one

918 30 22
                                    

" anak ! sasama kaba sa amin ng papa mo ? pupunta kami kina tito henry mo " tanong ng mama niya matapos niyang katukin ang pinto ng kwarto ni luna . naka lock kasi yun kaya hindi niya mabuksan .

bigla namang siyang napangiti dahil if pupunta siya dun eh makikita niya si ethan , yung crush niya .

" yes ma ! wait lang , magbibihis lang ako " sigaw niya at dali daling naghanap ng magandang damit na susuotin . kailangang maganda siya kapag nagkita silang dalawa .

ganiyan naman si luna lagi eh , kapag doon ang destinasyon , kailangang maganda at presentable  siya . kahit na hindi naman siya pinapansin ni ethan . yung kapatid lang talaga niya ang nagiging kalaro ni luna simula pa noong bata pa sila dahil pareho sila ng edad .

hindi naman sa ayaw niyang kalaro si riki pero mas gusto niyang kasama si ethan .

---

nasa harap na sila luna ngayon ng pinto ng bahay nila ethan at nag doorbell na ang papa niya .

sobrang excited niyang pumasok dahil makikita na niya si ethan after five years . sa abroad kasi sila nanirahan dahil may trabaho doon ang papa nila . well , papa lang ni riki .. anak kasi ng mama nila si ethan mula sa pagka dalaga kaya ayun , half brothers silang dalawa ni riki .

" oh ! kumpare .. good evening !" bati ng papa ni luna sa kaibigan niya . kasunod nito ang mama niya na nakipag beso sa mama ni riki .

" ito naba si luna ? dalaga na ah , at ang ganda " sabi naman ng mama nila riki . at syempre ngumiti siya .. sinabihan ba namang maganda .

" hello po tito and tita . good evening po " pagbati ni luna sa kanila at nginitian naman siya .

the couple guided them towards the living area at pinaupo muna sila sa couch para makapagpahinga habang sineserve ang hapunan .

" nasaan na ba yung dalawa mong anak elissa ? " tanong naman ng mama ni luna .. kanina pa niya gustong malaman kung nasaan na si ethan kaya excited siyang nakinig sa usapan nila . humarap pa siya sa kanila na halatang nag aabang sa sagot ng mama ni riki .

" ah , ethan's not here pa pero si riki nasa kwarto lang niya .. oh , here he is !" sabi niya nang makitang pababa si riki sa hagdan .

natulala naman si luna habang nakatitig sa kaniya . ibang iba kasi ang dating niya ngayon . dati kasi dugyuting bata lang siya , pero ngayon binata na siya . malaki ang pinagbago niya sa loob ng five years na nag japan sila .

she wasn't sure if she admire him now or what but she felt giddy the moment she saw him .. pero si ethan yung crush niya kaya hindi pwedeng maging crush niya si riki . paninindigan niya ang pagiging loyal kay ethan .

" good evening po " pagbati ni riki sa kanila kaya tinapik ng papa ni luna ang balikat niya .

isa lang ang hindi nagbago kay riki , yung pagiging mahiyain niya .

naupo lang si riki sa kabilang couch katapat ng kay luna at hindi na bumaling ng tingin sa kaniya .. medyo na offend  naman siya kasi dati kahit mahiyain si riki ay nakikipag usap siya kay luna pero ngayon , parang hindi  niya nakita ito .

" riki , nandito si luna oh .. di mo manlang binati " paalala ng dad niya sa kaniya . napaangat naman si riki ng ulo niya at tumingin kay luna

" hi luna " mahinang sabi nito at ibinaling ang atensyon sa cellphone niya . napansin naman ito ng mama niya .

" pagpasensyahan niyo na yung anak ko .. baka may jetlag pa kaya wala sa mood " sabi ng mama niya para pagtakpan siya . halata namang ayaw niyang pansinin si luna . wala namang  siyang pakealam kasi hindi naman siya ang pakay ni luna dito ..


-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon