Chapter 35

26.9K 397 106
                                    

PARA NAMAN akong natuod sa kinatatayuan nang makumpirmang si Zyair iyon.

Kung hindi pa ako kinalabit ni nanay ay hindi ko pa mamabawi ang aking tingin kay Zyair.

"Clementine,anak.Ano bang nangyayari sayo?umusad na ang pila ay tulala ka pa din."sabi ni nanay.

Nginitian ko lang ito at nagpokus nalang sa pila.

Pinagpapawisan ang kamay ko sa sobrang kaba nang ako na ang susunod.

Umalis na ang nasa unahan ko at akala ko ay ibibigay na ni Zyair sa akin ang relief goods ngumit bigla itong tumalikod at binigay sa lalaki ang RG.

Napapahiyang kinuha ko nalang ang relief goods at umalis na sa pila.

Paalis na kami ni nanay ng muli akong tumingin sa kaniya at nakita ko itong nakatalikod sa aking gawi habang nasa tenga ang cellphone.

Kumuha din si nanay ng relief goods dahil isang tao ay isang plastic kaya naman kaniya kaniya talaga dapat ang kuha.

Bumalik na kami sa evacuation center at pinasok ko na sa loob ng aking tent ang relief goods.

Ganun din ang ginawa ni nanay.

Isang oras na ang lumipas mula ng kuhaanin ko ang RG at ngayon ay nandto ako nakaupo sa labas ng evacuation center.

Nagbabasa basa lang ako sa cellphone ng tungkol sa pagbubuntis at kung ano ang dapat gawin nang may biglang yumakap sa aking likod.

Gulat na napatingin ako dito at mas nagulat na makita ang mangiyak ngiyak na itsura ni Zane.

Agad nitong isinubsob ang mukha sa aking leeg tulad ng nakasanayan niyang gawin.

Niyakap ko din ito pabalik at hinimas himas ang likod upang tumahan.

Humihikbi na kasi ito at sobrang higpit ng kapit sa akin.

"Zane!"baritonong sigaw ang nagpahiwalay sa amin ng bata.

"D-daddy i found momma!"masayang sabi ni Zane kahit na may luha pa ang mata.

Wala naman naging reaksyon si Zyair sa sinabi ng bata at kinuha lang ito palayo sa akin.

Nagsimula nang magwala si Zane at pumipiglas sa hawak ng ama.

Inaabot ako ng munti nitong mga braso habang nagmamakaawa sa amang bitawan siya.

Naawa ako kay Zane at sinubukang kunin siya pero itinulak lang ako ni Zyair.

Mabilis akong napahawak sa akin tiyan sa lakas ng impak ng kaniyang pagtulak.

Dumagundong sa kaba ang dibdib ko habang pinapakiramdam ang aking tiyan.

Nakakunot noo namang nakatingin sa  akin si Zyair.

Maya maya ah nanlaki ang mata nito ng makita ang may umbok kong tiyan.

Gulat itong napatingin sa akin at sa aking tiyan.

"Y-you're really pregnant?"mahinang tanong nito na narinig ko pa din.

Napatahimik din si Zane nang makita niya akong nakatumba at nakahawak sa tiyan.

"Fuck! I'm sorry i didn't believed you."
natatarantang sabi ni Zyair at lumapit na din sa akin.

Binuhat ako nito at tinanong kung saan ako tumutuloy.

Pumasok kami sa loob ng evacuation center at napapatingin pa ang mga tao sa amin na gulat na nakatingin sa lalaking may buhat sa akin.

Tinuro ko sa kaniya ang aking tent at inupo niya ako sa may upuan sa tapat nun at agad akong nilapitan ni Francisco.

"Hey,stay away from her!"galit na sabi ni Zyair sa aking kaibigan na ngayon ay nanlalaki din ang mata.

Dahil nga sa pagkakatulala ni Francisco ay naitulak siya ni Zyair at agad akong nilapitan.

Maya maya ay lumapit sa akin sila nanay at tatay.Kakabalik lang nila galing palengke.

Mabilis na tinulak ni tatay si Zyair kaya napalayo ito ng kaunti habang nasa gilid nito si Zane.

"Anak!naku anong nangyari!?"
natataantang tanong ni nanay.

"Anong ginawa mo sa anak ko ha!?"
sigaw ni tatay kay Zyair kaya nanlaki ang mata ko ng makita ko itong tinulak sa balikat si Zyair.

Parang natakot naman si Zane at nagtago sa likod ng daddy niya.

Itutuloy.
❄️
Sa wakas ginanahan na ulit ako magsulat.

Hello! Na edit ko na po itong chapter na ito,kung may iba pa po kayong chapter nanaguguluhan just comment it thank you.

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon