Chapter 34

26.2K 420 29
                                    

NANDITO ako ngayon sa sarili kong tent at nagkakalikot lang sa aking cellphone,wala kasi akong magawa.

Habang tumitingin tingin ako sa gallery ay biglang picture namin ni Zane ang lumitaw.

Isa ito sa masayang araw para sa akin dahil ito ang araw na namasyal kami,tatlo sana kaming magkakasama dito ngumit may biglang tumawag kay sir Zyair kaya kami lang ni Zane.

Nagswipe pa ako at puro si Zane nalang ang nasa litrato at makikita mo talagang masayang masaya siya.

May lungkot na dumaan sa aking puso dahil dun.

Hindi ko din maiwasan na isipin si Zane,miss na miss ko na ang bata na yun.

Kung hindi lang sana sa tatay niya ay hindi ko naman siya iiwan.

Napahawak ako sa umbok sa akin tiyan habang pinagmamasdan ang mga litrato ni Zane.

Somehow,gusto kong maging kamukha ni Zane ang anak ko.

At sana din pagdating ng araw ay mapatawad ako ni Zane dahil sa pag iwan ko sa kaniya.

Mabilis na lumipas ang tatlong buwan.

At sa mga buwan na iyon ay nasabi ko na din sa aking mga magulang ang aking pagbubuntis.

Kaya naman todo ingat sa akin si itay at inay,hindi na din nila ako pinagtrabaho para na din hindi daw mapano pa si baby.

May ilan na din akong gamit para sa kaniya.

Mula din ng malaman namin yun ay agad agad akong inaya nila inay para magpacheck up.

Napagalitan pa nga nila ako dahil daw bakit nun ko lang sinabi.

Sinabi ko naman ang totoo na natatakot ako at naintindihan naman nila iyon.

Pero may isa pa akong hindi sinasabi sa kanila.

Hindi ko sinabi sa kanila kung sino ang ama ng aking anak.

Sinubukan nilang alamin ngumit iniiba ko lang ang usapin o kaya naman ay aalis.

Wala akong balak sabihin kung sino ang ama ng baby ko dahil na din sa kadahilanang may konting inis pa din ako sa kaniya.

"Clementine anak?"rinig kong tawag ni nanay sa labas ng aking tent kaya naman dahan dahan akong tumayo at binuksan ang tent at lumabas.

Napangiti naman si nanay pagkakita sa akin at hinawi ang ilang buhok na tumatabig sa aking mukha.

"Bakit po nay?"tanong ko dito.

"May namimigay ng relief goods sa may labas kaya halika na"yaya nito na pinanhintulutan ko naman.

Sabay kaming pumunta sa labas ni nanay at nakita kong may malaking tolda dun at may matangkad na lalaki akong nakikitang nakatayo doon.

May lima ding truck na puno ng relief goods para sa aming mga nasunugan.

Hindi naman ganun kadami ang pila kaya pumila na kami ni inay at habang papalapit ay siya namang ikinabilis ng aking puso.

Pagkakita ko sa lalaking nakashade sa harapan at tipid na ngumingiti sa mga taong kumukuha ng relief goods.

Walang iba kung hindi ang ama ng aking anak, Zyair Keanu Huxley.

Itutuloy.
❄️
So sana naitawid ko to noh?😭Babawi nalang ulit ako hehe🤭

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon