Chapter 22

148K 9.3K 6.7K
                                    

"CARLYN, I LIKE YOU."


Natulala ako sa narinig. Ang dami ko ng narinig na confession, pero ngayon lang ako natorete nang ganito. At saka akala ko ay goods na iyong kahit hindi namin napag-uusapan kung ano kami. 

Bakit bigla siyang napa-"I like you" diyan? Hindi na nga niya naalala iyong pamumundok niya kagabi, 'tapos bakit nambibigla pa siya ngayon. 

Pinagsalikop niya ang mga palad namin. "Carlyn, pag-usapan natin kahit kailan mo gusto." 

Umawang lang ang mga labi ko pero walang boses na lumabas mula roon.

Mahinang natawa si Jordan. Pati ang magandang uri ng mga mata niya ay amused na nakangiti sa akin ngayon. "Uwi na ako. Baka dumating na ang mommy mo."

"S-sige..." Shit! Nagkandapiyok pa ako.

Inihatid ko si siya pero hindi na ako umabot hanggang gate. Hanggang sa pinto na lang ako dahil parang hindi na kakayanin ng mga paa ko na humakbang nang mas malayo. Nag-confess pa lang si Jordan nito pero hindi na ako makalakad nang maayos, what more na lang kapag...

"Pumasok ka bukas," bilin niya sa akin.

Napatikhim ako. "O-oo naman..."

Bago siya umalis ay yumuko siya at ginawaran ako ng magaan na halik sa noo. "See you tomorrow, Carlyn."

Ilang minuto akong natulala sa sala nang makaalis na si Jordan. Nakakaloka ang pakiramdam ko. Iyon bang parang sa pag-alis niya, kasama niya ring umalis sa aking katawan ang puso ko.



SA SCHOOL kinabukasan ay sobrang lutang ko. Madalas akong lutang pero mas matindi ang pagkalutang ko ngayon. Muntik akong pumasok sa hindi ko classroom.

Ang dahilan ng ikinato-torete ko ay ang simpleng "good morning" text ni Jordan. Ano bang pwede kong i-reply sa text niya? "I like you too?"

Parang tanga, di ba? Dahil lang doon ay nagkakaganito ako. E kasi naman, first time niyang mag-good morning sa akin. Pagkabasa ko niyon kanina ay nawala agad ang antok ko. Lutang nga lang ang pakiramdam ko. 

Dahil hindi pa bell at wala pang teacher ay tumambay na lang muna ako sa pwesto nina Isaiah na nasa likurang bahagi ng room namin. 

Si Isaiah ay tulog at may takip na notebooks sa mukha, si Asher naman ay may ka-text, at si Miko ay nasa canteen daw; makikipag-break yata sa syota of the week niya.

Naupo ako sa katabi ni Asher at balak ko sanang makipag-kwentuhan para malibang ako, ang kaso ay busy siya sa kung sino mang ka-text niya. Mukhang may binobola na naman siyang babae. Sa inis ko ay inagaw ko nga ang phone niya.

"Hoy, tangina ano ba?!" angal niya.

Hinablot niya ang phone sa akin at nabawi naman niya agad.

"Bat ka galit?!" sigaw ko sa kanya.

Umungol ang natutulog na si Isaiah sa upuan. "Tangina naman ang ingay! May natutulog dito e!"

Nagdabog naman ako. "Ito kasing si Asher e parang titingnan lang iyong phone niya, ang damot!"

"E may ka-text nga ako!" Sinenyasan ako ni Asher na hinaan ang boses dahil baka mabadtrip si Isaiah. "'Wag ka kasing magulo, Car. 'Pag ikaw naman, di ka naman ginugulo."

"Sino ba 'yang ka-text mo at masyado kang busy?!"

"Secret!" sagot ni Asher na muling bumalik sa pagse-cellphone.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon