C23

1.1K 121 20
                                    

Abbiel's Pov

"Happy Birthday Batas! Omg gurang kana talaga Kuya abbiel! Ano na party party na tayo mamaya pagkatapos ng practice game!" Bungad ni Gabb at Lara sa may pintuan ng basketball court , as usual ako na naman ang maagang nakarating dito ngayon sa court.

Nakasanayan ko na kasi na maging maaga upang makapagpractice ng shooting ko at mag advance stretching na din para pagdating ng mga teammate ko at may practice game na ay nasa kondisyon na yung katawan ko.

"Salamat sa inyong dalawa! Mamaya niyo na isipin yang birthday ko at party na tinutukoy niyo magpa kondisyon muna kayong dalawa bago dumating yung pandak na team captain natin baka ma highblood na naman eh" sabi ko sa kanila bahagyang natawa naman silang dalawa dahil sa sinabi ko , Ewan ko kay brei ah napaka attitude ng lalaking yun ever since nung mga bata pa lang kami.

Pero kahit ganun siya sobrang solid niyang kasama at kaibigan namimiss ko na rin yung bonding namin noon , actually tatlo kami nila jaydee at brei ang pinakaclose talaga sa isa't isa. Kaya nung dinamayan ko si jaydee ay nagalit na din siya sa akin pero i think tama naman na si jaydee ang kinomfort ko dahil kailangan niya talaga ng taong makakasama at mapaglalabasan ng sama ng loob.

Napabuntong hininga nalang ako at nagulat ako nang may bolang tumama sa may ulo ko.

"Fudge! Sino yung impaktang may gawa nun ah. Bulag kaba---" daing ko natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko sila ni brei, dean at ali na papunta sa may kinaroroonan ko.

"Happy Birthday Shonda!" Sabi ni brei at lumapit sa akin ngayon na nakangiti nagtaka naman ako kung anong meron , nagka amnesia ba siya at hindi niya naalala na hindi niya ako kinakausap this past 3 months?

"Happy birthday Abbie!" Sabi naman ni dean na may dalang cake ngayon na basketball ang theme at may nakatusok pa na picture ko sa may cake.

"Happy Birthday Batas!" Nakangiting sabi din ni Ali na may hawak na 6 letters na balloon na  A-B-B-I-E-L ganun eme.

"Anong meron? Hindi bat galit kayo sa akin? Saamin?" Bigla nalang akong niyakap ni brei at nagsilapit na din sila gabb at lara na kanina ay nagsoshooting lang.

"Bati na tayo batas! Wag ka nang maingay dyan at madaming tanong or what! Miss na kitang hinayupak ka" diniinan niya pa talaga yung term na hinayupak ah astig din talaga tong pandak na to pero sobrang namiss ko yung pag uusap namin ng ganito.

"Miss na din kitang garapata ka! Napaka attitude mo talaga bulinggit ka dinaig mo pa si Ulan at si Moji sa pagiging attitude mo (yung aso ni brei at frances)." Ginulo gulo ko yung buhok niya at tinusok tusok yung pisnge niyang napakalambot.

"Wow abbie maka garapata ka ano suntukan nalang oh! Anyway anong ganap mamaya? Magpapa lechon nalang ako as a sorry na rin sa mga nasabi ko sa inyo nakaraan at sa past" sabi ni brei napansin ko naman na parang hindi nakikisali sa convo si lara nasa likuran lang siya ngayon ni gabb at tila ayaw magpakita.

"Kuya brei di lang dapat lechon uy! Sobrang laking perwisyo mo sa amin nung mga unang practice palang at training dapat ikaw na din bahala sa drinks and other foods no" sagot naman ni gabb nakaakbay na silang dalawa ni dean ngayon at si ali din sa kabilang side niya.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now