Chapter 35

14.2K 407 230
                                    

Chapter 35

My mind was fucked up since that woman showed up. Kanina pa ako sinusubukang kausapin ni Rogue, pero hindi ko siya magawang tingnan.

Gulung-gulo ang isip ko dahil sa mga binitawang salita ng babae.

"Ragna..."

I didn't dare to look at him and instead focused on watching Mrs. Agrezor talking with the twins. They answered her questions about how we celebrated their birthdays in the past years.

Hanggang sa inaya ni Mrs. Agrezor ang kambal na libutin ang bahay ni Aegeus. Naiwan kaming dalawa. Tinangka niyang hawakan ako sa braso pero agad akong tumayo at iniwasan siya.

Naglakad ako papunta sa back porch, at sinundan niya ako. Tumitig ako sa kawalan, hindi nagsasalita.

"I know you just gave me another chance, and you might take it back because of what I'm going to say. I've been thinking of it since we entered the house that I shouldn't lie to you. I need to tell you the truth about that girl."

Doon ko siya hinarap. Halata sa mga mata niya ang takot.

"She was my friend..."

"With benefits?" Sumandal ako sa railings, matiim na nakatingin sa kanya. "Wala dapat akong pakialam sa old flings mo dahil buhay mo 'yan."

He fell silent, and I gave him a wry smile.

"Don't give us another problem, Rogue. Hindi na tayo teenagers. May mga batang nakatingin sa atin."

"She was a fling six years ago. She kept chasing me, though I told her already that we were done," he explained.

Ang dami kong gustong sabihin, pero wala akong lakas ng loob.

"Ragna?"

Lumingon ako at nagpilit ng ngiti dahil papalapit si Phoebe sa amin. Ngayon lang siguro natapos ang pag-uusap nila ni Admiral noong tumawag ito sa kanya kanina.

"Is this a bad time?"

Hindi ko siya sinagot at hinila ko siya pabalik sa bahay.

I was not in the mood the whole time we were in Aegeus' house, and I bet Phoebe felt the air between Rogue and me. Maging si Amity nang bumaba sa living room ay mukhang napansin ang kilos ko.

Pagbaba ng sasakyan ni Rogue ay dumeretso ako sa kusina. Narinig ko pa na inaya ni Phoebe ang kambal sa kwarto ni Rainer.

Rogue followed me. "Ragna..."

Kumuha ako ng canned beer at uminom. Binalewala ko ang presensya niya.

"Please, talk to me."

"I'm talking to you, am I not?" I half-heartedly said.

Inagaw niya sa akin ang beer at ibinaba ito sa countertop. Tiningnan ko siya. "She's nothing to me."

"You don't need to explain."

"Then why are you acting like this?"

"Basically, I'm the mother of your children. Do you think it's okay with me that an obsessed woman is chasing you now that you have found out you're already a father?"

His eyes seemed to be searching for something in mine. "Did you only give me another chance because of the twins?"

Iniwas ko ang tingin. Hindi ko siya sinagot at tuluyan na siyang iniwan mag-isa sa kusina.

The next day, I had just gotten out of the ICU when I saw a man sitting in the lobby. Mahina akong napamura nang napatunayan kong si Rogue ito.

Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya hindi niya ako nakikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon