Chapter 37

1.6K 24 1
                                    

Nang makarating si Jewel sa kanilang bahay ay wala siyang narinig na ingay na ipinagtataka niya, bigla din siyang nakaramdam ng takot sa di malaman na dahilan kaya dali dali siyang pumasok at nadatnan ang kanilang dalawang maid kasama ang nanny ng anak niya nakagapos. Mabilis niya itong kinalagan at tinangal ang tape na nakatakip sa mga bibig nito. 

"Anong nangyari dito? Nasaan ang anak ko?" mabilis na sagot niya

"Hindi din namin alam ma'am nagulat na lang kami ng may biglang kumatok at pagbukas ko ay tinutukan ako ng baril kaya wala akong nagawa lima silang mga lalaki. Wala naman silang kinuhang gamit o pera."

"Ginapos lang nila kami ma'am, noong una ay hinahanap ka nila kaso ang sabi namin wala ka dito, hinalughog pa nila ang bahay para makasiguradong wala ka nga dito." segunda pa ng isang katulong namin.

"Si Storm po itanago ko sa cabinet." sabi ng nanny nito

Dali daling nagtungo si Jewel sa silid ng anak. Mabilis niyang binuksan ito at nakita ang kanyang anak na umiiyak, niyakap niya ito ng mahigpit. "Hush now baby, mommy is here." pagpapakalma niya rito

"There is a bad guys mom, hinahanap ka po nila.

That's why nanny have to hide me here." pagsusumbong ng anak na nanginginig pa hanggang ngayon dahil sa takot.

"Don't worry I'll call your tito Kevin."

Mabilis niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan si Kevin para pumunta rito, wala pang ilang minuto ay nakarating na ito sa kanilang bahay, bago pa kasi tumawag sa kanya si Jewel ay papunta na siya rito para sana dalawin si Storm.

"What happen here?" bungad ni Kevin pagkarating, may kasama itong isang pulis na kaibigan niya
Agad naman na ikwenento ng mga kasambahay nila ang nangyari. 

"Sino naman ang gagawa nito sa inyo? Base sa sinabi nila ikaw ang hinahanap Jewel, may nakaaway kaba? O may naalala ka ba na galit sayo? Mukhang ikaw ang kailangan nila, mabuti na lang at wala silang ginawang masama dito at mabuti na lang hindi nila nakita si Storm." paglilitanya ni Kevin

"Mukhang may masamang balak ang mga 'yon sa pinsan mo Kev," saad naman ng kaibigan niyang pulis

Nasa kalagitnaan sila ng pag iisip ng biglang tumunog ang telepono ni Jewel, sabay silang lahat na nagkatitigan, sinenyasan ni Kevin ang pinsan na sagutin ito dahil baka konektado ito sa nangyari sa kanila, mabilis din naman kinuha ng pulis ang laptop para subukan itong itrack.

"H-hello," 

"Hi Jewel, kamusta naman ang naabutan mong
supresa sa bahay niyo?" tanong ng nasa kabilang linya, boses babae ito pero hindi niya alam kung sino.

"S-sino ka? A-anong kailangan mo?" utal na utal na tanong ni Jewel

Malakas naman na tumawa ang babae sa kabilang linya, "Malaki ang kasalanan na nagawa mo at kailangan mong pagbayaran 'yon Jewel." seryosong wika ng kausap

"Anong kailangan mo?" pilit na pinapatatag ni Jewel ang sarili.

"Mamili ka Jewel buhay mo o buhay ng anak mo? Hahahaha." anas ng kausap

Agad na napatingin si Jewel sa kanyang anak na yakap yakap ng kanyang tito Kevin.

"Hayop ka! Kung sino ka man huwag mong idadamay ang ang anak ko!" madiin na wika nito sa kausap

"Let see the, and one more thing. Don"t trust so much, baka hindi mo alam may ahas kana pa lang nakakausap at nakakasama." sabi nito at ibinaba na ang tawag

Matapos ang tawag na 'yon ay bigo silang matrack ang numero na ginamit. Halos buong araw na hindi mapakali si Jewel dahil sa nangyari at kakaisip kung sino ang may gawa nito sa kanila, bakit pakiramdam niya ay ang laki ng kasalanan nito sa taong iyon.
Dito na rin natulog ang kanyang pinsan kasama ang dalawang pulis para na rin sa kanilang kaligtasan.

Nandito siya ngayon sa kanilang sofa dahil hindi siya makatulog. Biglang umilaw ang kanyang telepono at mukhang may nagmessage dito, pagkabukas niya ay nakita niya ang pangalan ni Cain. Walang alam ang kaibigan sa nangyari sa kanila dahil ayaw niya munang ipaalam dito para hindi naito mag alala pa.

"Yes Cain bakit ka nagmessage?" tanong nito

"Gising kapa pala, pumunta ka dito sa Eastwood Bar, nandito kami ni Thunder ayaw niya kasing umuwi kung hindi ikaw ang kasama." 

"What? Anong oras na ah! Hintayin mo ako diyan."

Mabilis niyang kinuha ang kanyang jacket at susi, hindi na siya na abala pang magpaalam sa pinsan dahil ayaw niya naman itong gisingin pa.
Mabilis siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kanyang sasakyan. Hindi din naman nagtagal ay nakarating siya sa Eastwood, ipinark niya ang kanyang kotse at mabilis na pumasok sa loob ng bar. Pagkapasok niya roon ay madami pa ring nag iinuman kahit na mag uumaga na, hinanap ng kanyang mata ang kaibigan.

Maya maya pa ay napansin niya kung nasaan nakapwesto ang mga ito kaya agad siyang lumapit sa dalawa, wala si Dark dahil ang balita niya ay nasa ibang bansa ito kasama si Calleigh.

"Cain anong nangyari bakit naman lasing na lasing ito?"

"Madami kasing ininom niya, mukhang problemado sa inyong mag ina. Niyaya kung umuwi dahil mag uumaga na pero ayaw niya din naman. Kanina pa kita tinatawagan pero ngayon ka lang sumagot." sagot nito

Napabuntong hininga naman si Jewel. " May nangyari kasia kanina sa bahay, nandoon din sila ni Kevin kasama ang kaibigan niya."

"Bakit? Anong nangyari?" bakas asa tono nito ang pag aalala

"Bukas ko na sasabihin sayo lahat, umuwi na muna tayo."

"Sige, iuwi mo na lang 'yan sa condo niya." sabi nito

"Samahan mo na ako, akala mo naman kaya ko itong buhatin." pagrereklamo niya sa kaibigan

"Sino ba kasi nagsabi na hindi kita sasamahan? Malamang sasamahan kitang ihatid 'yan sa condo niya."

Agad na umalis sila sa bar, siya na ang nagmaneho sa kanyang kotse habang si Cain naman ay nakasuno lang sa kanila. Halos 20 minutes din ang lumipas bago nila narating kung nasaan ang condo ni Thunder.

Mabilis nilang inakay na dalawa ito papasok sa kanyang unit. Pinahiga nila si Thunder sa kanyang kwarto at akmang aalis na si Jewel ng magsalita si Cain. "Saan ka pupunta?"

"Syempre aalis na. Kailangan ko ng umuwi baka hanapin ako sa bahay hindi pa naman alam ni Kevin na umalis ako."

"Ako ng bahala, doon na lang ako uuwi para masabi ko kay Kevin at isa pa namimiss ko rin si Storm kaya doon na muna ako didiretso at bukas na ako uuwi." aniya 

Tinitigan niya ang kanyang kaibigan na wari'y sinusuri ito. "What now? Dito kana lang matulog at ng makapag usap din kayo." anas niya at tuluyan ng lumabas.

Saglit na nanatili muna si Jewel sa labas ng ilan pang minuto bago nagpasyang pumasok ulit.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon