022

487 30 5
                                    

— art's.

weekend ngayon, wala kaming pasok syempre pero si mama meron. kaya lumabas muna ako, para kumain sa 7/11. oo, 711 lang. naging routine ko narin kumain dito tuwing weekend, pero never kong naencounter si jongseong sa lugar na 'to kapag weekend.

pagkapasok ko, kumaway ako ulit kay unnie na nasa cashier. nakasanayan ko na, kaya nasanay narin siya. diba, sana lahat mabilis masanay. si jay kaya, kailan masasanay mahalin ako? char. malay niyo naman. walang imposible sa babaeng kayang lumipad.

nag libot libot ako sa loob, hanggang sa mapag desisyonan kong corndog nalang ang kainin. kumuha narin ako ng coke, pang patulak. hindi naman kasi ako masyadong gutom.

after ko mag bayad, humanap na ko ng upuan na malapit sa bintana. may ibang mga tao nga rin pala dito. mga kumakain, habang yung iba wala tambay lang.

payapa akong kumakain dito sa tabi mag isa nang biglang may lumapit na naman saking lalake.

"uhm, excuse me? miss?" tinignan ko lang yung lalakeng nakatayo sa harapan ko. napataas naman ako ng kilay, as if i'm asking kung anong kailangan niya.

bigla naman niya kong inabutan ng isang chocolate bar, na may kasamang papel. probably may name at phone number na nakalagay dito.

just like the guy in the library last time, naglakad lang rin siya papalayo sakin.

napailing nalang ako, at hindi na 'yon pinansin.

pinagpatuloy ko ang pagkain ko. pero agad akong nakaramdam ng pagka-awkward nang mapansin kong pinapanuod akong kumain nung lalakeng 'yon, pati narin ng mga lalakeng kasama niya sa table. shutabels.

gusto ko lang naman kumain ng mapayapa..

binilisan ko nang kumain para makauwi na ko, pero sa pagmamadali ko pota nabulunan pa ko. malas huhu

sinubukan kong buksan yung can ng coke pero ayaw pa makisama, mamamatay na ko dito mare!

i'm still trying to open it up, nang biglang may humablot nito mula sa kamay ko.

i looked up, and saw my future.. ma, ang gwapo talaga.

"jay?" oh diba, basta si jay magsasalita ako.

titigan mo lang, art. baka makuha naman sa tingin si jongseong.

"stop staring. hindi ka na nga makahinga, nagagawa mo pa kong titigan. drink." inabot niya sakin yung can ng coke, at naupo sa harapan ko.

habang umiinom, nakaramdam ako ng pagka-excite dahil sa view na nakikita ko ngayon.

"can you just eat slowly? hindi ka ba kumain ng isang linggo?" napa-pout nalang ako nang bigla siyang mag sungit.

"bakit ngayon lang kita nakita dito? sa tagal ko nang tumatambay dito tuwing weekend, ngayon lang tayo nag kita." nakangiting pag eexplain ko, sa gwapong lalakeng nakaupo sa harapan ko ngayon.

"hindi naman required na magkita tayo kapag pumupunta ako dito." may point siya, kaya natahimik naman ako at tumango tango nalang. hmp

"kamusta pala yung—" natigil naman ako agad sa pagsasalita, nang biglang punasan ni jay ang gilid ng labi ko gamit yung papel na binigay nung lalake kanina.

sweet sana.. pero bakit naman papel jay? may tissue naman? tsk

"ya—" napangiwi siya. aba

"ayoko sa madumi." he crumpled the paper, at tinapon yon sa malapit na trash can.

"malinis ako everyday, mabango rin. baka gusto mo kong amuyin—"

"hindi ka pa nga naliligo. you're still wearing the same clothes from your ig story last night." natahimik naman ako, at pasimpleng tinakpan ang top na suot niya.

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon