XXVI (Labrei)

1.8K 123 18
                                    


LARA MAE LAYAR


"Isa nga pong order ng Shanghai at isang order ng giniling. Saka po pala dalawang order ng kanin."

Napahalumbaba ako habang hinihintay si Dana. Nagugutom na ko. Ang tagal niya bumili. Ang bagal kumilos, kala mo hindi binabayaran ee. Joke lang.

Hindi din naman nagtagal at dumating na nga siya dala yung mga pagkain. Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at agad kong kinuha ang order kong ulam at kanin at walang pagdadalawang isip na sumubo.

Ganito ako kapag gutom. Kaya wala kayong pakialam.

"Grabe Lang, ano? Gutom na gutom lang? Hindi mo man lang ako hinintay makaupo."

Inirapan ko siya. "Sorry pre, hindi ko ugali ang maghintay." sumubo pa ulit ako. Ang sarap talaga kumain. "Hindi nga ko natakbo sa hallway kapag late na 'ko, ang hintayin ka pa kaya."

Inirapan lang naman niya ko saka sinimulan na din ang pagkain. "Edi wow. Ikaw na." pabalang na sagot niya.

Hindi na ko nagsayang pa ng laway para sagutin siya. Sunod-sunod lang ang pagsubo na ginawa ko. Lamon kung lamon. Para kaming barako dito at hindi babae kung kumain.

"Nabanggit mo kanina na madami kang kantang sinusulat, so ibig sabihin, madami pala kaming aabangan sayo ng mga fans mo."

"Opo, marami po kayong aabangan. Marami akong sinulat na mga kanta na talaga namang tatatak sa puso't isipan niyo."

Naiwan sa ere ang kutsarang isusubo ko sana. At buong tapang akong nag-angat ng tingin para hanapin ang pinanggalingan ng boses na 'yun.

At ayun siya, nakangiting nakatingin sa camera. 'Yung ngiting kulang na lang hindi na makita ang mga mata niya. Napalunok pa ko ng marinig ko ang mahinhin niyang tawa.

Hindi naman kasi malayo sa pwesto namin ang t.v dito sa karinderya kaya kitang-kita ko siya.

Kung ano siya noong huli kaming nag-usap, sana ganoon parin siya ngayon.

Naibaba ko ang hawak na kutsara. Bigla akong nawalan ng gana. Miski ang paglunok nga sa kinakain, hindi ko magawa.

"Ah ano Lang." she paused. "Gusto mo bang ipalipat ko na lang 'yung channel? Malakas naman ako sa do'n kay Ali-.."

"Wag na." I cut her off. "Hindi na kailangan." seryosong dagdag ko.

Natuon lang ang pansin ko sa t.v. Madaming tinatanong sa kanya 'yung interviewer pero lahat 'yun, hindi pumasok sa tainga ko. Tanging pagtitig lang sa kanya ang nagawa ko.

Sanay naman na ako. Mula noon, lagi ko na siyang tinitingnan sa malayo, at hanggang ngayon parin naman. Wala namang nagbago, isa parin akong taga hanga niya.

"Ang layo na ng narating niya 'no." Dana said.

Tipid akong ngumiti habang ang mata ay nakatutok parin sa babaeng minsan ko ng minahal. "Yeah" maikling tugon ko. "Natupad na niya 'yung pangarap niya."

Isa na siyang sikat na singer ngayon. Kabi-kabila na nga ang billboard niya dito sa buong Manila. Kaya kung saan ako pumunta, feeling ko kasama ko siya. Umay.

"Pangarap na hindi ka kasama." barumbadong dugtong niya sa sinabi ko.

Seryoso ko siyang tiningnan. Mabilis ko pang kinuha ang isang basong tubig na nasa tabi ko at ininom ang laman nun, hindi para lunukin kundi para ibuga sa babaeng kasama ko.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon