Chapter 24

130K 7.9K 6.2K
                                    

BUMAGSAK AKO SA BALIKAT NI ISAIAH.

Inalalayan ako ni Isiaah na maupo sa upuan saka siya lumuhod sa aking harapan. Ikinulong niya sa kanyang malalaki at maiinit na palad ang aking mukha. "Ayos ka lang? Sorry, binigla kita."

Si Asher sa gilid ko ay panay ang paypay sa akin ng karton na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Hindi ko rin matandaan kung kailan siya lumitaw sa tabi ko. Sa pagkakatanda ko ay nasa likod siya kanina at busy sa pagse-cellphone.

Napatingin sa amin ang mga kaklase namin. May ilan ng nakiusyoso kung ano ang nangyari. Si Miko ang nagtaboy sa mga ito.

"Isaiah, a-anong nangyari kay Jordan? N-nasaan siya?" pati ang boses ko ay nanginginig na. Nanlalamig din ang mga palad ko sa mga oras na ito.

"Sshh, tahan na. Okay naman siya. Tahan ka na, please," pang-aalo niya sa akin. "Lumabas kasi si Jordan kanina ng gate, nagpa-load daw. Ayun, nandoon pala si Wayne at nakaabang. Sinaksak siya pocket knife. Mabuti matalas ang pakiramdam at mabilis reflexes niya kaya nakaiwas siya. Ang kaso nahagip siya sa braso. Nasa clinic siya ngayon."

Inabutan ako ni Miko ng bote ng mineral water at pilit akong pinapainom. Tinanggihan ko iyon dahil hindi ko rin magagawang lumulon sa sobrang pag-aalala ko ngayon.

Sinikap kong makatayo nang mahimasmasan. "P-pupuntahan ko si Jordan..."

Pupuntahan ko si Jordan. Kailangan ko siyang makita para masiguro kung ano ang lagay niya. Hindi pwedeng hindi!

Nang makatayo ako ay humarang naman sa harapan ko si Isaiah. "Car, okay naman na si Jordan. Maliit na sugat lang. Ginagamot na siya sa clinic."

"Si Wayne naman, nahuli na rin," sabat ni Asher sa gilid ko na tuloy pa rin sa pagpapaypay. "Tinext ako ni baby, kasama raw parents ni Herrera na pupunta ngayon sa presinto para magsampa ulit ng panibagong kaso."

"'Wag ka ng mag-alala, Car," sabi ni Isaiah sa akin habang hinahaplos niya ang mukha ko. "Wala ng takas si Wayne ngayon. Kahit piyansa, di na uubra sa kanyang tangina siya."

"Isaiah, gusto ko siyang makita," pakiusap ko kay Isaiah.

"Mamaya sasamahan kita pagkatapos ng klase—"

"Gusto ko ngang makita si Jordan!" sigaw ko sa kanya. "Ngayon ko siya gustong makita!" Hindi ko na mahihintay ang mamaya. Hindi ako matatahimik sa pag-aalala hangga't hindi ko siya nakikita.

"Okay, okay," sumusukong sabi niya. "Sasamahan kita. Pupuntahan natin siya."

Itinulak ko siya at nauna akong lumakad patungo sa pinto. Hindi ako makakatagal nang hindi ko nakikita si Jordan at personal na natitiyak na ayos lang siya.

"Hoy, darating na si ma'am!" habol sa amin ni Asher.

Nilingon siya ni Isaiah. "'Pag hinanap kami, sabihin mo umihi lang."

"Ano, sabay kayong umihi?!"

"Basta bahala ka ng magdahilan!" pagkasabi'y hinabol na ako ni Isaiah.

Sa hagdan niya ako naabutan. Agad niya akong inalalayan.

"Carlyn, okay ka lang?"

Pagbaba namin ay saktong tumunog ang bell. Nang matanaw niya na paparating ang next subject teacher namin ay niyakap niya ako at hinila papunta sa likod ng hagdan para magtago.

"Wala na si ma'am..." anas niya habang yakap pa rin ako. Naglabas siya ng panyo mula sa bulsa ng suot niyang school pants. Pinunasan niya ang pisngi ko na basa ng luha.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon