Chapter Seven

105K 6.1K 4.8K
                                    

“October 29 pala ngayon, Andeng!” sabi ni Cam saka hinampas pa ang braso ni Andeng.

Lumapit ako sa kanila para maki-tsismis. Kumagat ulit ako sa Cad very na binigay ni boss saka umupo sa mesa at nakinig sa pinag-uusapan nila.

“Malamang hindi ulit uuwi si Sir mamaya. Gano'n naman ginagawa n'ya taon-taon,” sabi naman ni Inday.

“Oo nga. Batiin na lang ulit natin siya sa text,” sabi ni Andeng habang napapatango.

Si Boss Ashteroh ba ang pinag-uusapan nila?

“Friends, ano'ng pinag-uusapan n'yo?” tanong ko. “Bibigyan ko kayo ng chocolate kapag sinabi n'yo.”

Siyempre joke lang 'yon. Hindi ko sila bibigyan kahit sabihin nila. Galing kaya kay boss ang chocolate na 'to. I not making share it this cad very!

“October 29 kasi ngayon, Naths. Birthday ni Sir Ashteroh,” sagot naman ni Cam.

Napasinghap ako sa sinabi n'ya at agad na napatayo. OMG. Bakit ngayon lang nila sinabi? Bakit hindi pa kahapon? They making me betray like singing of Olivia Rodrigo!

“Mag-surprise tayo kay boss! Bilisan natin, para makahabol pa tayo!” natatarantang sabi ko at inisang subo ang chocolate. Wala na 'kong dapat sayanging oras.

“Hindi na kailangan, hindi naman dito nags-stay si Sir pag birthday n'ya. Palagi siyang may pinupuntahan,” sabi naman ni Inday.

Napahawak ako sa baba ko at nag-isip. Madali lang naman ang solusyon do'n, e. Pwede naman naming itali si boss para hindi siya makaalis at ma-surprise namin siya.

Napailing ako habang napapangiti... Grabe, hindi lang ako maganda, matalino rin ako. The self of me are making the proudness.

“Pupunta ako sa palengke para bumili ng mga kailangang sangkap sa lulutuin ko para sa birthday n'ya. Kayo naman, friends. Relax lang kayo rito. Ako ang bahala kay boss. Papasayahin ko siya sa birthday n'ya para payagan n'ya 'ko na pisilin ang pwet n'ya!” Inangat ko ang kamao ko saka nagtatalon.

“Go, Naths!” pag-cheer naman nila sa 'kin.

Hehe, ako lang 'to, peoples.

Agad akong nagtungo sa kwarto ni boss. Naabutan ko siyang nagsusuot ng blazer. Agad akong napangiwi at lumapit sa kanya.

“Boss! Saan ka pupunta?” tanong ko.

Napakunot ang noo n'ya. “Basta,” sabi na lang n'ya saka itinulak ang mukha ko palayo sa kanya.

“Boss naman, h'wag ka na munang umalis ngayon. Kailangan ko ng kasama,” sabi ko saka hinila ang blazer n'ya at pinapahubad 'yon sa kanya.

“Tangina, ano na naman bang nahithit mo?!” asik n'ya saka muling sinuot ang blazer.

Naiinis na hinampas ko ang braso n'ya. Maski siya ay nagulat sa ginawa ko... Desperada na 'ko, lahat gagawin ko para hindi siya umalis at ma-surprise ko siya.

“Sige na naman, Ashteroh!” naiinis na sabi ko at napapadyak sa sahig.

“Bakit ba ayaw mo 'kong umalis?!” singhal n'ya.

“Kailangan ko nga kasi ng kasama! Boss, this are making emergency life and dead people!” naiinis na sabi ko. “Magpalit ka ng damit, boss. Hindi bagay ang suot mo sa pupuntahan natin. Simple lang suotin mo, 'yung hindi mainit sa katawan,” sabi ko pa.

“Sino bang nagsabi sa 'yo na sasamahan kita?” nakakunot-noong tanong n'ya.

“Boss, kailangan talaga. Sige na naman. Minsan lang ako humiling sa 'yo tapos ayaw mo pa 'kong pagbigyan,” pag-iinarte ko. Napabuntonghininga pa ako at napasimangot.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon