Chapter 36

26.6K 413 47
                                    

WALA NAMANG ekspresyon na ipinapakita si Zyair at nakatingin pa din sa akin kahit na nasigawan na siya ni tatay.

Si Zane naman ay nakatago pa din sa likudan niya at maya maya ay sumisilip din sa akin.

"Hoy!Tinatanong ka kita,anong ginawa mo sa anak ko?May nagsabi sa akin na itinulak mo daw siya!Hindi mo ba alam na buntis siya!?"galit na sigaw ni tatay na siyang nagpalingon na kay Zyair.

"I-i sorry."maikling tugon lang ni Zyair at yumuko.

"Eh siraulo ka pala! Wala kang karapatang itulak ang anak ko! "galit pa ding sabi ni tatay.

"Pasensya na po."nakayukong paumanhin ni Zyair.

Lumabas din sa likod niya ang kaninang nagtatagong Zane kaya napababa ang tingin dito ni tatay.

"Hello po!Sorry po sa pagtulak ni daddy kay momma po."sabi ni Zane.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mas lalong naging galit ang itsura ni tatay.

"Anong momma!?"Galit na tanong ni tatay.

Nilagay ni Zyair sa likod niya ang bata at malamig ang matang tumingan kay tatay.

Natakot naman ako sa itsura niyabkaya napayuko ako.

"I'm sorry sir.My son is just calling her momma."malamig na sabi ni Zyair.

"Anak mo ba yan?"mahinahong sabi ni tatay.

Tumango naman si Zyair habang nakatago pa din sa likod niya si Zane na ngumingiti sa akin.

"Diba ikaw yung lalaking namimigay ng relief goods?"tanong ni nanay.

Napatingin naman dito si Zyair at tumango din.

"If you excuse us.aalis na kami."sabi ni Zyair at tumalikod sa amin.

Kumaway pa sa akin si Zane bago tuluyang makaalis.

Gabi na at nakahiga na ako dito sa loob ng aking tent pero hindi pa din ako makatulog at binabagabag ng mga nangyari kanina.

Alam ko din galit pa din sa akin si Zyair kaya naitulak niya ako.

Kahit na hindi siya naniwala sa akin noong una ay ayos lang lalo ngayon ay napatunayan ko na.

Malaking damit din kasi ang suot ko kanina kaya hindi masyadong halata ang umbok ng aking tiyan.

Napagpasyahan kong pumikit na upang makatulog at iwinaglit sa isipan ang nangyari kanina.

Kinabukasan ay medyo tinanghali ako ng gising dahil nga sa hirap akong makatulog.

At ngayon din ang araw na magpapacheck up ako upang malaman ang gender ng aking baby.

Nag ayos na ako at shempre sila nanay din.

Kasama din namin si tatay at Francisco dahil excited din daw silang malaman ang kasarian ng aking anak.

Habang nasa byahe ay kinakabahan at the same ay natutuwa ako dahil malalaman na namin ang kasarian ng aking nasa sinapupunan.

Maya maya ay nakarating na din kami at buti nalang ay walang tao kaya naman agad na kaming pinapasok sa loob at agad na akong inulrasound.

Si nanay lang ang kasama ko sa loob dahil hindi daw pwedeng marami kaya hanggang labas lang sila tatay at Francisco.

"Congratulations miss Acker.You have twins and it's both boy!"masayang sabi ng doctor.

Napaiyak naman ako dahil dalawang buhay pala ang nasa loob ng aking tiyan.

Napaiyak din si nanay sa saya ng sabihin iyon ng doctor.

Pagkatapos magbilin ng doctor ay umalis na din kami at masaya ang mukhang sinalubong ang kinakabahang mga mukha nila tatay at Francisco.

"Ano na girl?!"excited na tanong ni Francisco at napalakas pa kaya pareho kaming natawa ni nanay.

"Tatay, Francisco.Wag kayong magugulat ah."pagpapaexcite ko pa dito.

"It's a twins!and both boys!"masayang sabi ko sa mga ito.

Napasigaw si tatay at Francisco kaya natatawa kami ni nanay na pinagmamasdan ang tuwang tuwang ekspresyon nila.

Itutuloy.
❄️
Another one.

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon