Chapter 39

1.5K 24 20
                                    

Nakatingin lang si Jewel sa binata habang walang tigil aa pagtulog ang mga luha nito. Hindi niya lubos maisip na makikita niya ngayon sa harap niya na nahihirapatan ang lalaking minahal niya ng sobra.

Hinawakan niya ang mukha ni Thunder at pinaharap ito sa kanya. "T-thunder." pagtawag niya rito

"I'm sorry Jewel, hindi ko sinasadya ang lahat ng 'yon. Oo galit ako sayo pero hindi ko naisip na gawin sayo ang bagay na 'yon. Sobra akong nagsisi noong pag gising ko wala kana sa bahay, hinahanap pa kita pero hindi kita nakita." saad nito

"Thunder listen to me,  nauunawaan ko na ang side mo. I'm sorry kung hindi muna kita hinintay magpaliwanag at umalis ako agad. Alam mo naman na din madali sa akin ang nangayari, labis ang trauma na 'yon sa akin. And to be honest with you hindi ko pa masasabi kung napatawad na kita, nandito pa rin hanggang ngayong sakit ng nakaraan."

"Alam ko, sinabi lahat lahat sa akin ni Cain. Kaya mas lalo akong nagsisi nung malaman ko ang nangyari iyo. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan ay gagawin ko para maiwasan ang lahat ng 'yon. At hindi kita mamadaliin na patawarin mo ako dahil alam kung hindi madali ang ginawa ko sayo." saad niya

"What happened after Thunder?"

"Pinahanap kita sa mga private investigator pero lahat sila ay hindi bumabalik sa akin, pakiramdam ko may humahadlang sa pagrereport sa akin kaya tumigil na ako sa pagpapahanap sayo. Naging miserable ang buhay ko noon, napabayaan ko ang kompanya at palagi na lang akong nasa bar. Sinabi ki lahat sa magulang ko at magulang mo ang lahat ng nangyari sa atin simula nung kinasal tayo hanggang noong gabi na 'yon. Nagalit sila daddy sa ginawa ko sayo kaya pinatapon niya muna ako sa hacienda at doon ako matagal na nanatili hanggat sa nagising ako isang araw na gusto ko ng ayusin ang buhay ko para pag nagkita ulit tayo ay nasa maayos na ako." wika niya

Halos kapusin na si Jewel sa paghinga dahil sa kanyang pag iyak, ang akala niya ay hinayaan lang siya ni Thunder na umalis hindi niya alam na pinahanap pala siya nito. At isa pa akala niya ay siya lang ang nagdusa 'yon pala ay pati ang binata.

"Nakaraan na 'yon tapos na at hindi na natin maibabalik, ang mas mahalaga ngayon ay si Storm. Kailangan niya ng ama, kailangan ka niya."

"P-pero paano? Galit siya sa akin." aniya ni Thunder

Ngumiti naman ito sa kanya. "Everything will be alright, mabait si Storm kaso minsan straight forward siya at suplado gayang gaya sayo."

"Ganyan kalakas genes ko." pagmamayabang niya

Hinampas naman ito ng dalaga dahil sa sinabi. " Napakahangin mo tumigil ka."

"What? Sinasabi ko lang ang totoo. Kaysa naman sayo na kulang na lang kainin ako nung nagkita tayo sa restaurant at isa pa tinakasan mo ako sa condo."

Namula naman si Jewel ulit dahil dito. "Hindi kita tinakasan sadyang kailangan ko lang talagang umalis dahil baka hanapin na ako sa bahay at tungkol doon sa restaurant ikaw ang nauna nagsabi na I'm wasting your time."

"Masyado ka kasing nagmamadaling umalis, hindi na lang sabihin na nagseselos ka. Wala ka naman din dapat ikaselos kay Celine." sabi nito

Tumaas naman ang kilay ko sa tinuran nito at bigla kung naalala si Celine, she's a good person at alam kung fiancee siya ni Thunder pero ano itong ginagawa ko ngayon.

"Speaking of her, diba ikakasal na kayo? Tama bang nandito ako."

"Listen to me Jewel, we are not getting married at wala kaming relasyon ni Celine. Pinsan ko siya at pinakiusapan ko lang ito na tulungan ako at magpanggap na ikakasal kami para makausap ka." pagpapaliwanag nito

"You jerk! Nakakainis ka!" pinaghahampas niya ito sa braso dahil ang akala niya ay talagang magpapakasal na ito sa iba.

"Hey stop it! Stop Jewel. Wala na kasi akong maisip na paraan kung paano ka kakausapin kaya gano'n na lang ginawa ko. Eh kaso umayaw na si Celine nung nagkita tayo noon sa condo ko, 'yong kasama mo si Kevin, fiance niya kasi dapat 'yon noon ang kaso lang tinanggihan niya 'to ng magpropose sa kanya, kaya hindi ko din alam kung bakit naapektuhan siya ng makita niya 'to muli tapos pinakilala mo pang boyfriend mo.

"Seryoso? Siya pala 'yong sinasabi ni kuya," gulat na tanong nito,

Agad naman tumango si Thunder. "What do you mean kuya? I thought he is your boyfriend. Kaya nga grabe ang iyak ni Celine nung araw na 'yon."

"Yes, Kevin is my cousin."

"Akala ko talaga may iba kana. Pero laking pasasalamat ko nung makita ko si Storm noong una pa lang ay nahalata ko na agad ang pagkakahawig namin kaya gusto ko ding  makilala ang kanyang ina at 'yon kinabukasan pumunta ka ng condo at sinabi mong anak mo si Storm kaya mas lalong lumakas ang kutob ko kaya pinaimbestigahan kita agad at nalaman ko ang totoo." sabi nito

Maya maya pa ay tumayo si Thunder at naglakad papunta sa isang cabinet na malapit sa amin, binuksan niya ito at may kinuha doon na maliit na box at naglakad pabalik ulit sa kama, umupo siya sa tabi ko at kinuha ang aking isang kamay.

Binuksan niya ang box na hawak at napasinghap ako sa nakitang laman. "H-how?" tanong ko habang sinusuot niya sa daliri ko ang isang diamond ring.

Hindi ko alam na nasa kanya pa rin pala ang wedding ring namin. Iniwan ko ito sa mesa ng kanyang kwarto bago ako umalis noon, ang akala ko ay itinapon niya na ito.

Mabilis siyang napayakap kay Thunder habang umiiyak.

"Hindi man naging maganda ang una nating pagsasama Jewel pero ngayon gusto kong ayusin lahat, gusto ko maging buong pamilya tayo. Ikaw, ako at ang anak natin. Alam kung hindi madaling kalimutan ang kasalanan na nagawa ko pero gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako, hindi man ngayon pero sa tamang panahon," aniya habang hinahagod ang likod ng dalaga na patuloy pa rin sa pag iyak.

"B-but how? Matagal ko ng pinirmahan ang annulment papers." mahinang saad niya habang humihikbi

Kinalas naman ni Thunder ang pagkakayakap ng dalaga at iniharap ito sa kanya habang ngumiti na labis namang ikinataka ni Jewel.

"Who told you that I signed it? Hindi ko pinirmahan ang pinadalaga ng abogado sa akin."

"So t-than means, w-we are.."

"We are married, we are still married Jewel." si Thunder na ang nagtapos sa gustong sabihin nito.

Pagkatapos ng pag uusap nilang dalawa ay natulog na sila, dahil maaga pa silang pupunta sa bahay nila Jewel.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon