Prologue

118K 3.8K 287
                                    

I looked around. Unti-unti na kaming nauubos. Malapit na ring maubos ang health points (HP) ng bawat isa sa 'min. Tiyak na ang ilan ay nasa resurrection hall na. Hindi na sila makakabalik dito. Kulang na sa oras. Hindi na rin makapaglabas ng malalakas na techniques ang ilan sa 'min. Paubos na ang mga mana points (MP) nila. Alam kong hindi na sapat ang lakas namin para lumaban pero hindi kami maaaring matalo. Buhay namin ang nakataya rito. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Marami pa akong gustong itama. Marami pa akong gustong makilala sa labas ng game na ito. Hindi sila maaaring magtagumpay sa masamang binabalak nila. Hindi ako papayag.

This is our last chance. Kapag natalo kami rito, wala na kaming babalikan. Hindi na mahalaga kung sino ang pinakamagaling na gamer sa oras na ito. Ngayon, kailangan na naming magtulungan para iligtas ang mga buhay namin. Time is running short. No. Time is running out for us. Isang araw na lang ang nalalabi para sa 'min.

Inilabas ko ang golden bow and arrow ko. Umabot na ito sa maximum level. I'm reserving all my energy for this one last critical hit. Hinihintay ko lang ang tamang pagkakataon para tumira. Sa 'kin nakasalalay ang lahat. Umaasa sila na maipapanalo ko ang laban. I'm carrying all their hopes and wills. Hindi ako maaaring sumablay. Lahat nagsakripisyo para sa huling tira na ito. Lahat sila naniniwala sa kakayahan ko. Nakapuwesto na ang arrow sa bow ko. Pumorma na ako. Tinantiya ko ang layo ng kalaban mula sa 'kin. Kalkulado ko rin kung saan dapat tumama ang arrow na ikapapanalo namin. Magalaw ang kalaban kaya nahihirapan ako. Alam kong nabasa niya ang binabalak ko.

I gasped when he suddenly disappear. It's a cheat. His real cheat. Hindi na siya maaari pang gumalaw nang ganu'n kabilis dahil marami na ang nabawas sa Health Points niya. I gritted my teeth. Natauhan ako nang maramdaman ko na lang siya mula sa likod ko. Mapait akong napangiti. It's awful that we didn't realize it before. Beyond this ranking quest is a quest of madness. A quest where we will lose our minds and selves forever.

---------------------------------

TO BE CONTINUED...

Author's NOTE

Hello. This is my new story. I really want to write this story. Tatapusin ko na ko ang Escaping Darkness soon. Sa sobrang dami ng gusto kong isulat, hindi ko na alam ang uunahin! Hahahaha.. Sana basahin din ninyo ito katulad ng support ninyo sa WMA. This is a fantasy story. A Virtual Reality MMORPG.

I love you all

P.S. Hindi ako marunong gumawa ng book cover. Baka pwedeng humingi sa inyo XD haha! Ang kapal ng mukha ko >.< Ito talaga ang purpose kung bakit pinost ko ito nang maaga. Haha! Take care every one

P.P.S Huwag pala kayong mahiyang mag-comment. I want to hear from you guys.. Your insights.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon