Prologue

5.7K 135 225
                                    

Prologue

Bakit ba involuntary ang pang-amoy? Alam ko namang function ito ng isa sa five senses ng tao at dapat kong ikabahala kapag nawalan ako ng pang-amoy. Pero minsan talaga sa buhay, ipinagdadasal ko na lang na sana ay pansamantala akong mawalan ng pang-amoy. E 'di sana ay hindi ko naaamoy ang kung sino mang umutot dito sa loob ng LRT.

Grabe naman. Parang limang araw na inipon ang sama ng loob sa tiyan. O baka may nakain ang taong 'yon na hindi maganda kanina kaya amoy Rafflesia arnoldii na ang umalingasaw. Exaggerated nga lang.

Anyway, this could be a sign that I have to become rich before I turn 25. Kailangan kong yumaman para magkaroon na ako ng sariling sasakyan at hindi na maranasan ang ganitong eksena tuwing nasa public transportation.

Kahit naman sanay na ako, aba, hindi puwedeng sanayan lang 'to. Ayaw ko ngang habambuhay na maging hampaslupa. Gusto ko lang ng buhay na mas kumportable ako at ang pamilya ko. I mean, who wouldn't want a convenient life for themselves and their family?

"Asia, mamamatay na yata ako," madramang bulong ni Eden sa tabi ko habang nakakapit kami sa hanging strap.

Nilingon ko ang kesong kaibigan na medyo nagiging gray na ang labi. Bumaba pa ang tingin ko sa tiyan niya at nakitang halos mamilipit na siya.

"Ikaw ang umutot?" napalakas kong sinabi.

Napaigik ako at pinigilang hawakan ang tagiliran nang sikuhin niya ako nang malakas. Napatingin ako sa mga taong ang ilan ay nagtatakip pa sa ilong. Sobrang baho ba naman.

"Tinamaan mo ang appendix ko," sabi ko sa kanya nang lingunin.

Lumaki ang butas ng mga ilong niya at ang kanyang mga mata. "Appendix-appendix ka pa diyan. Siraulo ka, talagang nilakasan ang boses," gigil niyang bulong.

"Bakit? Normal lang naman umutot at normal lang na mabaho iyon. It's a gases buildup in our bodies and a tiny amount of hydrogen sulfide makes the fart smell bad. In fact, may benefit pa nga ang pag-amoy nito tulad ng mababawasan ang risk ng heart attack, dementia, stroke, and even cancer."

Tahimik na sa LRT pero mas lalo yatang tumahimik ang mga tao dahil sa sinabi ko. Yumuko nang tuluyan si Eden sa tabi ko habang ako, tumingin na lang sa labas ng bintana. Mabuti na lang at sa susunod na station na ang baba namin kaya nang tumigil ang tren at bumukas ang mga pintuan, halos kaladkarin na ako ni Eden palabas.

"Siraulo ka! Nakakahiya! Sinigaw mo talaga na ako ang umutot! Tapos ano 'yong sinabi mo? May benefits ang pag-amoy ng utot? E 'di mas lalong nakakahiya! Oh my gosh! I can't believe you're my best fucking friend!"

Tumawa ako sa kanya habang hinihila niya ako patungo sa loob ng banyo ng station. I was just trying to save her from humiliation that I caused. Aba, malay ko ba naman na siya ang umutot nang ganoon kabaho? Ano bang sirang pagkain ang kinain nito? Pareho lang naman kami ng kinain kanina sa may Cubao bago kami umalis doon, ah.

Hinubad niya ang dalang bag at iniabot sa akin iyon kasama ang kanyang plastic envelope.

"First of all, my brain is functioning well. Second, it isn't embarrassing to fart because it's pretty normal. Third, I asked, not shouted. Fourth, the benefits of farting are true. And lastly, you believe that I am your best ef friend."

"Pucha. Ewan ko sa 'yo! Natatae na nga ako, mano-nosebleed pa ako sa english mo. Magbantay ka diyan sa labas." At ibinagsak niya na ang pinto ng cubicle.

"Hoy, mag-ingat ka naman. Public restroom 'to. Hindi mo pagmamay-ari."

"Manahimik!" sigaw niya at kasunod kong narinig ay ang pagbulwak na sa inidoro.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon