IASWAK24

703 77 7
                                    

Coleen's Pov

Nakatingin lang ako ngayon sa may kinauupuan nila jaydee at amy ngayon , nakakapagtaka lang talaga ah kung bakit ang clingy nung babaeng kasama ni Jaydee nakaraan sa kanya.

Well di ko siya pinaghihinalaan na may ibang babae ah pero once na malaman ko talaga na may iba pa siyang jowa maliban kay amy ay makakatikim talaga siya sa akin.

Dream girl ko yan oh! At ayokong makitang masaktan yan okay lang na ako pero wag lang si amy no hindi niya deserved.

"Hoy coleen! Ano tulala ka na naman dyan sa kanila? Kanina ka pa namin kinakausap nila brei at frances! Tama na yan baka maiyak ka na naman" tapik sa akin sa amy balikat ni frances napatingin naman ako sa kanya nang may pag aalala.

"Brei? May tanong ako?" Nilisan ko ang tingin kay frances at napatingin ako kay brei na ngayon ay kumakain ng fries na inorder nila kanina ni sheki.

"Ano naman yun? Mukhang seryoso ka ah! Kung about yan sa diniscuss kanina ay wag mo nang balakin pang magtanong sa akin dahil hindi rin ako nakinig kanina" natatawang sabi niya sa akin napailing iling naman ako , wait tanungin ko na lang kaya siya curious din naman akong malaman eh.

"Baliw hindi, Ah diba mag gusto ka din kay amy? Anyare bakit ka tumigil sa paglapit sa kanya at pangungulit?" Napansin ko kasi na mas nauna siyang umiwas kay amy kesa sa akin at nabanggit din ni madaldal naming kaibigan na may

"Huh? Wala wala sadyang nawala lang yung nararamdaman ko na pagmamahal sa kanya kaya ganun, anyway bakit mo natanong?" pansin ko namang nagsisinungaling siya dahil halata sa mga mata niya hindi kasi siya makatingin ng diretso sa akin ngayon.

"Curious lang ako kaya ko natanong tsala may nabanggit sa akin si sheki eh! Sa ingay ba naman ng bunganga niyan ni bonitah kaya wag ka nang magtaka kung may masabi ka sa kanya tapos malalaman ko din , anyway so ano ngang nangyare gusto ko na sayo mismo manggaling" alam ko naman na ata yung sagot sa katanungan ko pero nais kong marinig mismo sa kanya yun.

"Hahaha sad to say pero pareho tayong dalawa nang naging resulta" natatawang sabi niya tapos inubos niya na yung laman ng paper bag na may lamang fries.

"Ouchiiee! Nabasted pala kayo ng parehos na babae eh! Wala ang weak niyo talaga baka si ate sheki lang talaga ang malakas sainyo!" Natatawang pangangantyaw ni frances sa aming dalawa ni brei mahina lang naman yung pag uusap namin at wala din naman katao tao na malapit sa pinupuwestuhan ng upuan namin dahil masyado pa ngang maaga ngayon.

"Malakas magpaiba iba ng babaeng sinasama kung saan saan!" Rebat naming dalawa ni brei tapos nag apiran pa kami , tama naman si Frances malakas si sheki mambabae nga lang hahaha

"Luh? Kapal niyong dalawa ah! Hindi kaya totoo yan! Pag may nakarinig sa inyong dalawa tapos nalaman ni alice baka gawing punching bag na naman ako nun" sabay pagpapatahimik niya sa aming dalawa , tawa lang kami ng tawa dahil sa naging reaksyon niya ngayon di halatang pikon bonitah ah haha.

"Ay kawawa under!" Sabay na sabi naming muli ni brei at hinampas naman kami sa may balikat ni bonita, wala pikon talaga ang ate niyo sheki hahaha shonda na eh.

"Ay kawawa nabasted!" Sabay turo niya sa aming dalawa ni brei napatingin naman sa kinaroroonan namin si amy pero mabilis nang umiwas ng tingin.

Sinamaan ko nang tingin si bonitah dahil sobrang lakas ng pagkakasabi niya nang ganun.

"Isa pang banggit ng term na yan at ayan na ang huli mong masasabi bago kita tuluyang sakalin" pananakot ko sa kanya bahagyang napalunok naman siya ng kanyang laway na tila bay natakot sa sinabi ko , ayan dapat lang na matakot ka ako kaya ang boss sa ating tatlo hahaha

"Sorry naman boss coleen ito na tatahimik na po ako , hoy ombeng! Asan na yung pagkain ko? Bakit wala na dito?" Bintang niya kay brei na ngayon ay nakataas ang kilay dahil mukhang hindi naman siya ang may salarin.

"Ano? Ako pinagbibintangan mo? Ni wala nga akong nakitang pagkain dyan sa mesa mo bonitah , wag kang judgemental ah kutungan kita dyan eh!" Singhal niya pabalik kay sheki napatingin tingin naman sa paligid si sheki tapos napatingin siya sa akin.

"Wow huh! Alangan naman si coleen o si franc-ces? Fudge bakit mo kinain yan! Akin yan eh iluwa mo yan ngayon din!" Agad na kaming natawa ni brei nang makitang ngumunguya si frances ngayon at halatang burger yung kinakain niya ngayon dahil may sauce pa sa gilid ng bibig niya.

"Ate sheki naman eh! Andaldal mo kasi kaya kinain ko na yung burger mo!" Sabi ni frances nang tuluyan niyang lunukin yung kinakain niya , napapadyak padyak naman si sheki na para bang bata na inagawa ng pagkain.

"Tama na nga yan sheki ito nalang oh sayong sayo na wag mo na kalkalin sa bunganga ni frances yang burger mo dahil ang bagra mong tignan!" Sabi ko dahil tinitignan niya pa talaga yung bunganga ni frances, argh bagra bonitah ah.

"Ey ano to ah! Anong namamagitan sainyong dalawa?" Sabay tingin niya sa amin with her beautiful eyes kuno yuck kadiri hahah

"Issue ka? Ayan kainin mo nang buo at isaksak mo sa baga mo nang manahimik ka na sa kadaldalan mo!" Sinalpak ko sa bunganga niya yung buong burger , tawang tawa naman tong katabi ko dahil sa ginawa ko kay sheki.

"Hahahaha mukha kang siopao na napilitan lang gawin sheki hahaha , ang laptrip ng mukha mo sa ngayon!" natatawang sabi ni brei , sinipa naman siya ni bonita sa may tuhod perp hindi parin siya natigil sa kakatawa.

"Hotdog ka lara!"

"Lara daw for your information lang na my name is brei at hindi lara?! Yuck tumatalsik yung kinakain mo sheki! Ang bagra mo huh! Kainin mo nga muna yan bago magsalita" napasapo nalang ako sa ulo dahil sa ginagawa ni sheki ngayon, partida mayaman pa yan ah tapos ganyan kung makareact pag inagawan ng pagkain.

Napatayo nalang ako dahil mukhang need ko magpahangin sa may rooftop ngayon , sobrang dami ko nang iniisip dumagdag pa talaga yung nakita ko nakaraan.

Saka na ako kikilos pag napatunayan ko na na nagloloko yang jaydee na yan, sa ngayon need ko munang alamin yung background nung babaeng kasama niya nakaraan.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now