Kianna Articona
You're friends on Facebook
Followed by 2,509 peopleVIEW PROFILE
9:11 PMZye
It's been 1 week already, Kia.I hope you're doing fine.
Okay lang bang kwentuhan kita? Kahit mukhang hindi ka na nag-oonline sa acc mo.
with or without answer I have a story to tell
Zye Aiden Vezda, my twin, we're not that close actually
Akala ko kasi siya ang favorite ng parents ko kagaya ng ibang magulang na may favoritism.
Si Aiden nakukuha lahat ng gusto niya basta kayang ibigay nila papa, ako? Pahirapan pa haha kaya minsan nakakahiya na rin humingi.
Gano'n iyong mindset ko lagi, na sa aming dalawa siya iyong mas paborito. Naging ayos din naman kami ni Aiden pero hindi masiyadong malapit sa isa't-isa.
No'ng 18 years old ako, saka ko lang nalaman na 6 na taon na palang diagnosed si Aiden na may blood cancer. Inamin niya sa akin bago iyong birthday namin kasi ayaw daw sa 'kin sabihin ni papa kaya siya na lang nagsabi.
Kaya pala siya ang pinagtutuunan ng pansin nila mama kasi may sakit siya, mas kailangan niya iyong atensyon at kalinga ng magulang kaysa sa akin.
Lalaki ako pero umiyak ako sa harap nila mama no'n, sa mismong araw ng birthday ko. Tinanong ko sila kung bakit hindi nila sinabi, ang sagot nila, "ayaw ka na naming mag-alala, anak."
Ang kapal ng mukha ko diba? Ilang taon akong nagtampo sa kanila pero iniisip din pala nila iyong kapakanan ko.
Imagine, may taning na pala iyong buhay ng kakambal ko tapos ako easy and chill lang? Puro online games at pagiging selfish ang nasa isip ko noon kaya nagbago ako.
Simula no'n lagi ko nang sinasamahan si Aiden sa mga lakad niya kasi wala talaga siyang kaibigan.
Kaya nakwento ka rin niya sa akin :>
YOU ARE READING
Reach me, Love me
Short StoryZye Aidan Vezda-the man who found himself scrolling onto his message request until one girl caught his attention. This girl greets him every time his birthday comes. Not once, not twice but thrice, for almost 3 consecutive years.