MVEN-18

82 74 6
                                    

Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas matapos umalis si papa. Isang linggo na akong nagdurusa sa lahat nang mga nangyayari. Isang linggo narin ang nakalipas simula noong umiiyak ako gabi-gabi.

Dalawa. Dalawang araw na akong nakakulong dito sa kwarto. Hindi ako pumasok sa school kahapon dahil nilagnat ako.

Ngayon ay Sabado. Wala akong ganang lumabas o kahit makipaghalubilo man lang sa ibang tao. Masyadong presko ang sakit na idinulot nang tatay ko sa'kin para makaramdam nang saya.

Panaginip. Iniisip ko na sana lahat nang ito ay tanging bangungunot lamang, na paggising ko buo na ulit kami, masaya na ulit ang pamilya ko, pero hindi eh. Kahit ilang beses kong sampalin at kurot kurotin ang sarili ko hindi ako natutulog. Hindi ako nanaginip. Totoo lahat na nangyayari ito sa buhay ko.

Nakapantulog ako ngayon habang nakaupo sa aking kama. Nakatingin lang ako sa harapan habang namumugto ang mga mata sa sobrang iyak sa loob nang isang linggo. Nakayakap ako sa tuhod ko habang nakatingin lang sa harapan.

Umaga na pero madilim ang buong kwarto ko dahil nakasarado ang lahat nang bintana at kurtina. Hindi ako kumain nang dinner kagabi at ngayon ay hindi parin ako kumakain nang agahan. Tinignan ko kung anong oras na at hindi na ako nagulat nang makitang malapit nang magtanghali.

Hindi na ako nakakaramdam nang gutom, ang tanging nararamdaman ko lang ay sakit. Sakit sa pakiramdam, sakit nang ulo at sakit nang puso. Nilalagnat at inuubo ako ngayon pero wala nang mas lalala pa sa sakit nang puso ko.

"Belle, kumain ka na,"

Biglang kumatok si kuya sa pintuan ko at hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba siyang kumakatok.

"Wala akong gana, kuya," mahinang sagot ko.

"Eh kailan ka kakain?" Tanong niya.

"Ewan ko. Basta wala akong ganang kumain sa ngayon kuya," sagot ko.

"Belle, hindi na tama yang ginagawa mo. Hindi ka kumain nang dinner, hindi ka rin nagbreakfast tapos ngayon hindi ka kakain nang lunch? Ano ba yang ginagawa mo?" Saad ni kuya.

"Kuya, umalis ka nalang. Kakain nalang ako mamaya," saad ko.

"Beatriz!" sigaw ni kuya.

"Ano?!" Sigaw ko pabalik.

"Bakit ka ba nagkakaganiyan? Bubuksan mo ang pinto o wawasakin ko?" Galit na saad ni kuya.

"Ku-"

"Bubuksan mo hindi!" Sigaw niya.

Dali-dali kong binuksan ang pinto at nakita ko kung gaano namumula ang piangi ni kuya habang may bitbit na tray nang mga pagkain, tubig at gamot.

Agad siyang pumasok sa kwarto ko at inilapag ang pagkain sa lamesa. Hinawakan ni kuya ang pisngi ko at nakita ko kung paano umagos ang mga luha niya mula sa kaniyang mga mata.

"Huwag mong gawin 'to sa sarili mo, Isabel. Maawa ka sa'kin. Maawa ka sa sarili mo," saad ni kuya at niyakap ako nang mahigpit.

Hindi ko siya magawang yakapin pabalik dahil sa sobra kong panghihina. Naramdaman ko nalang ang biglang pag-agos nang mga luha ko habng niyayakap ako ni kuya.

"Belle, h-huwag mong pahirapan ang sarili mo, huwag mong saktan ang sarili mo," saad ulit ni kuya.

"H-hindi ko na k-kaya," ani ko.

At sa mga sandaling yun biglang dumilim ang paningin ko at nakaramdam ako nang hilo, ang huling narinig ko nalang ay may biglang pumasok sa kwarto at sumigaw nang pangalan ko.

Nagising nalang ako nang masilawan sa liwanag na umiilaw sa buong kwarto ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang yanging nakita ko lamang ay si kuya na nakahiga sa couch samantalang si...Dave na nakapatong ang ulo sa kamay ko. Pagtingin ko sa labas ay madilim na ang paligid. Gabi na pala.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon