006

536 28 9
                                    

— art's.

ang tanga masyado ng alarm ko, mga guys. 6 ko niset yung alarm pero 5 am palang umiiyak na tsk. napaka aga ko tuloy ngayon naglalakad papuntang bus stop. pero syempre bawal magutom ang mga magaganda, kaya dadaan muna ko sa 711 para mag breakfast. iwas covid.

pagkapasok ko, binati ko agad si unnie na nasa cashier. mukha kaming close 'no? pero hindi talaga, friendly lang ako. kapag daw friendly, mas hahaba ang life. papahabain ko buhay ko, para matagal ko rin makasama si jay hihi.

crush ko talaga yung kapre na 'yon since sophomore year, pero hindi ako nagkachance na makausap siya. or kaya naman, maharot siya ganon ba. ang dami kasing gwapo sa enhigh, nalito ako kung sino ba talaga gusto ko jowain. pero ngayong nasa senior year na, desidido na kong si jay talaga jojowain ko.

kahit medyo panggulo si heeseung. konti. pinag iisipan ko pa.

"what if.. omg." napatakip ako sa bibig ko dahil sa thought na biglang pumasok sa isip ko.

"si heeseung talaga yung irereto sakin ni jake last time?" napasapo ako sa noo ko. kung ganon pala ang case, mag iimbento ako agad ng time machine. ga-grab ko na yung chance.

"Lord, nalilito na naman tuloy ako. sino po ba kasi talaga para sakin?" napa pout ako. matalino akong tao, pero pagdating sa usapang pag ibig, mas matalino ako syempre. masasaktan na tayo't lahat, kaya pipili kayo ng gwapo. para worth it yung pain, kirot, pighati.

"uy, jay. yung dati ulit?" tumaas agad dalawang tenga ko nang marinig ko yung pangalan ng future husband ko. sumilip ako agad dun sa counter, at nakita ko nga si jay. si park jongseong nga, folks.

umatras agad yung gutom ko nang makitang mabilis siyang nagbayad at lumabas ng 711.

kumaway na ko kay unnie na nasa cashier at lumabas narin ng 711 para sundan si jay.

malapit lang ba siya dito?

hindi ako nagpahalatang sinusundan siya, pero hindi ko rin hinahayaang lumayo siya ng sobra mula sa pwesto ko.

tahimik siyang kumakain ng sandwich at banana milk, kaya kumulo yung tyan ko. feeling ko narinig niya, kaya huminto ako at nag pretend na may tinitignan mula sa kabilang lane.

napansin kong tumingin siya sa pwesto ko, pero agad din siyang nagpatuloy sa paglalakad kaya ganun rin ako.

pasulyap sulyap lang ako sa kanya, kahit likod niya lang talaga nakikita ko. although tumitingin tingin din siya sa paligid, kaya kita ko side profile niya.

sana nakikita niyo rin nakikita ng mga mata ko ngayon, para mabless rin kayo. napaka gwapo niya.

gusto ko ikiss. char, napaka fucking harot mo naman self. kalma ka lang, si jay lang 'yan.

kinuha ko yung phone ko sa pocket ng blouse ko, at mabilis na inopen yung messenger.

ganda lang ambag sa groupings
active now

good morning mga
mahihinang nilalang
you sent a photo

kasabay ko lang naman
pumasok crush ko hoho

adley
pagiging stalker na pala
ni jay ang hobby mo, art

callista
hindi na ko mag tataka
kapag one day, napag
bintangan kang stalker

phoebe
eto parang mga others tsk
sige, art. galingan mo sa
pang stalk mo kay fafi jay

sana makulong ka

art
mga shuta kayo, walang
support sa kaibigan

callista
support kita, art. kiss mo
nga si jay? malakas kang
nilalang diba?

adley
HAHAHHAHAHAHAHHA
HAHAHAHAHHAHA

phoebe
"jay, pakiss naman matunog."
HAHAHAHHAHAHAHAH

art
mga bwisit kayo |

"aray naman!" nanlaki agad mga mata ko nang marealize kong sa likod pala ni jay ako nabangga. gagi, masakit. pero mabango siya, mare.

"bakit mo ba ko sinusundan?" nataranta naman ako nang bigla siyang magsalita. pota? nagsasalita pala siya

"h-ha? ah, eh.. kasi ano" napaiwas ako ng tingin. isip, art. sumagot ka! ano? kapag si jay kausap, nagiging bobo? hindi na makapag salita?

"a-ano.. sabi kasi ni mama, follow my dreams." tatlong beses akong kumurap, hanggang sa mapagtanto ko yung katangahang sinabi ko sa kanya, ngayon, dito, sa harapan niya.

"weirdo" napangiwi siya bago umalis sa harapan ko.

tangina, art. ANO 'YON?? NAKAKAHIYAAA LORDDDDD

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon