Chapter Three

118K 5.1K 4.8K
                                    

“Tangina, badtrip talaga!”

Napakamot ako sa buhok ko saka napatingin sa salamin. Mukha akong bruha na may color pool na buhok. Hindi naman kasi ako nakatulog nang ayos.

Napatingin ako sa silid kung nasaan ako ngayon. Malaki nga ang silid na 'to, may malambot na kama, kumpletong gamit, at maraming damit... pero hindi pa rin ako nakatulog. Paano naman kasi ako makakatulog kung may nakita akong binaril kagabi? Tapos may saltik pa yata ang Ashteroh Alexeev na 'yon! Badtrip!

Gusto kong tumakas kaso baka totohanin n'ya ang pananakot n'ya sa 'kin kagabi. Baka madamay pa 'yung mga kapit-bahay namin sa looban.

Napasuntok ako sa hangin nang mapatingin sa sinasalpak sa tenga para marinig sina Chinu... ano ngang tawag do'n? Ah, basta 'yon. Ninakaw na nga lang namin 'to, nasira pa. Gago naman kasi ang Ashteroh na 'yon, panay ang tulak at sabunot sa akin kagabi, nasira tuloy!

Tangina naman, kung kailan naman iniwan ko ang cellphone ko sa 'min. Paano ko naman sila matatawagan n'yan? Sobrang hina ng utak ko kaya hindi nasaulo mga number nila. Hindi ko naman sila pwedeng puntahan at baka bumuntot pa sa 'kin ang tauhan ng Ashteroh na 'yon.

Ang pinag-aalala ko pa... malamang babalikan ako ng mga 'yon dito kapag hindi pa ako nakabalik agad. Baka mahuli na talaga sila nang tuluyan ng blond na lalaking 'yon na may malaking etits.

Napatigil lang ako sa malalim na pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Naiinis na napakamot ako sa ulo ko saka pinagbuksan ang kumatok.

Napamura na lang ako sa isip ko nang si Ashteroh ang bumungad sa akin. Putangina talaga, badtrip na nga ako buong gabi dahil sa kanya tapos siya pa ang unang makikita ko ngayong umaga.

“Hehe, good morning, boss... Bakit ka naligaw--este napapunta rito?” tanong ko saka ngumiti nang matamis sa kanya.

Natigilan ako nang dutdutin n'ya ang noo ko at pinalayo ako sa kanya.

“Will you please take a bath? Kagabi pa 'yang suot mo,” maarteng sabi nito at napangiwi pa.

Napaismid ako at pinigilan ang sarili kong mapairap.

“Paano naman kasi ako makakaligo eh may saltik ka?” bulong ko.

Napasinghap ako nang hilahin ni Ashteroh ang damit ko at seryosong tumingin sa 'kin.

“May sinasabi ka ba?” tanong pa n'ya.

Alanganing ngumiti ako saka nag-peace sign. “Wala po, boss. Ang sabi ko, thank you sa concert mo sa 'kin,” sabi ko na lang.

“Hindi ako concerned sa 'yo, ayaw ko lang sa marumi,” malamig na sabi n'ya saka muli akong itinulak palayo sa kanya.

Infireness, mukhang naiintindihan na n'ya ang english carabao ko. Buti na lang... pero ang arte n'ya pa rin. Mabasag sana itlog n'ya.

“Boss, maliligo sana ako... kaso wala ka bang ibang damit diyan? 'Yung komportable sa 'kin. 'Yung kagaya nito,” sabi ko saka itinuro amg suot kong damit.

Hindi siya sumagot at basta na lang ako tinalikuran at nilayasan. Napaawang na lang ang labi ko habanh hinahabol ng tingin ang bwisit n'yang likod.

Nagpunta lang ba siya rito para paliguin ako? Anak ng pating talaga ang power ranger na 'yon! Isang araw, matutupad ko rin ang pangarap ko na mabasag ang itlog n'ya.

Napakamot na lang ako sa buhok ko at muling pumasok sa loob. Tiningnan ko ang mga damit na laman ng closet. Pakiramdam ko merong may-ari ng mga damit na 'to. Masyadong pang-sosyal at girly. Hindi naman ako makakakilos nang ayos kapag ganito ang sinuot ko.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon