalahanin.. Kaya kong ibuwis ang buhay ko alang-ala lang sa kapayapaan ng kaharian." seryosong sabi nya.

"Pero---"

"Mauna kana!! Susunod ako.." at naglakita ng ngiti si Mang Riko..

"Pupuntahan po agad kita pagnaihatid ko na sina Ina.." at mabilis na pumasok si Allan sa silid ng magulang..

Susundan na sana ni Marie si Allan ng pigilan sya ni Mang Riko sa pamamagitan ng kapangyarihan nya..

"Harapin mo muna ako.. Bago mo sila makuha." matapang na sabi ni Mang Riko at sinugod na si Marie..

At nagsimula na silang maglaban..

Alyssa POV

"Bakit hindi mo subukan?" matapang kong sabi..

Sa paligid ni Vana ay lumabas ang itim na usok at bigla syang nawala..

Pinakiramdaman ko sya at nang may mapansin ako may paparating sa akin ay mabilis kong iniwasan ang mga yun at sumabog sa pader na napupwestuhan ko..

[A/N : paimagine po na nakalutang lang sa hangin si Alyssa simula nung nakita nya sina Reyna Vana.]

Bigla ulit syang naglaho..

"Wind Blast!!"

Nang maramdaman ko naman ulit sya ay saka ko sya mabilis na sinugod sa itim na usok..

Nang maglaho ang usok ay nakita ko kung paano hawakan ni Reyna Vana ang sandata ko at walang sabisabing sinira nya iyon..

Narrator POV

Nagulat si Alyssa sa ginawa ng Reyna sa kanyang sandata.. Nagkaroon naman ng pagkakataon ang Reyna na suntukin ng malakas si Alyssa sa tyan dahilan ng pagtagos nya sa mga pader..

At hindi pa nakontento ang Reyna.. Naglaho agad ito at pumunta sa likod ni Alyssa at malakas nya itong sinipa..

Bumulusok sa sahig ang katawan ni Alyssa..

"WIND PETALS!!"

Sunod sunod na tinira ni Alyssa si Reyna Vana ng matatalim na hangin pero tinatapan lang ng dark storm ni Reyna Vana ang mga ataking ginawa ni Alyssa dahilan ng malalakas at pagguho ng ilang bahagi ng palasyo..

Sa malakas na huling tira ng Reyna. Natamaan si Alyssa dahilan ng paglubog nya sahig..

"Hahhaa, sinasabi ko naman sayo, munting Prinsesa.. Mali ka nang kinalaban mo.." nakangising sabi ng Reyna..

"Ahaha-haha.." tawa ni Alyssa at hirap na hirap na tumayo habang hawak nya ang kanya tyan.. "Hin-di mali ang kinalaban ko, REYNA VANA.. Isa ka lang sa walang kwentang Reyna, na humingi ng tulong sa itim na mahika upang lumakas.." tumingin sya ng masama sa Reyna.. "Kung walang Dark Magic, lalakas ka ba? Hindi... Dahil isa kang pipitsyoging Reyna na naiingit sa ganda ng aking Ina.."

Biglang nagbago ang awra ng Reyna.. Makikita mo sa mukha nito ang sobrang galit na pinipigilan nya..

"Pinakasalan ni Ina si Ama dahil mas karapatdapat si Ina kay Ama kesa sayo!!! Ibinigay ng dating Hari ang kapangyarihan nya kay Ina dahil mas karapatdapat si Ina kesa sayo.." - Alyssa.

"Dahil sa sinabi mo munting Prinsesa.. Hindi ko na pipigilan ang sarili kong patayin ka.." natatawa sa inis na sabi ng Reyna..

"Pwes ilalabas ko na din ang kapangyarihan ko.." nakangising sabi ni Alyssa.

Sabay na naglabas ng matitinding lakas ang dalawang panig..

Nagpalit nag-anyo ang Reyna. Napalibutan ng itim na bungo ang kanyang kasuotan at nagkaroon din ito ng bungong korona. Makikita mo na napapalibutan din ng itim na awra ang Reyna at may hawak na espada.

Hindi nagbago ang kasuotan ni Alyssa pero makikita mo sa kanyang awra ang puti na may halong dilaw [o gold] at may hawak na syang espada.. Malaki ito at mahaba..

[A/N : paimagine po yung espada ni Alucard sa ML.. Kaso nga lang mas malaki at mas mahaba pa doon. Parang patpat lang ang bigat nun para kay Alyssa.. Wala.. naisip ko lang 😁😅..]

Sabay ding sumugod sa gitna ang dalawa.. At hindi masusundan ang kanilang kilos dahil sa bilis nila.. Tanging tunog lang ng sandata nila ang maririnig habang sila ay lumalaban..

Sa huling tira ni Alyssa, itinulak nya ng malakas ang Reyna sa pamamagitan ng kanyang espada..

[A/N : paimagine ulit na yung dalawang espada ay salpukan kaso naitulak ni Alyssa ang Reyna😁😅..]

Tumagos sa pader ang Reyna dahilan ng paglabas nya sa palasyo..

Mabilis na sinundan ni Alyssa ang Reyna.. At doon nagsalubong ulit ang kanilang espada..

"Pinapahanga mo talaga ako prinsesa.. Hindi ko akalaing sobrang lakas mo talagang sanggol." sabi ng Reyna habang pinipigilan ang atakeng gagawin ni Alyssa..

"Dahil naiiba ako sa lahat ng sanggol."

Malakas na itinulak ng Reyna si Alyssa dahilan ng pag atras nilang dalawa..

"Hahaha.. May pagkamayabang ka talaga at nakuha mo yun sa iyong Ina.. Hindi naman mayabang si Albert.. Kaya bakit ugali pa ni Ilina ang nakuha mo?" - Reyna Vana.

"Dahil katangi tangi kame ni Ina.. At ikaw.. Katangi tangi ka ba?" may pang aasar na sabi ni Alyssa..

Dahil sa sinabi ni Alyssa ay mas lalong nagalit ang Reyna..

"Masyadong natalim ang dila mo, Prinsesa.. Kaya humanda ka dahil dudurugin ko nang husto ang katawan't kaluluwa mo at susunugin ko hanggang sa maging abo ito." - Reyna Vana.

Sumugod ang Reyna at mabilis na winasiwas ang kanyang espada. Hindi agad nakita ni Alyssa ang tirang yun dahil sa bilis ng pagkilos ng Reyna..

"Ahhhhhhh!!!!"

Malakas na sigaw ni Alyssa dahil sa sunod sunod na paghiwa ng Reyna sa katawan nya.. At hindi pa nakuntento ang Reyna..

"Dark Storm!!!" sigaw ng Reyna at tumungo ang itim na hangin sa katawan ni Alyssa dahilan ng pagbulusok nya sa lupa..

"KATAPUSAN MO NA!!!! DEATH STORM!!!!!"

Isang itim na apoy ang papunta sa derksyon ni Alyssa.. Napapikit sya dahil ang akala nya ay katapusan nya na.

Pero nagtaka sya ng wala syang maramdaman..

Mabilis nyang iminulat ang mata nya at gulat na tumingin sa lalaking nakaharang sa atake ni Reyna Vana.

"A-a-all-an..."

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon