Chapter 6

2K 71 0
                                    


"Oh my! Is this true?!" histerikal na tanong ni Jiel habang naka tingin sa laman ng envelope na binigay sa akin ni Jaid kanina. Hindi makapaniwala ang mukha niya na tumingin sa akin pabalik sa papel na hawak niya.

Dahil sa nangyare kanina ay nag desisyon ako na umuwi muna dahil masyadong magulo ang isip ko and Jaid agree with it that's why he let me.

Gusto niya sumama sa akin para makita ang anak namin pero pinigilan ko muna siya dahil masyadong mabilis ang pangyayare. I still need to talk to my son about his father kaya napapayag ko si Jaid na saka na siya mag papakita sa anak namin.

Alam ko na ayaw niya sa naging desisyon ko but he still manage to respect it and I'm thankful for that.

"Jusme mama miyaaaaaah! Totoong may himala babes! Pinag usapan palang natin nung nakaraan ang tungkol sa tatay ni baby Mcervin pero nasa harap mo na pala. Matagal na!"

"Amazing right? Kusa ng lumapit sa akin ang kasagutan pero natatakot ako babes" nangunot ang noo siya sa sinabi ko "Do you think it's okay? Masyadong mabilis ang nangyayare sa buhay ko at natatakot ako na baka mabilis din mawala ang lahat ng ito. What if may plano siyang iba? Paano kung ilayo niya pala ang anak ko sa akin? Naguguluhan ako babes. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko!"

"Shhhh" pag aalo niya sa akin at niyakap ako. Ngayon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. "I know what you feel babes. Naiintindihan kita pero sa tingin mo ba magagawa ni Nart sa 'yo yun? Alam niya na mahal mo anak niyo at buhay mo si Mcervin so do you think he have the heart to do that to you?" natigilan ako sa sinabi niya at napaisip. Kahit ilang linggo ko palang na kasama si Jaid ay alam ko naman na hindi niya yun magagawa but you can't blame me to feel and think this way. Ina ako na nag aalala.

"I-I don't know babes" huminga siya ng malalim at hinila ako para maupo sa sofa. Hinarap niya ako at hinawakan sa mag kabila kong braso "Ask him. Confront him. Kung yan ang mabuti para mapanatag ang loob mo e di tanungin mo siya. Dahil wala kang mapapala kung hindi mo siya tatanungin tungkol dito. At kung may plano siya na kunin sa 'yo si Mcervin, ako mismo ang makakalaban niya! So relax ka lang diyan okay? Ang importante ngayon ay ang tungkol sa anak mo. Kung paano mo sasabihin sa kaniya ang tungkol sa ama niya na gusto siyang makita. We know Mcervin to well, babes. Hindi man siya nag sasalita tungkol sa daddy niya ay alam natin na napapaisip na siya. I can see it in his eyes babes. Nakikita ko na naiinggit siya sa mga bata na may tatay na nasa tabi nila. Ayaw niya lang sabihin sa 'yo yun dahil alam niya na mahihirapan kang sagutin siya. Ganun katalino ang anak mo, babes. And maybe it's time to make him happy. To make him feel complete"

tumango tango ako sa sinabi niya dahil yun din naman ang iniisip ko. Mas lalo akong naiyak na maisip na maraming insecurities ang anak ko sa kaklase niya na may tatay na nag susundo sa kanila.

Oh my poor baby. I'm so sorry anak. I'm so sorry.

"Fix yourself and we'll fetch Mcervin in his school. Uwian na nila ngayon" tinapik niya ako ng dalawang beses sa balikat at pumasok sa kwarto niya para mag bihis.

Naligo ako saglit para maging presko sa pakiramdam at nag suot ng komportableng damit bago lumabas ng silid.

"Let's go?" tumango ako sa kaniya at sumunod palabas ng condo.

Nasa labas lang kami ng gate at nag hihintay na mag labasan ang mga bata at di naman nag tagal,nag labasan na sila.

Napangiti ako sa seryosong mukha ng anak ko habang nag lalakad palabas at huminto sa gilid para hindi maka harang sa dinadaanan at doon siya nag hintay.

Nag palinga linga ito at hinahanap na siguro ang tita ninang niya na laging sumusundo sa kaniya sa school. Isang lingon pa bago niya matagpuan ang kinaroroonan namin. Nag tama ang aming mga mata kaya naman lumiwanag ang mukha niya. "Mommy!" napatawa ako sa excited na boses niya. Sinenyasan ko naman siya na wag na lumapit dahil may sasakyan na dumadaan at ako nalang ang tatawid para makapunta sa kaniya.

"You're here!" napangiti ako sa hindi makapaniwala niyang sabi. Minsan ko nalang siya masundo dahil gabi na ako nakakauwi galing trabaho.

"Yes baby. Mommy is here and because of that we'll going to buy ice cream! Yeheyy!"

"Libre mo ako ah?" epal ni Jiel na kanina pa kami pinapanuod "Anak ba kita?"

"Tss. Kuripot"

"Naman!"

"Tara na nga!" Kunwari pa siyang nag dabog na tumalikod at nauna sa amin papunta sa kotse. Nakangiti kong tinignan si Mcervin at kinuha ang bag niya "Let's go?" ngumiti siya sa akin at humawak sa kamay ko.

"Saan tayo?" inayos ko muna ang anak ko sa back seat bago ako umayos ng upo sa unahan at sinagot si Jiel "Ice cream parlor" tumango siya at nag drive papunta sa malapit na tindahan na dadaanan namin sa high way.

"How's school baby?" mula sa front mirror ay tinignan ko ang aking anak habang kausap siya "Fine mom. May stars nga po ako oh!" pinakita niya ang kanang braso na nag papatunay na totoo ang sinasabi niya.

"Ang galing naman ng baby ko"

"Naman! Mana ba naman sa akin yan" singit ni Jiel sa usapan namin "Talaga? Ikaw ina?"

"Hindi pero ako ganda" at napahagikhik pa siya sa huli.Minsan talaga hindi ko maintindihan 'tong babaeng ito.

"Mommy?" napabalik ang tingin ko sa kaniya ng tawagin niya ako "Yes baby?" may kinuha siya sa bag niya at inabot sa akin.

Natigilan ako nang mabasa ko ang laman ng sulat. Napatingin ako sa anak ko para makita ang ekspresyon niya at doon ako nasaktan ng makita siyang nakayuko habang nilalaruan ang mga daliri "Sabi po ni teacher may family day po kami sa susunod na linggo. Kailangan daw po complete family kaya po sinabi ko kay Teacher na hindi po ako makakasali dahil hindi po tayo kompleto. Kinausap niya po ako tungkol sa daddy ko pero wala po akong naisagot kaya po ibinigay niya sa akin 'yan. Ibigay ko daw po sa inyo" napalunok ako ng mariin habang nakatingin sa kaniya. Napasinghot ako ng hindi ko na mapigilan ang luha ko.

Napatingin naman ako kay Jiel para huminge ng tulong dahil nabibigla ako sa nangyayare. She nodded before giving me a smile "May sasabihin ang mommy mo baby Mcervin pero later na pag nasa bahay na tayo okay? For now let's buy ice cream. Pandan is your favorite flavor right?" Lihim akong nag pasalamat ng masayang tumango ang anak ko sa sinabi ng tita ninang niya. Nag pasalamat ako sa kaniya ng walang boses ng mag katinginan kami.

Tulad ng sabi ni Jiel bumili kami ng ice cream sa convenience store na pinuntahan namin. Habang nag dadrive naman si Jiel pauwi ay nag haharutan naman kami ng anak ko na nasa kandungan ko.

Alam ko na mabibigla siya sa sasabihin ko mamaya pero sana ay maging ayos din ang lahat. Yinakap ko at hinalikan sa noo siya sa noo kaya nag tataka naman siyang tumingin sa akin pero umiling lang ako at nginitian siya.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now