📌THIRTY-ONE

788 74 0
                                    

Allan POV

Matapos kung ipasok sa bag ni Alyssa sina Ina, nakita kong nag-aabang sa loob nun si Nicolas..

Dahan dahan kung inilapag sa lupa si Ina at tumingin kay Nicolas..

"Nicolas, pakibantayan muna sila Ina.. Babalik agad ako." nagyiha naman sya at dali dali akong lumabas ng bag..

Saktong paglabas ko naman nakita ko si Mang Riko na hinihingal at may sugat sa ilang parte ng katawan nya..

Lumapit ako dito at tinulungan syang makatayo.. Magsasalita pa sana ako ng may kadena paparating sa amin..

Mabilis kung dinala si Mang Riko para maiwasan ang Kadena ni Marie.

Masama syang nakatingin sa amin.. Titirahin nya na sana ulit kame ng kadena nya, nagbiglang nagliwanag ang katawan ni Marie..

"AAAHHHHH!!!!!" sigaw ni Marie.

Gulat kaming napatingin kay Marie na animo'y nasusunog sa hindi malamang dahilan. Bigla syang bumagsak at hindi na humagalaw..

"Nahuli po ba ako nang dating itay?"

Sabay naman kaming napatingin sa nagsalita.

"Anak?"

"Ako nga po." nakangiti sabi nito..

'Sino sya? Napakaganda nya.'

Dali daling tumakbo si Mang Riko at niyakap ito nang mahigpit..

"Anak ko, Ikaw ba ang may gawa nito kay Uno? At saka anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mang Riko pagtapos nilang magyakapan

"Oo itay, kristal water po iyan, nakayang sumunog ng katawan.. At nandito ako, dahil inutusan ako ng Dyosa ng espiruto na tulungan sa misyon ang tagapagligtas." hindi nawawala sa mukha nya ang kanyang ngiti.

"Sinong tagapagligtas?" tanong ko.

"Hahha wag ka nang magpatawa.. Antagal tagal nyong nagkasama, hindi mo rin sya kilala."

Taka ko naman syang tinignan.

"Wag mong sabihin na si..." nagugulat ko sabi

"Hahaha sya nga.." natatawa nitong sabi.. "Kaya tara na at tulungan na natin sya." sabi nito at mabilis na naglakad.

Nalilito man ako ay sumunod kami ni Mang Riko sa anak nya..

Mapapansin din lahat ng dinadaanan namin ay puro sira at wasak na.. Nang makarating kame sa labas nakita namin na na naglalaban pa rin ang dalawa pero mukhang dehado na si Alyssa..

Nagulat ako nang gamitin ni Reyna Vana ang Dark Storm at mabilis na tumama iyon kay Alyssa dahilan ng pagbulusok nya..

"Alyssa!!!" sigaw ko nang patatamaan ulit sya ng kapangyarihan ni Reyna Vana.

"DEATH STORM!!!" sigaw ng Reyna..

Mabilis kong iniharang ang likod ko para hindi matamaan ng tira na yun si Alyssa.. Pero di ko akalain na napakalakas nun.. Natatakot ako na baka katapusan ko na..

Nakita kong iminulat ni Alyssa ang mata nya at gulat na tumingin sa akin..

"A-a-all-an? Bakit?" tanong nya..

"Hi....hin-di ba s-sa..bi k-ko sa..yo po-protekta..han kita." nakangiti kong sabi. Pero hindi ko mapigilan ang sakit sa likod ko.. "Ka-hit b-bu...hay ko ang kapa...lit?"

At sa pagkasabi ko nun.. Hindi na kinaya ng katawan ko kaya nahulog ako na agad naman sinalo ni Alyssa ang ulo ko.

"Allan... Wag mo sabihin nya." naaawa ako sa kapatid ko.. Dahil hindi tumitigil ang luha nya..

"A-lagaan mo si-sina Ama't I...na.. Paki-s..sabi na din na...m-mahal na mah...al ko sila.." inangat ko ang kamay ko at pinunasan ang luha nya..

'Paalam kapatid ko. Mahal na mahal kita.'

Alyssa POV

"A-a-all-an? Bakit?"

Mula sa pagkagulat ko na nakita ko sya na palitan ito ng takot..

"Hi....hin-di ba s-sa..bi k-ko sa..yo po-protekta..han kita." nakangit ngunit makikita mo sa mukha nya ang sakit.. "Ka-hit b-bu...hay ko ang kapa...lit?"

Bigla sya dumag-an sakin na nasalo ko naman.. Inayos ko ang pagkakahiga nya..

"Allan... Wag mo sabihin nya." hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.. Hindi tumitigil ang luha ko..

"A-lagaan mo si-sina Ama't I...na." sabi nya at bigla syang napaubo ng dugo.. "Paki-s..sabi na din na...m-mahal na mah...al ko sila.." nahihirapan na syang magsalita..

Nanginginig na ang buong katawan ko..

"Kayanin mo yan Allan.. Pakiusap wag mo akong iiwan.." hagulgul kong sabi. "Di ba sabi mo poprotektahan mo ako? Paano na ako pag iniwan mo ako?? Pakiusap."

"L-lagi la..ng ak-ko sa ta..bi mo.. Mahal na mahal kita kapatid ko." hinawakan nya ang mukha ko at dahan dahang pinunasan ang luha ko.. At pagkatapos nun bigla nalang nahulog ang kamay nya kasabay ng pagpikit ng mga mata nya..

"A-allan!!" tawag ko at tinapik tapik pa ang mukha nya.. Hagulgul ang maririnig mo habang yakap yakp ko sya..

"Ang sarap nyo namang panuorin. Hahahhaha"

Napatingin ako sa ere kung saan ang nagsalita.. Tinitigan ko sya ng masama.. At ilang sandali lang biglang tumigil ang tibok ng puso ko at nandilim ang paningin ko..

Narrator POV

"Lumabas na ang kapangyarihan nya.." mula sa madilim na parte ng palasyo ay may isang lalaki na nanunuod sa laban nina Reyna Vana at Alyssa.. "Katapusan muna Frida. Hahahahhaa" sabi nya kasabay ng nakakatakot na tawa..

---

Dahan dahan ibinaba ni Alyssa ang walang buhay na si Allan..

Lumipad sya ng dahan dahan hindi malayo sa pwesto ng Reyna..

Nagulat ang Reyna nang mag-iba ang lumabas na kapangyarihan ni Alyssa at makikita din sa mukha ng bata, ang pula nitong mga mata..

"A-ano to?"

Biglang kinilabutan ang Reyna sa naramdaman nya. Nanginginig ang tuhod nya at hindi sya makagalaw sa pinupwestuhan nya..

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa kapatid ko!!!" parang hinukay sa pinakailalim na lupa ang naging boses ni Alyssa..

'Nakakatakot' sabi sa isip ng Reyna..

"Wind....... Dry" bulong ni Alyssa..

Biglang sumikip ang dibdib ng Reyna.. Kung kanina ay hindi tumalab sa Reyna ang mahikang ginawa ni Alyssa baho sila maglaban. Ngayon naman ay parang kinukuha ang hininga ng Reyna sa ginawa ni Alyssa.

Mabilis na kumilos si Alyssa nang hindi napansin ng Reyna..

Wala pang kisapmata ay nasa harap na nya si Alyssa. Mabibilis at malalakas na suntok ang inabot ng Reyna kay Alyssa..  Hindi nya magawang gumanti dahil sa iaayos nya palang ang mukha nya ay susuntukin na agad sya ni Alyssa.

At sa huling tirang ginawa ni Alyssa ay malakas nyang sinipa sa mukha ang Reyna. Bulusok sya paibaba at lumubog sa lupa..

"Ipapatikim ko sayo kung ano ang kapalit ng pagpatay mo sa kapatid ko.. Sisiguraduhin ko na wala nag makakaalala pa sayo.. Hell Fire!!!!!"

Mula sa dalawang kamay ni Alyssa lumabas ang ang itim na may halong asul na apoy.. At malakas nya itong ibinato patungo sa Reyna na ngayon ay nahihirapang tumayo..

Huli na ng malaman ng Reyna na may paparating sa kanya..

"AAAAHHHHHHH!!!!!!" malakas nya sigaw habang sinusunog ang kanyang katawan at kaluluwa ng apoy na mula sa Dark Heaven..

Nang makita na ni Alyssa na tinatangay na ng hangin ang abo'ng katawan ng Reyna ay pumunta na sya sa kapatid nya at dahan dahan nyang idinapa ang katawan nya sa dibdib ni Allan.

"Wag mo akong iwan pakiusap."

Pagkasabi ni Alyssa nun ay syang pagkawala nya ng malay..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon