52

138 16 8
                                    

after school, sabay na kami na umuuwi ni gael, usually kaming sumasakay sa bus tapos ihahatid niya ako hanggang sa bahay namin.

"gago ka! dinahilan mo pa si aqui dati na hindi sasama if wala ako. yun pala, fan siya ng baseball!" hinampas ko sa braso si gael habang nakaupo kami dito sa dulo ng bus.

tanda ko nung first time ko manood ng baseball game, kasama ko pa sila tsaka si aqui na hindi daw sasama if wala ako dun! naniwala naman ako. puta?

nalaman ko nalang na fan pala ng baseball si aqui, manonood at manood parin siya ng baseball game kahit wala ako dun! talagang pinaikot din ako ni fortalejo, ang galing lang ng gagong 'to.

tumawa naman si gael tsaka umiling uling. lalo niyang hinigpitan yung hawak sa kamay ko, napairap nalang ako. "syempre gusto kasi kitang makasama... tsaka alam ko naman na pinaglalapit mo kami ni aqui non eh, hindi ko hahayaan na mangyari yun na hindi ako nakakadamoves sayo." confident na sabi ng gago! apaka talaga!

nilapit niya pa ang mukha niya kaya halos masundot na yung ulo ko ng dulo ng cap nya. "na kiss cam pa nga tayo eh, don't you remember?" malanding sabi niya. tinulak ko naman siya. pucha lang! oo nga pala!

grabe yung sigawan ng mga tao nun sa paligid namin, habang fake akong ngumingiti at mahinang minumura si gael. in the end, tinulak ko siya at iniwan. bakit ko siya hahalikan diba?!

"plano mo din yun, ano?!" pagbibintang ko pa. kaagad naman siya nagtaas kamay at umiling iling. "uy, hindi ah. talagang napansin siguro nila na bagay tayo kaya tayo napili nila." kinuha niya ulit yung kamay ko para hawakan.

eversince na naging kami ni gael, nalaman ko na ang clingy pala niya.

"aish, naisahan mo ako!" hinampas ko ulit siya sa braso, tumawa lang siya tsaka inakbayan ako para ilapit pa lalo sa kaniya. parang yakap na niya ako ngayon.

oo, ang clingy niya. pero hindi ko naman sinabi na ayoko neto. wala akong sinabing ganun!

napangiti nalang ako.

habang nakatingin ako sa kamay namin na magkahawak ngayon sa kandungan ko, naiisip ko parin minsan kung totoo ba 'to. hindi ako makapaniwala na dati inaaway ko lang siya lagi, wala akong ibang turing sa kaniya kundi kaaway ko. hindi ko pa siya magawang tignan noon kasi naiinis ako sa kaniya.

"sorry..." i finally had the courage to tell him. yumuko lang ako at pinaglaruan yung daliri niya. "sorry kasi ang sama sama ko sayo, simula nung nagkakilala tayo sa starbucks, tinawag pa kitang manyak." shit lang!

namula kaagad ang mukha ko, nakakahiya kaya yung incident na yun! putangina. bakit kasi siya yung nasa likod ko?!

"then laging masama ang tingin ko sayo, kahit wala ka namang ginagawa. totoo yung sinabi ni iris na hindi mo naman kasalanan if mas mataas grades mo sakin, or if ikaw ang binoto nila bilang class president. i hated you for things you can't even control." kasunod niyon ay isang buntong hininga. if hindi nga siguro desenteng tao si gael, baka matagal na niya din akong napatulan dahil sa mga pinaggagawa ko sa kaniya.

"sorry talaga, nasaktan ka din panigurado. pati sa mga pagmumura at masasakit lagi na nasabi ko." tahimik lang siya habang nagsasalita ako, tahimik na nakatingin sa akin habang hinahaplos yung buhok ko.

"sorry... sorry talaga... i'm sorry, lawrence." i looked him in the eye with sincerity. kahit naman kami na, hindi ibig sabihin nun dapat na namin kalimutan lahat ng masasamang ginawa ko sa kaniya.

mas lalo lang akong nagsisisi. kasi ngayon, alam ko na maling mali yung pagkakakilala ko sa kaniya noon. sana hindi ko siya trinato ng ganun dati.

"lawrence..." tumitig lang siya sakin, wala talagang kahit anong sinabi matapos akong magpaliwanag. tangina, sabi na nga ba! galit siguro siya? shit lang kasi eh! ang gaga ko!

fuck.

naestatwa ako at nanlaki ang mata nung bigla siyang lumapit, he tilted his head to kiss me directly on the lips! putangina!

narandaman ko nalang yung malambot niyang labi na nakalapat sa akin. tapos mabilis din kaagad siyang lumayo.

nalaman ko nalang, tapos na! ganun kabilis! pukingina na yan! hinalikan ako ni fortalejo?!

"gago! para saan yun?!" gusto ko siyang sapakin! tangina, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, wala man lang siyang pasabi!

nakasandal sa upuan at halos takip na ng baseball cap nya yung kalhati ng mukha niya. ngumiti siya habang kagat kagat yung lower lip niya.

putanginang labi yan!

"forgiveness." simpleng sagot niya, sobrang laki parin ng ngiti.

putanginang ngiti yan! bakit ang gwapo gwapo?! ugh, bwisit lang!

napairap ako, pinilit ko na wag ngumiti. putragis. ayoko ngumiti! hindi ako ngingiti.

walang sabi sabi na inalis ko kaagad yung suot niyang cap tsaka sinuot yun sa sakin. tinago ko kung gaano kapula ang mukha ko. kasalanan ni gael! pakshet lang. ang harot nya!

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon