MAC chapter 15: Our History

2.6K 93 33
                                    

My Anonymous Caller

by: iamNashix22

------------------------------------------------------------

To my readers,

Sorry sorry sorry if natagalan man akong mag-update ng story ko.

Busy lang talaga sa school eh .

Sorry talaga!

Anyway, ito na po ang update..

SANA PO MAGUSTUHAN NIYO ^_^

Gongchan's picture attached in the media section..

READ.VOTE.COMMENT.FOLLOW.SHARE.ENJOY

------------------------------------------------------------

CHAPTER 15: Our History

(Ailee's POV)

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi. At tuwing naiisip ko yun, di ko maiwasang mainis sa kanya at...pati na rin sa self ko.

Lumabas na ako ng room ko para kumain ng breakfast. Nakita kong andun na silang lahat sa dining table. Ni hindi man lang nila ako ginising para kumain. Tsk.tsk.tsk

Umupo na ako sa tabi ni CNU dahil yun lang yun seat na bakante.

"It seems your princess is awake." sarcastikong sabi ni Hyorin patukoy sa akin.

Umagang-umaga iniinis na ako ng bruhang ito ah. Lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Kanina ka pa kinakatok ni Baro sa kwarto mo pero parang ang himbing ata ng tulog mo kaya nauna na lang kaming kumain. Ayaw ka rin naman namin isturbohin sa tulog mo." sabi ni Uncle Psy at binaling ang tingin sa pagkain niya. "Nasan na nga pala si Gongchan? Hindi pa ba siya gising? Wala ba siyang balak mag-almusal?"

Ako ba tinatanong niya? Kasi hindi naman ata siya nakatingin sa akin eh.

"Gigisingin ko na lang po ulit siya." tumayo si CNU mula sa pagkakaupo at pumunta sa kwarto ni Gongchan.

Wala pang isang minuto, bumalik na agad si CNU na parang nagmamadali at hinihingal.

"Oh, bakit parang biglang bumilis ang mabagal naming bear?! Hehe" biro ni Baro sa kanya.

"Si Gongchan?" nag-aalalang tanong nj Jinyoung nung napansin ang kakaibang kilos ni CNU.

"Si..*hinihingal* si Gongchan...*hinihingal na naman* mataas ang...*hinihingal ulit* la..lagnat! As in sobrang init niya!" pahintong sabi ni CNU.

Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin, nagmadali kaming lahat pumunta sa kwarto ni Gongchan..well maybe not all..siyempre, nagpaiwan si Hyorin at nagpatuloy sa pagkain. Parang wala pakialaman noh?! Ang bruha talaga!

Pagpasok namin sa kwarto niya, natagpuan namin siyang balot na balot sa kumot, nanginginig at nakaligo sa sariling pawis.

Naghanap si Uncle ng thermometer at nilagay sa kanyang kilikili para icheck ang temperature niya.

"Kahapon lang maayos ka pa naman ah. Biglaan ata ang sakit mo. " sabi ni Baro matapos hawakan sa noo si Gongchan.

"40.2. Masyadong mataas ang lagnat niya. Kung tataas pa 'to baka magkaconvulsion siya!...Ano ba dapat nating gawin?!" natatarantang tanong ni Uncle Psy.

Di ko na siya sinagot at agad akong lumabas ng room para maghanap ng gamot para sa lagnat niya at kumuha na din ako ng isang basong maiinom na tubig. Nakita ko si Hyorin na nagpatuloy pa rin sa pagkain na tila walang pakialam sa mga pangyayari.

My Anonymous Caller (complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant