043 - FAILED

443 32 2
                                    


"Ouch!" mahinang saad ni Beatrice habang nandidiring kinuha ang gusot na papel na tumama sa ulo nito. Binuklat niya ito at tiningnan ang mensahe –

'Bhes pakopya.'

Napangisi nang nakakaloko si Beatrice sabay na tinapon ang papel na malapit sa bintana.

'Bahala sila, after ruining my hair and bullying Ione do they think na palalampasin ko ito? Never.'

Sumabit na ang araw ng second grading test at lahat ng mga estudyante ay kanya-kanyang diskarte sa pagsasagot. Hindi naman maiiwasan ang pagkakaroon ng kopyahan ngunit may iba pa din na nahuhuli dahilan ng pagkawala ng kanilang mga questionnaires.

"Shocks, bat kasi ang daming sasagutan. Legit na 500 questions per subject ang ginawa nila." bulong ni Bea at tumingin sa gilid at nakita si Purple na seryosong nagsasagot ng papel. Kahit three seat apart sila, napaka responsive ni Purple sa tanong ni Bea. Both of them have sharp ears too.

"Psst. Nag review ka?"

"Hindi." umiling-iling si Purple saka lumipat na sa susunod na page. Nagtaka si Bea dahil bakit mala super sonic ang pagsagot nito sa sasagutan.

"Why so bilis naman magsagot. Yung mga manghuhula nga sa lotto nagiisip din minsan tapos ikaw nanghuhula lang?"

"Bakit? Mas okay na nga yun kaysa sa mangopya. Isa pa, may stock knowledge naman ako kaya pamilyar ang ibang topic sa akin. Bakit ka kasi hindi nag review?" bulong nito at parehas na natahimik nang marinig ang papalapit na tunong ng heels ng kanilang guro. Nang malagpasan na sila, nagkuwento ulit si Bea.

"Ka chikahan ko si Ione kagabi." hula hula na lang din ang pag sagot ni Beatrice at seryoso magsagot sa ibang numbers na nafa-familiarize niya.

"Hays, ano ba iyan. Bahala ka na nga, magsasagot na ako nang mabilis akong matapos dito." ikot mata si Purple na pumangalumbaba.

On the other hand, Zioquel bitterly look at his blank paper as he asked Shania – "Diba ito yung ininterview natin sa MAPEH? Yung what is deepfreeze-ion chu chu?"

"Depression iyon kuya." Talak ni Sienna.

"Ay sorry, utak ko yata di na gumagana. Napaka unli kasi ng test, nagawa na nga through interview gusto pa mag write down ng thoughts saka mag explain sa test." napakamot sa leeg si Zioquel habang taimtim lang na nagsasagot si Shania sa kanyang questionnaires. Magkakalapit lang ang seating arrangement nila. Bali sa first row sina Sienna na medyo malapit lapit sa gawi ng pintuan. Sa second row na pinakauna si Zioquel at sa third row na pinakauna ay si Shania.

Everything went smoothly hanggang sa umabot sila sa huling pagsusulit, ang Etiquette test. Compared to the other test, Etiquette doesn't require papers as a test. Ang gagawin nila ay ipe-perfrom ang lahat ng pinag-aralan sa kanilang Etiquette room at pipili ng kapares na opposite sex.

Bumalik ang mga estudyante sa kanilang dorms at kanya-kanyang pormahan ng formal attire na pag-ayos. Si Purple Ignacio ay naka light purple tuxedo at pinaresan ng pulang rosas sa kaliwang dibdib nito. Habang kabadong kumatok sa dorm nila Shania at Sienna, he took courage to knock and call for Sienna's name.

"Sienna?"

Bumukas ang pintuan at bumungad si Shania na naka kulot ang buhok habang ang mala-gintong buhok nito ay nakalugay na umabot sa kanyang baywang. She's wearing a pair of black gloves, cocktail blue dress with a gold pattern of vines and roses. A high black heels that matched her smoky blue make-up that highlights her blue eyes.

"Nagbibihis pa. Ikaw ba ang kapares niya?" tanong ni Shania.

"Bakit? Manang Prinsesa? Gusto mo ba akong makasama? Ngunit, may kapares na ako–"

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon