Chapter 41

25.3K 384 23
                                    

PAGMULAT ko ng aking mata ay puting kisame ang bumungad sa akin at amoy ng Hospital.

Nagbalik sa aking aalala na naisilang ko na ang dalawa kong munting anghel.

Kaya lang ay nawalan ako ng malay dahil na din sa hirap.

Iginala ko ang aking paningin at nakita ko si Francisco na nakadukdok sa aking kinahihigaan.

Siya lang ang nandito at hindi ko alam kung nasan sila nanay at tatay.

Dahan dahan kong ginalaw ang aking kamay at kinalabit si Francisco,hindi naman ako nabigo at itinaas nito ang ulo at nanlaki pa ang mata nang makitang gising na ako.

"Girl!Omg gising na pala you!"
matinis na boses na sabi nito.

"Francisco naman kakagising ko nga lang ay nasigaw ka na agad,saka nasa nga pala sila nanay at ang kambal kamusta sila?"tanong ko dito.

"Ang iyong mader ay fader ay nandun sa kambal at kanina ka pa nga nila ginigising kaso nainip na at ang tagal mo kaya ayun ako muna ang pinagbantay sayo at dun daw muna sila sa apo nila"sagot niya.

Nagkuwentuhan pa kami saglit ni Francisco hanggang sa bumukas ang pintuan kaya sabay kaming napatingin doon.

Unang pumasok si nanay kasunod si tatay at sa likod nila ay ang dalawang nurse na dala ang kambal.

"Gising na pala ang mommy,here's your twins po"magiliw na sabi ng nurse at nilapag sa aking tabi ang kambal.

"Magkatabi na sila at sinabi sa akin ng nurse kung sino ang panganay at bunso,tanda ko pa naman din at shempre hinding hindi ko malilimutan ang itsura nila.

"Ma'am,ano po ang gusto ninyo ipangalan sa kanila?"tanong ng nurse.

Kaya pala hindi pa sila umaalis dun ay hinihintay nilang tumingin ako sa kanila upang tanungin ako.

"I want to name the oldest,Chandler Zyon.And the youngest is Chevy Zion Acker"sabi ko habang nakatingin sa kambal.

Masayang tumango naman ang nurse at sinulat iyon at nagpaalam na lumabas.

Nang makalabas sila ay agad lumapit sila tatay sa kambal.

"Iha,bakit iyon ang napili mong pangalan para sa kanila?"tanong ni nanay.

"Gusto ko po na kahit manlang unang letra ng pangalan ng ama nila ay makuha nila at ganun din po sa pangalan ko"sagot ko sa kaniya.

Tumango naman si nanay at pinagmasdan din ang kambal na nakatingin sa akin at paminsan minsan ay ngumingiti.

Anim na buwan na ang nakalipas mula ng maipanganak ko sa mundo ang kambal.

Kung noon ay pangiti ngiti lang ang nagagawa ng mga ito,ngayon ay napaka kulit na at ang likot likot kahit 6 months palang.

"Chandler,don't eat that,that's not a food baby"saway ko sa panganap na kinakain ang suklay nila.

Tahimik lang naman si Chevy sa tabi ng kaniyang kapatid na hindi mapakali at kung ano ano ang kinakalkal.

"Ma ma ma"sabi ni Chandler at tumayo,nakagabay naman ako sa kaniya.

"Galing galing talaga ng baby ko na to e,ikaw nga Chevy,sabihin mo mama"sabi ko sa bunso na tahimik lang at pinapanood kami ng kuya niya.

"Ma ma ma"sabi naman niya kaya naman hinalikan ko din ito at kiniliti,tuwang tuwa naman siya,maging si Chandler ay kiniliti ko din kaya humahagikgik silang pareho.

Masayang masaya na ako sa buhay na meron kami ngayon kahit na hindi buo ang aming pamilya.

Balang araw ay masasabi ko din sa kanila kung bakit hindi nila kasama ang ama nila.

Itutuloy.
❄️
Super undecided ako sa name ng kambal lalo na ni Chevy kasi andaming magagandang lumalabas sa google🤪

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon