71

116 13 4
                                    

niyakap ko kaagad si gael kapasok niya sa kwarto ko. tangina, namiss ko talaga siya. gusto ko nalang siya yakapin magdamag hanggang sa mainggit kayo.

“bwi, nagpalit ka ng pabango mo?” tanong niya habang yakap yakap din ako. putek naman, anong pabango eh hindi pa nga ako nanliligo?

hinampas ko yung dibdib niya tsaka tumakbo na sa kama para humiga. tumawa lang ang gago, nakakainis! eto na naman siya, mahilig mambwisit. kupal eh.

“here, bumili ako ng lugaw. kainin mo na, it's essential.” nilagay niya yung paper bag na dala niya sa study table ko. napairap ako. haha. corny ang puta.

sumandal lang ako dun sa kama tsaka pinanood nalang siya na ihanda yung pagkain. “ang laki na nila basilio at crispin ah?” tukoy niya dun sa dalawang halaman na binigay niya sakin. ako na ang nagpangalan ng basilio at crispin tapos lagi lang sila nandun sa study table ko.

“ang ganda ng hoodie mo. akin nalang.” sabi ko, kahit na madami na akong nakuhang damit niya. cap, beanie, t-shirt or hoodie. anong magagawa ko? binibigay naman niya eh.

lumingon na sakin si gael. tsaka hinawakan yung dulo ng hoodie niya, “sayo nalang? hubadin ko na ba?” tanong niya at huhubadin nga yung hoodie! tangina?!

“gago naman, fortalejo!” sigaw ko tsaka nagtakip ng mata gamit yung unan. ang landi talaga niya kahit kailan. ang gago!

humalakhak siya na parang mauutas na. tangina, sarap batukan!

maya maya kumain na ako ng lugaw na bigay niya, uminom din ulit ako ng gamot habang tinatapos naman ni fortalejo yung mga gawain sa study table ko. siya na daw ang gagawa para hindi ako mapagod. shet lang, daig kayo.

“bwi.... hindi ako makatulog.” ngumuso ako, kanina pa akong nakahiga dito sa kama, inaantok naman ako pero hindi ko magawang matulog. tangina, dahil ba andito si gael?

tinitigan ko lang siya, busy pa din siya dun sa mga gawain na dapat ako ang namomoblema.

shet, sa totoo lang, hindi lang naman ako yung madaming gawain at busy palagi. siya rin, kaya wala kaming oras para sa isa't isa. parehas kaming running for valedictorian, mostly ako lahat ang gumagawa ng works ni raiah at busy naman si gael sa basketball training nila.

hindi madali, akala ko hindi din kami makakasurvive na ganito ang set up pero eto, nandito pa din kami.

“psst boy batas!” pagtawag ko pa sa kaniya. ang dami naming nicknames at endearments para sa isa't isa, ulol lang. tumawa naman siya tsaka inikot yung upuan para humarap sakin. “kantahan mo 'ko.” utos ko.

sinunod naman niya, lumapit siya at humiga sa tabi ko. niyakap ko siya, kingina lang, mukhang mahimbing yung magiging tulog ko neto!

nagsimula siyang kumanta, gusto ko nalang pakinggan paulit ulit yung boses niya. tangina, kung kinantahan ako kaagad ni fortalejo nung una niya akong nakilala, edi sana na-in love na ako kaagad! puro kakupalan muna kasi pinairal niya eh. putragis.

“gael...” i sighed.

“hm?” tanong niya, tumingin kaagad sakin.

“paminsan hindi ako makatulog, kasi naiisip ko yung sinabi mo sakin about sa ex mo.” pagtatapat ko, tutal feel ko na din naman yung moment eh. kumunot siya tsaka tinanong, “you're still mad about it?”

umiling ako, “gago, hindi na! pero hindi ko mapigilan isipin na what if maging ganun din ako sa buhay mo?” humigpit kaagad yung hawak niya sakin. nagpatuloy naman ako, “what if magsawa ka na sakin? tapos magbreak tayo. magiging ex nalang ako, at kagaya nung iba, mawawalan na rin ako ng halaga sayo... tapos may bago kang girlfriend na susuyuin kapag nagtampo kasi kinausap kita.” ang sakit sa puso na isipin... shit.

talaga bang ganun yung mga relasyon? you'll create a lot of memories together only to break up and forget about each other? kahit si kuya at si ate dianne na ilang taon na magjowa tapos ang ayos ayos ng relasyon, biglang nagbreak. nakakaponyeta lang!

“hindi yun mangyayari,” sabi niya kaya parang tumalon yung puso ko putangina. ano ba 'to?! hinding hindi ko kakalimutan lahat. ikaw lang yung minahal ko ng ganito.” tangina mo fortalejo! kingina, nagwawala yung uod sa tiyan ko puta.

“sinong nagsabi sayo na magbebreak tayo? may plano ka ba, ha?” lalong kumunot yung noo niya. tangina naman neto, napaka walangya! bakit mas lalo siyang gumagwapo kapag galit? ang kapal!

“wala ah!”

mukhang nagustuhan naman niya yung sagot ko. lalo niya akong niyakap tsaka nilapit yung mukha niya sa leeg ko, “good. basta handa na ako na mahalin ka pa ng madaming taon. i have no plans of ending this, babe.” bulong niya.

ang saya, putangina! gusto kong magtatalon sa sinabi ni gael, sa sobrang kilig at tuwa. hindi ko maexplain, bahala na.

natahimik lang ako, habang diretso ang tingin sa mata ni fortalejo. punyeta, parang dati lang takot na takot ako magmahal. eh tignan nyo naman ako ngayon?! parang gusto ko nalang itattoo yung pangalan niya sa noo ko. samantalang dati, ayaw na ayaw ko na naririnig yung pangalan nya or nakikita yung mukha niya.

“gumaling bigla yung sakit ko.” nakangiti kong sabi sa kaniya. bumangon ako ng onti para lumayo sa kaniya.

hindi ko alam kung sinong tarantadong diablo ang sumapi sakin pero lumapit ulit ako kay gael. kita ko naman yung pag galaw ng adam's apple niya nung pumatong ako sa kaniya. habang ayun, nakahiga parin siya sa kama ko.

kingina! ang cute pala ng gago kapag nasa ilalim ko. mikaila dominant talaga, shet.

hahalikan ko na sana siya nung biglang may marinig kami na malakas na pagbagsak.

“aray, aray! kuya! puta, masakit!” sigaw ko nung biglang hilahin ni kuya yung tenga ko para ilayo ako kay gael.

“tangina, mikay! kelan ka pa natuto na pumatong ha?! lamesa ba si gael para patungan mo?”

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon