Chapter 1

2.7K 78 0
                                    


Yvy Pov

"Kay Tita ninang ka muna nak ha? Time to go to work na si mama. Behave ka dito at wag mong pasasakitin ang ulo ng ninang mo okay?"

"I want french fries and ice cream!" ginulo ko ang buhok niya bago hinalikan sa pisnge.

"Noted" lumapit siya sa akin at niyakap ako. He also kiss my forehead and wave his hand habang papaalis ako. Tumango naman si Jiel sa akin bago ko pinindot ang elevator at pumasok. I pressed the first floor saka huminga ng malalim at sumandal sa pader.

Lumabas na ako ng tumunog ito at bumukas. Dire diretso akong lumabas at nag para ng sasakyan papunta sa kompanya na pinapasukan ko.

"Keep the change manong"

"Salamat po ma'am!" Tumango ako at nginitian ang driver ng taxi bago bumaba. Inayos ko ang pencil cut skirt na suot ko dahil bahagyang nagusot at nag simulang mag lakad papunta sa building.

"Good morning ma'am!"

"Good morning din po kuya" sumaludo pa ang manong guard ng building kaya napatawa ako. Kilala na ako nito dahil ilang taon na din akong nag tatarabaho dito as Ceo's Secretary.

Malaki ang sweldo dito at maganda ang benefits dahilan kung bakit madami ang gustong mag apply na trabahante dito dahil bibihira ka nalang makahanap ng ganitong sistema sa ibang kompanya.

Dumiretso ako sa pantry para mag templa ng kape ng boss ko.

"Good morning ganda!"

"Morning Chin"

"Coffee for president?"

"Yeah. Nandiyan na ba?"

"Wala pa ata. Saka always ka kayang nauuna sa kaniya" nginitian ko nalang ito at nag paalam ng matapos kong mag templa ng kape. Pumasok ulit ako sa elevator at pinindot ang 6th floor.

May mga empleyado pa ako na nakasabay sa loob ng elevator. Tango at pag bati ang ginawa namin. Nauna silang makalabas kaya naiwan ako mag isa sa loob dahil nasa pinaka taas pa ang floor ko which is the President's office.

Taas noo akong lumabas ng elevator ng bumukas ito. Nilapag ko sa table ko ang bag at pumunta sa pinto ng president's office.

Kumatok ako ng dalawang beses bago binuksan ang pinto.

"Here's your coffee si---SINO KA??!"

turo ko sa kaniya gamit ang isa kong kamay dahil nasa isang kamay ko ang tasa na may kape.

Sino naman ang nilalang na ito? Sa pag kakaalam ko ay iba ang itsura ng boss ko!

Hindi siya nag salita bagkos ay tinignan niya lang ako at ibinalik ulit ang paningin sa papel na binabasa niya.

"Call your former boss and he will explain everything" nanindig ang mga balahibo ko sa lamig ng boses niya. Napakunot pa ako ng noo ng mapansin na parang pamilyar ito.

Saan ko nga ba siya nakita? Parang pamilyar talaga e!

"What are you still doing there? Get out!"

Aba! Attitude ka sir? Huminga ako ng malalim bago nginitian siya ng peke. Langya! Akala mo kung sinong gwapo! Tss.

Gwapo sana kaso epal ng ugali. Hmp!

Padabog akong lumabas at tinarayan siya bago ko sinara ang pinto.

Mag kasalubong pa din ang kilay ko sa attitude na lalaking yun.

Napahinga ako ng malalim bago pinulot ang phone ko at tinawagan si Mr. Fritinzson.. yung boss na kilala ko hindi yung attitude na lalaking yun.

"Oh! Hi ija. I was about to call you but here you are. You're the one who do it first HAHAHA" ansaya naman ng boss ko no?

"I just want to ask something, sir. Who's this fucking attitude man in you office?" napatawa siya sa tanong ko.

"HAHAHAA I know you will react that way but He will be your new boss from now on, ija"

"But why sir? You don't want to handle this company anymore? Bakit di po ako nasabihan tungkol dito and who's this man po ba?"

"He's Narthaniel Jaid Fritinzson, my only son" tila nabinge ako sa narinig kaya nag paulit ulit ito sa aking pandinig.

"He's Narthaniel Jaid Fritinzson, my only son"

"He's Narthaniel Jaid Fritinzson, my only son"

"He's Narthaniel Jaid Fritinzson, my only son"

"He's Narthaniel Jaid Fritinzson, my only son"

"W-WHAT?!" yung attitude na yun? Anak niya? Baka naman ampon lang? Ang layo ng pag uugali e! Hindi halata,promise!

"Ako ba'y jino-joke time niyo sir? HAHAHAHA bentang benta talaga sir! Uwian na, Ikaw na winner HAHAHA" para kaming buang na tumatawa dito.

"I'm serious, ija. I'll send some details about my son para may alam ka tungkol sa kaniya. Malay mo siya na ang future baby mo HAHAHAHA"

Napanganga ako sa sinabi ng boss ko.Ayos lang ba talaga siya? Bakit parang kailangan na niyang iadmit? Ohmy! Naloloka ako!

What to do?!

"Ija? Are you still there?" napakurap ako at napa tikhim bago sumagot "Yes sir."

"Good. I'll send the details later para naman alam mo ang ayaw at gusto niya. Medyo demanding din kasi ang anak ko kaya sana ay habaan mo ang pasensiya na meron ka" ano pa nga bang magagawa ko? Tumango tango ako kahit hindi niya naman ako nakikita

"Aye aye sir! Ill do my best to become an effective secretary to him"

"Like what I expected from you. Osya sige na at tinatawag na ako ng tita mo HAHAHA"

"Thank you sir,bye!" pinatay ko na ang tawag at napasandal sa swivel chair na kinauupuan ko.

Mr. Evans Fritinzson is my former boss. Tito ang gusto niyang itawag ko sa kaniya pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Sir Evans is a very humble man. Sobrang bait din niya kaya swerte ako na siya ang naging boss ko ewan ko nalang ngayon sa anak niya kung magiging swerte din ako.

Huminga ako ng malalim at pumikit "Okay Yvy. Alam ko na mahaba haba ang kailangan mong pasensiya sa ma attitude na boss mo ngayon pero kayang kaya yan diba? Para sa trabaho, fighting!" kung may makakakita lang o makakarinig sa akin iisipin nilang nababaliw na ako. Well malapit na pero wag naman sana umabot doon.

"What are you doing?"

"Ay doing!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang may biglang mag salita sa kung saan. Tinignan ko ito at doon ko makita ang bagong boss ko na binigyan ako ng 'mukha-kang-baliw' na tingin.

Napatayo ako at umayos ng tayo bago taas noo siyang tinignan "Is there anything you need sir?" matagal bago siya sumagot dahil nakatingin lang ito sa akin

"Just stop being crazy"

Holly mother of yukinam generation! What the eff is that?! Laglag panga niya akong iniwan at pumasok ulit sa office niya.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now