WA 15 - Caught On Act And The Talk

81.9K 2.9K 342
  • Dedicated kay matchmakerisme
                                    

Next week na ang susunod na update ;)            

CHAPTER FIFTEEN

CAUGHT ON ACT AND THE TALK

Natahimik kaming lahat at wala ni-isa sa amin ang naglakas ng loob na magsalita. I can see Wina's tired eyes staring at the book of codes. Para namang pinagsakluban ng langit at lupa si Rio at Xynthea. Mula sa pagiging pursigido ay nauwi kami sa katahimikang ito. Nakakapagod pala talaga.

Nasa ganoong sitwasyon kami nang bigla na lang parang lumilindol sa buong kwarto. Ang mesa ay nayayanig na rin habang para namang iwinawasiwas ang kama nila.

"A-anong nangyayari?" Takot na tanong ko.

Hinawakan ako ni Briz sa braso, "Kumapit ka sa akin." Sabi niya pa. Kaming lahat ay napunta sa gilid at sinuportahan ang isa't isa. Unti-unti namang humihina ang pagyanig hanggang sa may namuong black hole sa tabi ng pinto. Natigil ito kasabay ng pagtigil rin ng mga hininga namin.

"Fuck." Dinig kong bulong ni Briz.

Xynthea and Rio were immediately hidden behind us. For goodness' sake! It was Ynior! He came out from the black hole! Iyon siguro ang naging sanhi ng pagyanig sa kwarto nila Uryll.

Ynior is smiling at us like a Cheshire cat, "Kids," Tumango siya—pero nanatili kaming nabato sa mga kinatatayuan. "At ease." He said.

Damn! Sana hindi niya nakita sina Rio at Xynthea.

He grins, "Get them out." He said coolly. "Inaasahan ko na ring nandito kayo."

Nagkatinginan kaming apat. I felt Wina's hand on mine. Squeezing it. Pareho kaming nilalamigan ng kamay. Nakangiti pa rin si Ynior na para bang wala lang sa kanya pero sa amin, para kaming sinisilaban ng kaba sa takot na mapagalitan kami. I can now imagine Sir Borris' wrath at us if he finds out about this.

Natanga kami nang tumawa si Ynior at naupo sa dulo ng kama ni Uryll. Humalukipkip siya at para bang hindi siya makapaniwala na nasa ganoon lang kaming posisyon. "Umupo na kami. I can see Miss Summers' head peeking out from your behind Miss Graves."

"Ynior," lakas-loob kong tawag.

"Ynior w-we can explain." Briz interrupted.

Tumingin siya sa akin and he smiled. "Let's sort this out later." He said. Nakatingin lang ako sa kanya, but instead, he gave me a wink. "Miss Delacroix... all of you, please sit down. This is your room; I am just your visitor."

Nakayukong lumabas sa mga likuran namin sina Rio at Xynthea. Nakangiting pinapanuod naman kami ni Ynior. Nang makaupo sila, siya namang pagtikhim niya.

"Inasahan ko na nandito kayong lahat." Sabi pa niya. Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niyang 'yon. "What happened here?" Tanong niya nang ipinalibot ang tingin sa mga kalat pagkatapos ng pagyanig kanina.

"There's a shake before you went out of the black hole." Briz answered.

Tumango-tango si Ynior, "Sorry about that. There will always be a wobble whenever a black hole is opening. Anyway, how are you people?"

"Maayos naman po kami, Ynior." Sagot ko. "Ikaw po, kamusta?" It's rude not to ask him back the same question. Kahit na sobra ang kaba ko, sige pa rin ako sa pagtatanong. The two Sorcery students remained silent. Wala namang imik ang tatlo sa tabi ko—pare-pareho naman kaming kinakabahan sa magiging parusa pagkatapos nito. Mas mabuti sana kung kapwa estudyante lang namin ang nakakita kina Xynthea at Rio, pero hindi eh. Si Ynior pa talaga! Hindi naman namin pwede siyang kuntsabahin na huwag magsumbong kay Sir Borris.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon