Track 20: Me Again

2.9K 252 130
                                    


Ingrid's Point of View


Seriously...

Wow!

Wala talagang balak magsorry 'tong magaling kong kapatid? Maski message wala? Akala mo hindi niya ako inaway ha.

So it's really Kelsey over me huh.

I closed the book I was reading a bit too hard. I'm stuck on the same page for I don't know how long.

Hindi ko rin naman kasi maintindihan ang binabasa ko kasi tinitingnan ko kung iilaw ba ang phone ko.

Bwisit si Dex!

Kinuha ko ulit ang phone ko pati na rin ang wallet ko. Kakain na lang ako. Bahala siya sa buhay niya.



Malapit na ako sa cafe na pinagtratrabahuhan ni Melody nang maalala ko na kila Kelsey nga pala 'yon.

Should I still go? Hmm.

Yes! Yes, I should. Ano naman ngayon kung kanila 'yon? Customer ako. At ang pagkain naman doon ang habol ko. Bahala siya sa buhay niya. Kakain lang ako tapos aalis na.

"Ingrid."

Damn it!

Bakit bigla na lang sumulpot 'tong si Dex?

At ano? Kakausapin na niya ako kasi tingin niya pupunta ako sa cafe para awayin si Kelsey?

"Saan ka pupunta?"

"Sa café. Kakain."

I knew it! Pinangliitan niya ako ng mata! Ibig sabihan lang nito hindi siya naniniwala sa sinabi ko!

"Let's talk for a bit. Tara," he seriously said and started to walk.

I didn't move though. I stayed in my place.

Kung makautos lang akala mo hindi niya ako sinabihan ng kung ano kagabi.

When he realized I'm not following him, he turned back to look at me and sighed.

"For goodness' sake, Ingrid. Don't be stubborn this time. Please."

"Ako na naman. Kasalanan ko na naman. Lagi na lang ako."

"Wala pa nga akong sinasabi."

Inirapan ko siya. Kilala ko siya.

Bata palang kami magkasama na kami palagi. Kung meron man bukod sa magulang na namin ang pinaka nakakakilala sa kanya, ako 'yon. Mas kilala ko pa nga siya kesa kay Papa.

Kaya kahit wala pa siyang sinasabi, alam ko na.

"You'll just tell me to stop annoying Kelsey. Don't be hostile or rude towards her. Be nice to her. And you'll also try to convince me to go to a different café because you think I'll go there just to annoy her."

Hindi siya nakasagot kasi tama ako. Ayon ang sasabihin niya.

Si Kelsey na naman.

"Kelsey this. Kelsey that. Mukha mo Kelsey!"

"Ingrid..."

"And you automatically assume na lahat kasalanan ko. Hindi mo man lang inalam bakit madalas ko siyang bwisitin."

"That's why I want to talk to you."

I laughed humorlessly at him. Seriously... "I know you'll talk to me just to defend her. Kasi nga puro ka Kelsey. Alam mo, if she thinks of you at least half of how much you think about her, then maybe, just maybe, we won't have this conversation."

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon