67

105 13 11
                                    

tw: mention of sex, abortion

tw: mention of sex, abortion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“pinsan pala niya yung nabuntis eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“pinsan pala niya yung nabuntis eh.”

“hindi na ako magtataka kapag sila naman ni lawrence yung sumunod.”

puta. mahigpit kong hinawakan yung libro ko, sa totoo lang gusto ko na ipasak sa bunganga nila 'to.

“tsaka may seminar daw tayo about sex education ah? si mikaila yung nagplano. anong balak nila? igaya tayo sa pinsan niya?” rinig ko pa na talagang nagpatigil sa akin. mariin akong pumikit. sarap niyong pagsasampalin.

hindi ba nila naiisip na nagkukulang talaga sa sex education kaya madaming menor de edad ang nabubuntis? sa taon na 'to, sex is still taboo. hindi naman sila tuturuan na makipagsex, puta! tuturuan lang sila about sa consequences ng unprotected sex, about physical development, sexuality, sexual health and how to make better decisions with the matter.

tangina, they lack of understanding kaya yung bobo at makikitid nilang utak walang alam kundi manghusga ng ibang tao.

“hindi ako interesado. sus, para lang sa malalandi yun. kagaya nung pinsan niya.” dinig ko pa kaya humarap na ako dun sa dalawang babae, tangina lang!

susugurin ko na sana sila nung biglang dumating naman si gael, humarang siya sa harapan ko. mukhang galit din. “mikay, it's not worth your time.” he said, coldly. wala na akong nagawa lalo na nung tumakbo na yung mga babae.

“okay ka lang?” he held my hand, may pag-aalala na sa mukha niya. suddenly, naalala ko yung unang beses na tanungin nya ako noon. that same tone, that same look in his eyes.

if i will be honest, hindi ako okay. ilang araw na. nasasaktan ako, namomoblema para sa sarili kong pinsan. hindi ako okay pero hindi ako ganoon katapang para aminin yun kay gael.

kaagad akong lumayo kay gael nung makita ko yung grupo ng teachers na paparating.

napatungo ako, “tara na...” sabi ko nalang at nagmamadali na maglakad. hinabol naman ako ni gael, sinabayan ang paglalakad ko.

alam ko naman na nagkamali ang pinsan ko, lalo na at hindi pa sila nakakagraduate, hindi rin sila kasal. sa mata ng simbahan, pagkakasala daw yun. puta, edi sila  na ang banal!

nagulat nalang ako nung hawakan ako ni gael sa balikat para iharap sa ibang direksyon. ay boba, di ko namalayan na nakalampas na pala ako sa dami ng iniisip!

“dito, babe.” he kept his hands on me. sanay na naman ako na clingy siya dahil ganun din ako sa kaniya, pero ewan ko ba kung bakit naiilang ako ngayon.

“kamusta yung ojt mo?” tanong ko tsaka nagkunwari na aayusin yung pagbubuhat ko sa bag ko. bumitaw na siya sakin tsaka nilagay nalang ang kamay sa bulsa. “okay lang, madali lang naman yung mga pinapagawa.” sagot niya.

nakarating na kami sa may waiting shed para sa mga bus. napansin ko din na medyo malayo sa akin si lawrence, nahalata niya siguro na hindi ako komportable kanina.

nung dumating na yung bus, biglang hinawakan na ni gael yung kamay ko bago kami sumakay. “they won't judge,” he assured, tinignan nya ako na para bang nababasa nya yung nasa isip ko.

umupo kami sa pinaka dulo, hindi masyado matao. at hindi kagaya kanina sa school, wala silang pakialam samin. hindi sila mapanghusga.

“gael...” pagtawag ko sa kaniya, this time, nakayakap na ako sa braso niya. kung tutuusin, hindi dapat siya nadadamay sa lahat ng 'to. pero nakarinig din siya ng masasakit na salita mula sa iba, lalo na nung time na hindi pa alam ng lahat yung totoo.

akala nila, kami ni gael yun.

“okay lang... naiintindihan kita.” mahigpit na hinawakan nya yung kamay ko.

sa totoo lang pagod na pagod na ako. ang bigat bigat sa pakirandam. pero kapag andyan si gael, somehow gumagaan. nababawasan yung pasanin ko.

hinalikan naman niya yung noo ko. “cry, kaila. alam kong kanina mo pang gustong umiyak.” sabi niya at may binigay na malaking libro sa akin.

tinakip ko yung libro sa bandang mukha ko, pretending i'm reading habang nakasandal sa balikat ni gael. doon na bumuhos yung bawat luha na pinipigilan ko kanina.

nung nalaman ko na buntis si raiah, hindi ako makapaniwala. parang malaking bomba na sumabog sa harapan mismo namin yung sinabi niya. expected ko na magagalit si tito, that raiah will experience hell through him, kasi ano pa bang bago? pero hindi ko din inakala na ganun ang gagawin nila.

“tito wants raiah to abort the baby...” napahigpit yung hawak ko sa libro. lalong umagos yung mga luha ko.

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon