four

215 17 0
                                    

riki.

it's saturday ! and it's the camping day .. kaya maaga akong nagising dahil sa sobrang excited ko .. as in literal na maaga , five am palang ay gising na ako kahit na mga nine pa kami aalis . hindi na kasi ako makatulog eh , kaya ayun nag ayos nalang ako ng gamit para mamaya .

si kuya nga parang narinig ko pa kanina na naglalaro .. siguro nagpuyat na naman tas umaga na natulog . goodluck nalang mamaya sa kaniya .

mamaya , balak kong kausapin si luna .. kaso parang nahihiya parin ako . ewan ko ba , parang umuurong yung dila ko kapag kaharap ko siya . kahit na gustong gusto ko siyang kausapin ay inuunahan parin ako ng kaba .

---

nakasakay na kami sa isang camper van na ni-rent ni papa .. ito yung ginamit niya kasi marami kaming dala tsaka hindi kasya sa sasakyan niya . mas mabuti na nga to , makakahiga kapa sa loob . meron kasi itong higaan sa loob . meron din itong cr kaya swak na swak para sa fishing and one night camp namin .

actually , ewan ko ba bakit namin kailangang mag overnight eh gusto lang naman nilang mag fishing at mag barbeque party . pwede namang after nun eh umuwi na kami ..

gusto ko din namang makasama pa ng matagal si luna .. kaso ang problema , halata namang si kuya ethan ang gusto niyang makasama .

kanina pa siya dito walang imik sa camper at panay tingin sa likod kung saan makikita niya na nakasunod ang sasakyan ni kuya jay .. doon kasi sumakay si kuya ethan .

kami lang dalawa dito sa loob ng camper van dahil si papa at mama nasa front seat . yung mama at papa naman ni luna may dala ding sasakyan . ewan ko ba , bakit dito nila pinasakay si luna kahit na pwede naman doon sa kanila . kulang nalang talaga mag a-assume na ako na ginagawa nila to para paglapitin kaming dalawa .

" luna , ano bang tinitingnan mo diyan sa likod ? " tanong ko kahit na nakikita kong nakatingin siya sa sasakyang nakasunod sa amin .. kung baga , kunyare wala akong alam .

lumingon namn siya sa akin . nakaupo lang ako malayon sa kaniya . di naman kami ganoon ka close para magtabi kami sa upuan .

" ah , wala .. nabo-bore lang ako " sabi naman niya .. grabe so nakaka bore akong kasama ?

" maglaro nalang tayo para di ka ma bore " suhestyon ko naman kahit na mismo ako ay hindi sure sa mga pinagsasabi ko .. really ? maglalaro ?

" diba masyado na tayong malaki para maglaro ? anong klaseng laro ba ?" medyo interesado niyang tanong

" Jenga blocks !! " i excitedly answered

tinaasan naman niya ako ng kilay . suplada talaga , hayss

" pano ? umaalog yung sasakyan .. matutumba lang yang jenga tower . iba nalang "

" mag mobile games nalang tayo .. one on one "

" alright !! "

mga thirty minutes din kaming naglaro and medyo nagiging close nadin kami pero mga 40% out of 100 . I'll still have to work harder para maging close talaga kami .

sa loob ng thirty minutes ay puro sigawan at tawanan lang kaming dalawa n na enjoy ko naman . kahit na natalo niya ako ay worth it naman yung time na nakalaro ko siya . yung totoo ay pinagbigyan ko lang talaga siya . syempre para kunyare good boy ako .. pero good boy naman talaga ako , hindi lang halata .

pagkarating namin ay medyo nag uusap na din kami at hindi na siya gaanong sumusulyap kay kuya .

hindi ko naman masasabing mission accomplished to dahil hindi pa naman natatapos ang araw . kakarating palang namin at yung goal ko is huwag siyang hayaang makalapit kay kuya . na di ako sure kung magagawa ko ba talaga .




-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon