Alyssa POV
"Pakiusap Hileria.. Buhayin mong muli si Allan.." umiiyak kong sabi..
Andito ako ngayon sa palasyo.. Pumunta dito sina Hileria at ang dalawa pang dyosa para batiin ako dahil sa pagiging tagumpay ko sa pagpatay sa gagamba..
Kaso pakiramdam ko hindi iyon ang tagumpay na hinahangad ko..
"Patawad Alexis, subalit hindi na namin magagawa iyon.." sabi ni Emerald ang dyosa ng gubat..
"Wala po bang ibang paraan para ibalik sya? Gagawin ko ang lahat kahit buhay ko pa ang kapalit, maibalik lang ang buhay nya.." hagulgul kong sabi..
Magang maga na ang mata ko kakaiyak..
Ayos na ang palasyo dahil ibinalik na nila ito sa ayos.. Sila Ina't Ama naman ay ayos na din.. Tinanggal ng mga dyosa ang memorya nila na may kinalaman sa mga tauhan ng gagamba..
Nagpapahinga sila sa kanilang silid at hindi pa nalalaman na patay na si Allan..
"Pakiusap po!!" sabi ko at lumuhod sa harap nila.. "Nagmamakaawa po ako.."
"Hayy!! Mukhang wala na tayong magagawa.." rinig kong sabi ni Devila. "Sabihin muna Hileria.."
"Kahit ano po gagawin ko.." sabi ko sa kanila.
"O sige.. Pero ang pagbalik ng buhay nya ay may kapalit.." sabi ni Hileria.
"Kahit ano po.."
----
Andito ako ngayon sa bundok Burawisan kasama sina Walgron, Fragron at Nicolas para sa pangalawa kong misyon..
Matapos sabihin ni Hileria ang paraan para maibalik ang buhay ni Allan. Walang pagdadalawang isip na sumang-ayon agad ako..
"Ibig sabihin hindi mo tunay na katawan yan?" tanong ni Walgron.
"Ay, paulit ulit??" inis na sabi ko.
Ikinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari sakin at bakit ako nagkamisyon.
"Sabi ko na nga ba isa kang matanda na nagkatawang bata." sabi naman ni Fragron.
"Alam mo Fragron, kunti nalang puputulin ko na ang pakpak mo.. Sabi nang hindi ako matanda.. Dalaga ako.. Dalaga!!!"
"Parehas lang yun.."
Napatampal naman ako ng noo sa inis ko kay Fragron..
'Anong pinagparehas ng dalaga sa matanda??'
"Hahaha.. Hayaan mo na sya Alyssa.. Sasakit lang ulo mo pagnakipagtalo ka pa jan.." sabi ni Walgron.
"Hayys!! Ano pa ba magagawa ko?"
Si Fragron at Walgro ay nagpumilit na sumama sa pangalawa kong misyon.. Nalaman kasi nila na aalis ako at pupunta sa bundok na ito. Ayaw ko nga silang payagan pero ang dalawa, nauna pang naglakad kaya wala na akong nagawa..
Yes!! Naglalakad lang kame sa loob ng bundok..
Ang sabi kasi ni Walgron bawal istorbuhin ang gubat na to kung gusto naming makauwi ng buhay.. Kaya naglalakad kame ngayon..
Ang misyon ko dito ay hanapin ang tatlong pulang kristal na dala ng tatlong mahihiwagang ibon.. Nasa loob daw ng kweba ng bundok na ito nakatira ang mga ibon na yun.
"Tandaan nyo ha!! Wag kayong maakit sa magagandang itsura ng mga hayop dito.." sabi ni Fragron..
"Masusunod!!" mahina kong sabi..
"Ayon na ang kweba!!" turo ni Walgron.
Sabay kaming napatingin ni Fragron sa itinuro ni Walgron..
"Hindi ko akalain na napakalaking kweba pala nito.." sabi ko.
"Ano bang ibon ang huhulihin natin? Higante ba?" tanong ni Fragron..
Parehas kaming nakatingin sa kweba.. At ng kweba ay parang tirahan ng mga higante..
Bumaba ako kay Nicolas at binuksan ang bag ko..
Nicolas sa loob ka muna ng bag.. Baka mapahamak ka pag-isinama pa kita sa loob." sabi ko..
Naramdaman ko ang hindi pagsang-ayon ni Nicolas pero wala din syang nagawa nung titigan ko sya ng masama.. Nang makapasok na sya sa loob ay humarap ako sa napakalaking kweba..
"Pumasok na tayo." sabi ko.
-----
"ILAG!!!" malakas kong sigaw matapos tumira ng apoy ang ibon..
"Akala ko ba tatlong ibon ang huhulihin natin.. Bakit hindi mo sinabi na tatlong ulo sa iisang katawan ng ibon ito." inisa na sabi ni Fragron.
"Aba'y malay ko.. Ang sabi lang ni Hileria tatlong ibon.. Hindi ko naman akalain na ganto pala ang itsura nya.." inis ko ding sagot sa kanya..
"Wag na kayong magtalo.. Nakita ko na yung kristal." sabi ni Walgron hindi kalayuan sa amin..
"Mabuti naman kung ganun.." sabi ni Fragron. "Nasaan ng makaalis na tayo dito."
"Nasa noo ng tatlong ulo ng ibon.." sabi nya.
Napatingin kami ni Fragron sa noo ng tatlong ulo ng ibon.
Patuloy sa pagbuga ng apoy ang isang ulo ng ibon. Gas naman yung isang ulo at yelo naman ang isa..
"May naisip kana bang plano?" tanong sakin ni Fragron habang iniiwasa namin ang mga tira na ginagawa ng ibon..
Lumilipad ito at hinahabol kame..
"Oo ito ang plano..."
----
"Sa wakas nakuha na din natin.. Tara na ng makauwi na tayo.." sabi ni Fragron matapos nilang ilagay ang pulang kristal sa loob ng bag ko..
Hindi ko na inilabas si Nicolas dahil balak kung sumakay kay Walgron para mapadali ang pagbalik namin sa bundok Regust..
Lumabas na kame sa kweba.. Lumipad na din sina Fragron at Walgron dahilan ng pagsisilabasan ng iba't ibang uri ng hayop na ang gaganda ng katawan pero ang papangit naman ng mukha..
Isang buong araw lang namin nagawa ang misyon ko.. At madilim na nung nakarating kame sa Gron Pack..
Nagmadaling pumunta si Fragron sa kanilang bahay.. Pero nakita namin sya napahinto sa pintuan at gulat na nakatingin sa loob..
"Anong nangyari sayo Fragron? Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?" tanong ni Walgron matapos nya akong ibaba.
"Si.... si... si...." - Fragron.
"Ano bang sinasabi mo?" sabi ko at pumasok sa loob..
Nagulat ako sa nakita ko.. At walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ngayon..
"ALLLAN!!!!" sigaw ko at lumipad papunta sa kanya.. Niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak ng umiyak..
"Kamusta Alyssa?" sabi nya at hinagod ang likod ko..
------
A/N : MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA 💕💕 PAKIHINTAY PO NG PART TWO..
BINABASA MO ANG
ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'
Fantasy'Gagawin ko ang lahat makabalik lang sa dati kong katawan' - Alexis [COMPLETED]