Chapter 43

1.2K 20 1
                                    

Nanatiling nakaupo si Cain sa loob ng kanyang sasakyan, nandito siya ngayon sa labas ng building kung saan nakatira ang kanyang kasintahan. Nanatili pa siya ng ilamg segunda bago tuluyang lumabas at pumasok sa building.

Habang nakasakay siya sa elevator ay hindi pa rin mawala ang galit niya, akala niya hindi siya malalaramdam ng ganito sa kasintahan pero ngayon hindi niya na alam.

Pagkabukas ng elevator ay dali dali siyang naglakad hanggang sa makaabot siya sa pintuan ng unit ng dalagang si Monique, kumatok siya ng tatlong beses bago ito nagbukas.

"Hi babe," nakangiting bungad sa kanya ng dalaga at akmang hahalikan siya nito ng umiwas siya at dumiretsong pumasok sa loob

Labis ang pagtataka ng dalaga sa inasta ng kanyang kasintahan, pero hindi niya na lang ito pinahalata at sinara na lang ang pinto bago sumunod dito.

Nakita niyang nakatayo lang ito habang hinihilot ang sentido. "Are you okay? What do you want to eat babe?" pagtatanong nito, ngunit wala siyang marinig na sagot.

Naglakad siya papalapit dito at niyakap. "What's wrong? May problema ba?"

Tinanggal ni Cain ang pagkakayakap nito at hinarap siya. "We need to talk." seryosong turan nito

"Tungkol saan?"

"Bago kami pumuntang Canada, nakauwi kaba dito?" pagtatanong nito

"What? Are you serious asking me that question? Obcourse not. Alam mong nasa canada lang ako." 

Pumikit ng mariin ang binata. "Who is Alexa?"

Biglang namutla si Monique dahil sa pagkakarinig ng pangalan na binanggit ng kanyang kasintahan. "S-sinong Alexa? W-wala akong kilalang ganyan babe," utal utal na sagot nito

Bumuntong hininga nag binata na animo'y nagpipigil sa galit. "I'm giving you a chance Monique, who is Alexa?" 

"Ano kaba, sinabi ko ng hindi ko kilala si Alexa." depensa nito

"Really?" may pagkasarkastikong saad ng binata at tumawa pa. "How come na hindi mo kilala si Alexa, kung pinsan mo naman siya."

Lumaki ang mga mata ni Monique dahil sa narinig, bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil dito.

"Ilang taon na ang nakalipas noong umalis si Jewel sa puder ni Thunder dahil nakagawa ito ng hindi maganda sa kanya. Jewel suffered in pain, stress and depression. Nagigising siya tuwing gabi dahil sa napapanaginipan niya ang nangyari sa kanya. She suffered big time. At noong naging okay na siya ay pumunta kami sa Canada to continue her life. At dumating ang araw na nalaman niyang buntis siya, she got depressed again at muntik ng ipalaglag ang bata at pati buhay niya ay nalagay sa panganib at alam mo 'yon Monique." mahabang litanya ni Cain.

"And you know what I discover?" tumawa ito ng mapakla. "Si Alexa na naging ex fling ni Thunder ang may gawa kung bakit nangyari ang lahat ng 'yon sa kanilang mag asawa. Siya ang naglagay ng gamot sa inumin ni Thunder kaya nagawa niya 'yon kay Jewel! But you know what's more painful Monique? Is when I find out who is behind that!"

"C-cain, ano bang pinagsasabi mo?"
nanginginig na tanong ng dalaga

"Stop this drama of yours Monique! Damn it! I know you know what I mean, don't act stupid infront of me! I know already the truth, I know everything , alam kung ikaw ang may pakana ng lahat ng 'yon. Ikaw ang nag utos kay Alexa na gawin 'yon para maghiwalay ang mag asawa!" galit na sigaw nito

"B-babe, l-let m-me explain please."  anas nito at humakbang papalapit pero umiling ang binata.

"Don't come near me! What will you explain, ha? That you succeed in your plan? Na nagawa mong paghiwalayin ang mga kaibigan ko? Well, congrats! You did well," panunuya nito

"It's n-not like that C-cain, please hear me out," pakikiusap nito

"Marami kang pagkakataon Monique, pero hindi mo sinabi ang totoo. Nakipagkaibigan ka kay Jewel dahil may plano ka at hindi na ako magtataka kung bakit ka naging malapit sa akin, w-wait let me rephase it kaya mo ako ginawang boyfriend. Hahahaha."

"B-babe, hindi 'yon totoo. M-mahal kita, mahal na mahal. Hindi kita ginamit," nagsimula na itong umiyak pero hindi nakaramdam ang binata tanging nananalaytay sa kanya ngayon ay galit para sa babaeng kaharap niya

Lumapit si Monique dito para yakapin siya pero umatras ito."C-cain maniwala ka sakin, totoo ang pagmamahal ko sayo."

"Tangina!" sigaw nito at sinuntok ang pader. "Mahal mo ako? Putanginang pagmamahal 'yan! Sa tingin mo paano ako maniniwala, ha? Paano ko papaniwaan ang taong sinungaling at mapagpanggap?"
Mas lalo pang lumakas ang iyak ni Monique dahil sa sinabi ng taong mahal niya. Hindi niya lubos maisip na aabot sila sa ganito,

"H-hindi ko intensyon na masaktan silang mag asawa, hindi ko sinasadya." 
"Fuck it! Hindi intensyon? Nagpapatawa kaba? Plano mo lahat tapos hindi sinasadya? Bakit, masaya kaba sa nangyari? Masaya kang nasira sila? Masaya ka sa lahat ng naranasan ni Jewel, ha? Alam ko ang nakaraan na meron kayo, pero putangina! Hindi kasalanan ni Jewel ang nangyari! Hindi niya kasalanan kung niligtas siya ni Daven! Ginusto ng boyfriend mong iligtas ang bestfriend niya, kaya siya namatay!" sigaw nito sa sobrang galit.

"C-cain i-intindihin mo ako, n-nasaktan ako ng sobra ng malaman kung wala na si Daven. All I think is, kasalanan ni Jewel dahil kung hindi sana siya sinundan ni Daven ay buhay pa sana siya ngayon. Hindi sana siya namatay!"

"Kaya gusto mong bawian si Jewel? Dahil siya ang sinisi mo sa pagkamatay ni Daven? Hindi siya ang pumatay! Nakakulong na ang may gawa nito pero gusto mo pa rin sirain si Jewel at pati ako dinamay mo pa."

"C-cain, please ayusin natin 'to." pagmamakaawa nito

"Ayusin? Hindi na maayos ang bagay na nasira na, hindi na mababalika ang tiwalang nawala Monoque. You know what? Akala ko iba ka sa mga babaeng nakilala ko, pero hindi pala mas malala kapa." madiin na wika nito

Halos mapaluhod si Monique sa tinuran ng taong mahal niya, nakagawa man siya ng kasalanan pero alam niya sa isip at puso niya ay totoong mahal niya si Cain.

"C-cain, mahal na mahal kita. H-huwag mo akong iwan," umiiyak na turan nito

"Hindi ko kayang pakisamahan ang tao na kasing sama mo! Nagsisisi ako kung bakit ikaw pa ang minahal ko! Nagsisisi ako kung bakit pinagkatiwalaan kita." 

Mabilis na tumayo si Monique at lumapit sa binata. Niyakap niya ito ng mahigpit na animo'y ayaw niyang pakawalan pero hindi din ito nagtagal dahil mabilis na kinalas ni Cain ang pagkakayakap niya at tinulak siya nito. 

"Trust is like a piece of paper, once it crumpled it will never be the same again. Minahal kita Monique, I've been honest with you all the time, pero ang hindi ko alam puro lang pala pagpapanggap ang lahat ng pinapakita mo. Dahil sa labis na pagmamahal ko sayo nadurog ako, binuo kita para sirain ako. Ang sakit mong mahalin. Sana hindi na lang kita nakilala, sana hindi na lang ikaw ang minahal ko." madiin at seryosong anas ng binata at naglakad papalabas

Napaluhod na lang si Monique ng marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan senyales na umalis na ito at tuluyan na siyang iniwan.

Halos manikip ang dibdib niya sa mga salitang binitawan ni Cain, wala ng mas sasakit pa ang marinig mismo sa taong mahal mo na pinagsisihan niyang makilala at mahalin ka. Parang sirang plaka na paulit ulit sa kanyang isip ang mga katagang 'yon.

Iniisip niya na kung hanggang dito na lang ba talaga sila. She loves Cain so much kaya mas pinili niyang huwag ng tulungan si Margaux dahil ayaw niyang mawala sa kanya ang binata, ngunit sa pagkakataong ito ay parang nabalewala lang ang lahat. Alam niyang magagalit ito ng sobra pag nalaman ang lahat kaya ito din ang dahilan kung bakit hindi niya masabi dito ang nagawa niyang kasalanan, she knows that Jewel is like a sister to Cain kaya hindi niya ito masisisi kung bakit ganito na lang ang naging reaksyon nito. At alam  niyang oras na malaman din ito nina Thunder at Jewel baka magalit din ang mga 'yon sa kanya, ilang tao  ang nasayang sa dalawa ng dahil sa kagagawan niya, ilang taon na walang kinilalang ama si Storm ng dahil sa kanya.

Pero kanina pa pumapasok sa kanyang isipin kung paano nangyari na nalaman ni Cain ang tungkol dito ng biglang may pumasok sa isip niya na isang tao. Naikuyom niya ang kanyang dalawang kamay dahil dito. "Hayop ka, Margaux! Alam kung ikaw lang ang may gawa nito, ikaw ang nagsabi kay Cain," bulong nito sa sarili

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon