CHAPTER SIX: HEARTLESS

738 74 0
                                    

Jaydee's POV

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmula sa cellphone ko. Nakapikit ko itong kinuha sa taas ng table na nasa tabi lang ng kama. Ala syete pa lang naman at 9 am pa ang pasok ko.

Naisip ko si Frances na nasa kabilang room lang kaya mabilis akong bumangon para magluto ng almusal pero agad rin akong napabalik mula sa pagkakahiga dahil sa sakit ng ulo ko. Marahan kong hinilot ang noo ko dahil sa sakit epekto na 'to ng ininom namin kagabi.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago napagdesisyong tumayo na para makapagluto na ng agahan at makainom narin ng gamot sa hangover.

Nagprito lang ako ng bacon saka hotdogs saka sinangag ko narin ang naiwang kanin kagabi. Minadali ko na lang ang pagluto para makaligo narin agad.

Matapos kong maisuot ang uniform ko ay agad ko'ng na isip si Frances. Mabilis naman akong naglakad papuntang kwarto para tignan kung nandito pa ba siya.

Pagbukas ko nang pinto ay nakahinga naman ako nang mabuti. Nandito pa siya at tulog na tulog parin. Nilapitan ko naman siya kaagad para sana gisingin pero makikita mo sa mukha niya ang sarap sarap pa nang tulog niya.

Napakaganda ni Frances kahit tulog. Ang payapa niya talaga tignan bahagya pa akong natawa ng makitang medyo nakaawang pa ang bibig niya. Nakanganga pa siya kung matulog ang cute parang baby.

Tahimik akong naglakad palapit sa kama at naupo sa gilid niya.
Agad ko naman kinuha ang cellphone ko para kunan siya ng picture. Busy ako sa pagkuha ng picture sa kanya nang bigla na lang siyang gumalaw.

Mabilis ko naman itinago ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng slacks ko.

'yong akala ko na magigising siya ay hindi naman pala, nag iba lang siya ng pwesto sa pagtulog.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para mas matitigan ko siya nang malapitan. Tini-trace ko ang mukha niya gamit ang daliri ko. Ang ganda niya hindi nakakasawang tignan.

I'm sure na may lahi siya pero di ko matukoy kung ano, ang puti niya ba naman at medyo matangos rin ang ilong.

Agad bumilis ang pagtibok ng puso ko nang bigla niyang minulat ang mata niya. Nahuli niya akong napakalapit ng mukha ko sa kanya at hinahawakan pa ng daliri ko ang lips niya.

Tangina nakakahiya.

Agad naman akong napalayo sa kanya. Baka isipin niya napaka weird ko kahapon lang kami nagkakilala. Tapos ganito ako umakto sa harapan niya.

"A-ano gigisingin na dapat k-kita eh. Oo tama magbreak fast na lang tayo sa school" paliwanag ko habang hindi makatingin sa kaniya. Hindi ako mapakali sa pagkakaupo sa gilid niya dahil ramdam na ramdam ko ang matulis niyang tingin saakin.

" Where am I?" Nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang boses niya. Nang aakit ba siya? Kung oo, takte effective!

Napalingon ako sa kaniya at sinalubong ako ng nakataas niyang kilay. Nakalimutan niya ba na inuwi ko siya dahil natutulog na siya sa bar counter.

" Nasa condo kita Frances. Inuwi kita kagabi dahil naka tulog kana sa bar" paliwanag ko ulit sa kaniya.

"Wala ka bang maalala?"

Tinaasan niya lang ulit ako ng kilay niya. Sabay tinitignan ang paligid nitong kwarto ko. Ang sungit talaga.

"Why bother to ask if I already knew. " sabay balik tingin niya sa akin at tinignan ako mula baba hanggang taas.

Agad akong nahiya sa sarili ko. Teka bakit ba ako nahihiya eh pamamahay ko 'to.

Hindi ko pinansin ang pagtataray niya. "breakfast?" alok ko parin sa kanya.

Operation: Breaking Jaydee Garcia's Heart [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon