Chapter 44

1.2K 18 4
                                    

Mabilis na umalis sa kanyang unit ang dalagang si Monique dahil pupuntahan niya si Margaux, hindi niya lubos maisip na matapos ang lahat lahat ng ginawa niya para dito pati ang pagtulong niya ay magagawa siya nitong traydurin.

Mabilis siyang sumakay ng kanyang kotse at nagmaneho papunta sa bahay ng kapatid ng dating kasintahan, hindi niya matanggap na sinira ni Margaux sila ni Cain, galit ang tanging nararamdaman niya ngayon sa dalaga.

Pagkalipas ng halos 30 minutes ay narating niya ang bahay ng kaibigan, mabilis siyang bumaba at dumirero ng pasok sa loob. Naabutan niya si Margaux na prenteng nakaupo sa kanilang veranda habang may hawak hawak itong alak.

Naglakad siya papalapit dito. "How dare you Marga," bulalas niya sa harap nito.

"Hey Monique, you are here. W-wait, Ano bang sinasabi mo?" pagkukunware nito.

Mabilis na dumapo ang kanyang kamay sa pisngi ng dalaga dahil sa sobrang galit. " Huwag kana magkunware pa! Alam ko na ang ginawa mo, alam kung ikaw ang nagsabi kay Cain!" galit na sigaw niya

Sapo sapo ni Margaux ang kanyang pisngi dahil sa sampal na ginawa ng dalaga, pero hindi niya ito ininda dahil maya maya pa ay ngumiti ito ng nakakaloka. "Alam mo na pala. Bakit? Wala na ba kayo ni Cain? Hindi mo ba naisip na ganito naman talaga ang mangyayari pag nalaman niya, dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil sinabi ko na sa kanya ng mas maaga."

"Wala kang karapatan na pangunahan ako! Nang dahil sayo kaya kami nag away ngayon. Masaya kana ba, ha? Hindi ka sumunod sa usapan Marga. Don't expect that I will help you!" aniya saka tumalikod at naglakad paalis sa bahay ng kaibigan.

Mabilis siyang sumakay sa kanya kotse, hindi niya na naman mapigilan ang hindi maiyak dahil sa nangyari. Hindi niya akalain na si Marga pa ang sisira sa kung anong meron sila ngayon ni Cain. Hindi niya alam ang gagawin dahil kitang kita niya sa mga mata ng binata ang labis na galit.

Kitang kita ni Marga ang galit sa mga mata ni Monique ng pumunta ang dalaga sa bahay niya at alam niya na din na mangyayari 'yon. Mahal ni Monique si Cain kaya alam niyang ganyan ang magiging reaksyon nito, but she don't care. Wala na siyang kailangan sa dalaga kaya wala na itong pakialam kung ano man ang mangyari dito.

'I told you Monique, hindi ka pwedeng maging masaya.' isip nito at tinungga ang baso na may lamang alak

Naglakad ito papasok at umupo sa sofa. Tuwang tuwa ang nararamdaman ng dalaga dahil akala niya lahat ay naayos sa kanyang plano, mabilis noyang kinuha ang kanyang telepono na nakapatong sa ibabang ng mesa at may tinawagan.

"Hello madam," bungad ng boses sa kabilang linya.

"Is everything okay?"

"Yes madam, okay na lahat ng pinaayos mo at wala ng problema." sagot nito

Mas lalong lumapad ang ngiti ng dalaga dahil sa sobrang galak. "That's good to hear, maghintay lang sa susunod ng tawag ko para magawa na ang planp." paalala nito at ibinaba na ang tawag.

FASTFORWARD

Isang linggo na ang nakalilipas at wala naman masyadong nangyari sa kani-kanilang buhay. Tungkol naman kay Cain at Monique ay hindi pa rin sila nagkakausap o nagkaayos.

Kasalukuyang nasa bahay nina Jewel si Monique dahil ilang araw niya na din pinag isipan na sasabihin niya na ang lahat lahat sa mag asawa at ito na ang tamang panahon para rito. Labis ang disappointment ni Jewel to the point na napaiyak pa ito ng malaman niya ang totoo, grabe ang pagsisisi ni Monique dahil dito humingi siya ng tawad dahil nabulag siya sa paghihiganti.

At dahil sa kabaitang taglay ni Jewel ay napatawad niya ito, mas lalo siyang nakaramdam ng konsensiya dahil dito. Alam niyang hindi madali ang magpatawad dahil sa ginawa niya ilang taon na ang nakalilipas, nakasira siya ng isang pamilya. Kung si Jewel ay nagawang magpatawad si Thunder naman ay hindi, sobrang nagalit siya kay Monique ng malaman ang lahat kung hindi lang babae si Monique at nabugbog niya na ito at gusto niya ding ipakulong ito dahil hindi niya matanggap na isang plano lang ang naging dahilan kung bakit iniwan siya ni Jewel at ilang taon niyang hindi nakasama ang anak.

Naiintindihin ni Monique kung bakit galit si Thunder dahil alam niya sa sarili niya na mali ang ginawa niya, hindi din siya nagtagal sa bahay ng mag asawa ay agad din itong umalis, samantalang si Jewel naman ay umakyat sa taas para kausapin ang kanyang asawa.

Dahan dahan na binuksan ni Jewel ang pinto ng kanilang silid, wala ngayon dito ang kanilang anak dahil hiniram ito ng mga magulang ni Thunder. Lumapit siya sa kanyang asawa na tahimik na nakaupo sa kama.

"Still angry or not in mood?" she asked

Hindi ito kumibo at nanatiling tahimik lang.

"Wala kang balak kausapin ako?" pagsasalita nito ulit.

Bumuntong hininga muna ito at saka tumingin sa kanya. "Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa nalaman, she is Cain's girlfriend at hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang taong sumira sa atin, tapos ikaw ang dali mo lang siyang napatawad," pag amin nito

Hinawakan ni Jewel ang kamay ng asawa. "Hon, I know it's hard for you at hindi kita pinipilit na patawarin si Monique. Ayoko lang magkimkim ng sama ng loob o galit dahil para sa akin okay na ako dahil kasama ko na kayo ng anak natin. Hindi porket pinatawad ko siya eh balewala na sa akin ang ginawa niya, nandito pa rin ang sakit ng nakaraan."

"You are really a kind hearted woman, I know in time I can forgive her but not now kung hindi lang dahil sayo at kay Cain ay ipapakulong ko siya," wika ni Thunder sa kanyang asawa.

Alam niyang hindi madali kay Thunder ang nalaman kahit siya ay hindi din alam ang magiging reaksyon niya ng sinabi ni Monique ang lahat kanina, pero hindi niya rin nakakalimutan ang mga naitulong nito sa kanya no'ng nasa Canada pa sila at isa pa kahit papaano ay itinuring niya na itong kaibigan. At naiintindihan niya na nagawa lang 'yon ng dalaga dahil sa nangyari kay Daven at nakita niya kung gaano ito nagsisisi. Ang isa sa iniisip niya ngayon ay ang kaibigan na si Cain dahil napag alaman niya na alam na din nito ang lahat kaya alam niyang labis na nasasaktan din ngayon ang binata.

'I just hope na maging okay pa silang dalawa.' isip ng dalaga

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Thunder

"Iniisip ko lang si Cain, Alam kung hindi siya okay ngayon matapos malaman ang lahat,"

"Hindi naman natin masisisi si Cain. Kahit sino naman kung malaman na ang taong mahal niya nagawa ang mga bagay na 'yon," aniya.

Sumandal naman ang dalaga sa balikat ni Thunder. "Magkakaayos pa kaya sila?" bulong ko

"Silang dalawa lang ang makakapagsabi niyan hon, hindi naman kasi simpleng isyu lang ang meron sa pagitan nila. Cain felt betrayed, but we don't know what will happen if they really love each other magkakaayos sila. Kailangan lang maibalik ang tiwala na nasira. Monique needs to work on it. You know, iba magalit si Cain."

Tumango naman ang dalaga dahil sa sinabi ng asawa, mahirap ibalik ang tiwalang nasira na. At kilala nila ang kaibigan mabait ito pero pag nagalit ito ay iba. Pinakaayaw sa lahat ni Cain ay ang mga taong sinungaling kaya alam nilang mahihirapan si Monique sa bagay na ito. 

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon