CHAPTER 81

1K 113 133
                                        

LEEFORD

Hindi ko gusto paniwalaan ang nakikita kong daha-ndahang pagkumot sa katawan ni Rusty sa morge. Pinayuahan ako ng isang hospital personnel na maghintay lang dito sa napakagarang bench sa labas ng silid kung nasaan ang katawan ng kaibigan ko.

May pumuntang nurse at tinanong niya ako sa mga konting akonting detalye tungkol kay Rusty.

Hindi rin nagtagal ay nakita ko ang pagdating ni Dad.

Agad akong yumakap sa kanya, at muling naglabas ng lungkot. Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa aking likuran.

"I'm sorry, hindi ko siya nagawang mailigtas Dad."

"You don't need to feel sorry, alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sa kanya son." Hindi pa ako medyo makatingin ng diretso kay Daddy, nang iharap niya ako sa kanya. "Ano ba talaga ang nangyari? Paanong ang sinabi mong pagkikita niyong dalawa ay natapos ng ganito?"

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang tunay na kinahantungan ng buhay ni Rusty.

Alam kong magagalit siya dahil nagsinungaling akong nasa mabuting buhay ang hinahanap niyang anak ng matalik na kaibigan.

Nagkamali nanaman akong solohin ang problema.

"Kung hindi ka pa handa ngayon 'wag mong pilitin, sa ngayon asikasuhin na muna natin burol ng kaibigan mo." Nakita lo ang kalungkutan sa mata ng aking ama.

Tila gusto niya atang umiyak rin, pero iniisip niya ang damdamin ko. Nararamdaman kong pinatatatag ng aking ama, ang aking kalooban.

Si Daddy na ang humarap sa mga nurse na may pinapipirmahan na dokumento. Habang ako ay nakatitig lang sa silid kung nasaan si Rusty.

Dumating kalaunan ang kapatid ko, magulo naman ang itsura nito at hindi pa nagagamot ang sugat na natamo niya.

Agad siyang napansin ng aking ama at nilapitan siya, tumawag rin ito ng nurse at pinagamot si Dwife. Hindi ko alam kung kaylangan ko bang magalit sa kapatid ko sa sitwasyon ngayon.

May bata siyang dinamay sa gulong ito.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Namulat ako na katabi ko si Dwife, malungkot siyang nakatingin sa akin. Nalinis narin ang mga sugat niya, alam kong may mali siya. Pero hindi ko parin matiis na damayan rin siya.

Nawalan na ako ng isang kaibigan, ayoko namang lumayo loob ng kapatid ko sa akin.

Tinitigan ko siya na parang pinapagalitan.

Napayuko naman siya. Inakbayan ko siya na kinagulat niya.

"Kuya..." mahinang sambit nito.

"Kumusta na si Max?" tanong ko.

"Kuya may kumuha sa kanyang lalaki," parang nagsusumbong siya sa akin. "Pero sabi naman ni Ma'am Denise, huwag na ako mag alalala dahil magiging ayos na si Max." dagdag niya naman. Nakikita ko naman sa mga mata ni Dwife na nag-aalala siyang tunay.

"Nakausap mo na ang nanay niya?"

"Opo Kuya," nakangusong sabi niya. "Nahihiya ako sobra, nagaglit ako sa sarili ko. Hindi man lang sa akin nagalit yung Mama ni Max."

"Maswerte ka kung ganoon, dahil kung ibang magulang, baka iba ang kinahantungan mo."

"Nagsisisi na talaga ako Kuya," nasa baba ang tingin habang kinukutkot ng sarili ring kamay ang mga kuko. "Pag naging okay si Max, babaee ako sa kanya." Pilit itong ngumiti, ginulo ko nalang ang ulo buhok niya.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now