XXI

1.8K 141 54
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Uwian na mga bakla!"

Napapitlag ako sa gulat dahil sa biglang pagsigaw nitong katabi ko. Habang ang mga ilan sa mga kaklase namin, natatawang lumabas na lang. Para talagang ewan si Shekinah minsan.

"Para kang bata Shekinah." Belle said, laughing at her. "Tapos 'yung boses mo kanina, pang bata din." dagdag pa nitong isa.

Natatawang tumango naman ako. "Oo. Bakit ka kasi sumigaw ng ganon?" nakakagulat talaga siya minsan.

Pero ang babaeng ito, parang maldita ang peg na inirapan kami. May paggalaw-galaw pa siya ng braso. Ibang klase talaga. "Gusto ko na umuwi ee." nagtaas baba pa siya ng kilay niya na ikinatawa ko na lang. "Gusto ko ng mahiga sa malambot kong kama. Hay nakakapagod ang buhay."

Napatawa akong muli at agad siyang inakbayan. Nauna namang lumabas si Belle ng room habang nasa likod kami ni Sheki. At saktong kakalabas lang namin, mukha agad ni Gia ang bumungad sa'min.

"Magandang araw mga binibini." She greeted, smiling widely. "Lalo na sayo Belle." napakunot noo ako. Anong meron? "Belle, nakapag-isip-isip kana ba? Mabibigay mo na ba sa'kin number ni Ella?" sunod-sunod na tanong pa niya.

Napailing ako. Kaya naman pala. At saka, hindi pa pala binibigay sa kanya ni Belle 'yung number?

"Hindi mo pa pala binibigay Belle?" kunot noong tanong naman nitong maliit na katabi ko. "Kakaawa ka naman Gia. Mukhang hindi boto sayo ang pinsan." ang laki ng pagkakangising dagdag niya. "Maganda ka naman kasi ee. Nasobrahan lang sa yabang."

Doon ako tuluyang napatawa. Ang sama ng tingin sa kanya isa na akala mo'y may mangyayaring giyera sa pagitan nilang dalawa.

"Oh tama na 'yan. Mag-aaway pa ee." pag-awat ni Lara na kakarating lang. "Belle, ibigay mo na. Pati ako kinukulit niyan ee." napakamot pa siya sa buhok niya na tila ba'y stress na.

Wala namang nagawa ang isa kundi ang tuluyan na ngang ibigay kay Gia yung number ni Ella. Nakangiting napailing na lang tuloy ako. Ang gugulo nila. Mas magulo pa sa buhok ko. Hay.

"Tara na umuwi." Sheki said.

Tumango naman kami sa kanya at sinimulan ng tahakin ang daan palabas dito sa University.

"Kung wala lang akong pangarap sa buhay, hihilingin ko na sana mamatay na lang ako." Lara suddenly said. "Parang pinapatay narin naman kami ni prof dahil sa dami niyang pinapagawa." maktol pa niya na parang bata.

Gusto ko sana siyang asarin kaso ganon din kami. Ang dami ko pa ngang aaralin mamaya kasi sandamakmak ang quiz ko bukas.

"I feel you Lang." kalmadong tugon pa ni Sheki bago niyang niyakap ang braso ng isa. "Kaso naalala ko, ayaw ko pang mamatay kasi hindi pa ko nagkakajowa. Hindi ko pa nararanasan ang break-up, tapos pupunta sa Bar at magpapaka-wasted. Tapos kapag feel kong tipsy na ko, pupunta ako sa dance floor at sasayaw. Tapos magugulat na lang ako kasi may biglang lalaking hahapit ng baywang ko at bubulong sa tainga ko ng, "baby let's talk" habang umiigting 'yung panga niya. " parang nagde-day dream na sagot pa niya.

Literal na napa-awang ang labi ko. Seryoso siya don? Di nga?

Mukhang bumalik lang naman sa ulirat itong si Shekinah ng hampasin siya ni Lara ng plastic bottle na walang laman.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon