Chapter 40

1.7K 32 5
                                    

Kinabukasan ay naunang magising si Thunder at napangiti na lamang siya ng makita ang dalagang katabi na mahimbing ang tulog. Hindi niya lubos maisip na pagkatapos ng ilang taon ay makakasama niya muli ang asawa. Alam niyang naging gago siya at hindi naging maayos ang pagtrato niya rito at lubos niya iyong pinagsisihan.

Simula ng maikasal sila ay namuo ang galit niya rito dahil sinisisi niya ito kung bakit natali siya ng maaga at nawala ang pagiging binata nito. Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na kahit kailan ay hindi niya ito mamahalin at gagawin niya ang lahat para maging miserable ang buhay nito na kasama siya. At nagtagumpay nga siya dahil sa araw araw na ginagawa at pinapakita niya sa dalaga.

At noong iniwan siya ng kanyang asawa ay doon niya lang na realized lahat ng mga maling nagawa niya rito, ang akala niya ay hindi siya makakaramdam ng pagmamahal sa dalaga pero sa araw araw na wala ang presensiya nito sa kanilang bahay ay doon niya napagtantong importante ito sa kanya at hinahanap niya ito.

Hindi niya rin maintindihan kung bakit naging gano'n ang trato niya sa dalaga gayong magkaibigan naman sila no'ng mga bata pa sila, marahil ay nabalot lang siya ng galit dito. At ngayon na nabawi niya na ito ay wala na siyang balak pang pakawalan ito ulit. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang mag ina.

Nagising si Jewel ng pakiramdam niya ay mag nagmamasid sa kanya at hindi nga siya nagkamali dahil pagmulat ng kanyang mga mata ay mukha agad ni Thunder ang bumungad sa kanya.

"Goodmorning," nakangiting bati nito sa kanya

"Goodmorning. Kanina ka pa ba gising?"

"I think isang oras na ang nakalilipas." sagot nito

Agad naman na bumangon ang dalaga. "Bakit hindi mo ako ginising?"

"Ang himbing ng tulog mo kaya hindi ko na ginawa at okay lang naman dahil maganda naman ang view at nagkaroon ako ng oras para matitigan ka."

"Baliw! Kailangan ko ng umuwi baka hanapin na ako nila Kevin."

"Ihahatid na kita, magshower lang ako saglit." aniya at tumayo na.

Isang oras pa ang lumipas bago sila tuluyang umalis sa condo ni Thunder, mabuti na lang at hindi traffic kaya naging mabilis din ang pagdating nila sa bahay nila Jewel.

Tamang tama din ang dating nila dahil habang naliligo kanina si Thunder ay tumawag naman ang mommy ni Jewel para ipaalam na nakauwi na ang mga ito, kaya siguradong magugulat ang mga ito pag nakitang magkasama sila ng binata.

Tatlong beses na pinindot ni Jewel ang doorbell at nakita niyang patakbo na lumabas ang kanilang kasambahay. "Goodmorning ma'am, sir," bati nito sa kanila.

Nang makapasok na sila sa loob ay naabutan nila ang kanyang magulang na nakaupo at mukhang hinihintay din ang pagdating nila. "Saan kayo nanggaling?"tanong agad ng ina nito ng mapansin sila.

"Nag usap lang kami ma, pa." sagot ni Thunder na nagpangiti sa mag asawa.

"Mabuti naman kung gano'n iho para mabigyan niyo na ng buong pamilya ang apo ko." anas ng ina

"Jewel, we heard what happen yesterday. Sinabi sa amin ni Kevin." singit ng kanyang ama

"Oo nga anak, doble ang pag aalala namin ng daddy mo ng malaman ang nangyari at mabuti na lang at walang may nasaktan sa inyo." segunda ng ina

Bigla namang kumunot ang noo ni Thunder at tumingin kay Jewel na animo'y nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng kanyang mga magulang.

"What happen?" hindi na ito nakatiis at nagtanong na

"Nandito ka pala pre? Okay na kayo ni insan?" tanong ng kakababa lang na si Kevin. "Oh Jewel hindi mo pa pala nasabi kay Thunder ang nangyari?" baling nito kay Jewel

Mas lalong nagtaka si Thunder kung ano ang ibig sabihin ng pinsan nito. Nagsimula ng magkwento si Jewel sa kung anong nangyari sa kanilang bahay. Ramdam niya ang labis na pag aalala ni Thunder ng malaman ang nangyari. Nag usap usap pa sila sa mga dapat gawin ng mag excuse muna si Jewel para puntahan ang kanyang anak sa kwarto.

Pagbukas niya pa lang ng pinto ay sinalubong na siya ng matinis na boses ng anak. "Mommy you are back." humalik pa ito sa kanyang pisngi ng makalapit na siya

"Good morning baby, Sorry if hindi nakauwi si mommy, may inasikaso lang kasi."

"It's okay mommy I understand."

Yumakap pa ang kanyang anak sa kanya na mukhang gusto pang matulog. Ganito siya minsan pag kakagising lang.

Napansin niyang tumitig ang kanyang anak sa pintuan kaya nilingon niya ito. "What are you doing here mister?" tanong ng kanyang anak

Pero himbis na sagutin siya ni Thunder ay naglakad ito papasok sa kanyang kwarto at nginitian si Jewel

"Don't come near me!" sigaw nito

"Storm baby, you are a big boy na diba?" tumango naman ito. "Then, why are you acting like that?

"But he hurts you mommy." depensa ng anak habang nakayuko

Agad na hinawakan ni Jewel ang maliit na mukha nito at iniharap sa kanya. "Baby, he is your father."

Tumingin naman ito kay Thunder na nakatayo lang sa tabi nila at hindi umiimik.

"Even though you said that he is my father, I will not accept him in my life.," diretsong anas nito habang nakatingin sa ama.

Hindi mapigilan ni Thunder ang maluha dahil sa narinig galing sa bata. Sobrang sakit para sa kanya na ayaw siyang tanggapin ng sariling anak, iniisip niga na baka ito ang kabayaran sa nagawa niyang kasalanan sa asawa.

Mabilis naman na napatingin sa Jewel kay Thunder at kitang kita niya ang lungkot at sakit sa mga mata nito. Magsasalita pa sana siya ng biglang umalis ang binata, ilang beses niya pa itong tinawag pero hindi ito lumingon.

Ibinalik niya ang tingin nito sa kanyang anak. "Why did you said that in front of your father Storm? That's bad."

"I'm sorry mommy but I still hate him," sabi nito at humiga na sabay talukbong

Walang nagawa si Jewel at hinayaan na lang muna ang anak, ayaw niyang pilitin ang bata na makipag ayos sa kanyang ama. "Goodnight baby, lalabas na si mommy," paalam niya at nakita niya naman ang pagtango ng anak

Nang makababa si Jewel ay agad niyang hinahanap si Thunder, akala niya noong una ay umuwi na ito pero ang sabi ng pinsan niya ay nasa garden daw ito kaya mabilis siyang pumunta doon at nakita niyang nakaupo ito habang nakayuko.

"T-thunder?," tawag niya dito pero nanatilinpa rin itong nakayuko.

"Sorry sa nangyari kanina," panimula niya ng makaupo ito sa tabi ng binata.

"H-he hates me, m-my own son h-hates me," mahinang bulong nito

"Ito na yata ang kabayaran sa kasalanan na nagawa ko, ang magalit sa akin ang anak ko. Kahit na kinakausap mo na ako alam kung hindi mo pa ako napapatawad ng lubusan at naiintindihan ko 'yon," dagdag pa nito na lalong nagpabigat ng loob ng dalaga

Hinawakan niya ang kamay ni Thunder. "Sa totoo lang may hinanakit pa rin ako sayo, may galit pa rin dito sa puso ko kahit na nagpaliwanag kana ng side mo. Yung sugat naghilom pero ang peklat ay naiwan pa rin. I've suffered so much Thunder, halos mabaliw ako and Cain knows that. Ilang doctor ang pinagdaanan ko para lang maging maayos at ng pumunta kami sa Canada nakagawa ako ng bagay na pinagsisisihan ko ng lubos. Noong nalaman kung buntis ako muntik ko ng ipalaglag ang bata mabuti na lang at dumating si Cain, nagalit siya ng sobra sa akin na halos ilang linggo niya akong hindi kinausap. Sa totoo kang dapat nga hindi kita kinakausap eh, dapat nagmamatigas ako pero iniisip ko si Storm. Ayaw kong maging unfair, hindi man tayo masasabing okay na okay pero si Storm labas na sa kung anong meron na problema tayo. Alam kung may mali din ako, dahil sa akin kaya nagkagano'n siya at galit siya sayo," mahabang lintanya ni Jewel

Napatingin sa kanya si Thunder. "Wala kang kasalanan, kung ano man ang nangyayari ngayon deserve ko 'yon dahil sa lahat ng pasakit na binigay ko sayo. Pero hindi ako susuko kahit paulit ulit akong itulak palayo ni Storm ay tatanggapin ko." pursigidong turan nito

"Kanino paba magmamana si Storm ng katigasan kong hindi sayo. Everything will be alright in time," nakangiting wika ni Jewel.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon