032

432 18 7
                                    

— art's.

lumabas ako ng sasakyan ni manong jay, dahil oo mga mare. kaya niyang mag drive. lahat naman kaya niya, he can also drive me crazy ehe. seryoso 'yan.

pagkababa ko, agad akong napatingala at napatitig sa malaki— like super huge luxury hotel na nasa harapan ko ngayon.

"anong gagawin natin dito, jay?" i asked. without taking my eyes off sa building ng hotel na 'to. namamangha kasi ako, sobrang laki— sobrang ganda sa labas palang.

"mangingisda tayo sa loob, artemis." agad kong sinamaan ng tingin. namimilosopo pa, buti nalang gwapo siya.

"akala ko ba pupunta tayo sa bahay niyo at dun mag bake ng cake?" binuksan niya yung pinto sa likod ng sasakyan niya para kuhanin yung mga pinamili namin kanina sa supermarket.

"this is my home, artemis." jaw drop. literal.

"close your mouth, baka may pumasok na langaw." so ang sinasabi niya ba, dito siya nakatira sa.. malaki at mamahaling hotel na 'to?

bigla namang may mga sumulpot na mga hotel staffs, para ihelp kaming ipasok yung mga bags sa loob. pero ako, eto. hindi ako makagalaw, or makaalis sa kinakatayuan ko.

"ano pang ginagawa mo dyan? let's get inside, artemis. mainit." sumabay na ako agad lumakad kay jay papasok ng hotel.

hanggang ngayon kasi iniisip ko kung gaano kamahal binabayad ng parents niya, sa pag tira sa ganto kalaki at mamahaling hotel.

"woah.. grabe, jay. ang mahal siguro ng binabayad ng parents mo sa pag tira mo dito." i looked around, still getting amazed by the beauty of the hotel lalo na sa loob.

literal na wow.

"binabayad? no. this hotel is owned by my parents, artemis." mabilis pa sa malibilis kong nilingon si jay, trying to process his words just now.

"what?"

"good morning, sir jay. this way." tumango at ngumiti si jay sa staff, na mag guide samin papuntang kitchen. pero hindi ako sumunod sa kanila. hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi ni jay. ganito ba sila kayaman?

OR MORETHAN THIS?

"hey, what's wrong?" natauhan naman ako, saka mabilis na umiling. napapailing nalang rin si jay at hinila ako papasok sa paraang hindi ako masasaktan.

"jongseong-ah, bakit bumili ka pa ng mga ingredients? puno naman ang stock room—"

"ah, it's okay chef-nim. just incase lang po na kulangin kami sa gamit."

naririnig kong may kausap si jay pero parang hindi ko sila marinig or maintindihan. busy ako sa pag tingin tingin sa paligid. grabe talaga

"tumawag ka lang ng staff kapag may kailangan ka." ayun, narinig ko nang nagpasalamat naman si jay kaya lumabas na yung mga staff.

"you're still spacing out? are you hungry, artemis?" he asked. pero di ako sumagot. shuta, speechless.

nilapitan ako ni jay, at bahagya akong hinila palapit sa kanya for me to look at him. ang hina, sana naman nilakasan na para diretso kiss— charout. walang magagalit.

"do you want to eat? bakit ba kanina ka pa tulala?" i just looked at him. like, tingin lang talaga.

"now you look expensive for me, park jongseong." i said. pero siya, halatang naguguluhan sa sinasabi ko.

bigla namang napa cross arms si jay, kaya naman umayos na ako ng tayo at nagsimula nang ilabas yung mga pinamili namin kanina. baka kasi bigla na namang sumpungin ng toyo si jongseong.

"i'm asking you kung gusto mo muna bang kumain bago tayo mag start?" umiling ako. hindi talaga ko nakakaramdam ng gutom kapag kasama ko si jay.

"here, some macarons just incase magutom ka. and if you want anything to eat, magsabi ka sakin."

"oo na, jowa— ay este jay. magkatunog kasi." sensya na namamali na ko sa pag construct ng words. hehe

napailing nalang si jay.

nagsimula naman na kaming gumawa ng cake na gustong gawin ni jongseong for his special woman kuno ge. sinusunod niya lang yung mga instructions ko, mukha kasing hindi naman talaga siya sobrang runong sa baking.

habang gumagawa, napapangiwi nalang ako kapag naiisip ko na tinutulungan ko yung lalakeng gusto ko na mag effort gumawa ng isang cake para sa special woman na tinutukoy niya sakin last time.

"eh bakit kasi tinutulungan mo naman? dati ka yatang bobo, artemis. nakabawi ka lang this lifetime." sabi ko sa sarili, mahina lang yung ako lang makakarinig.

tinignan ko si jay, at tama nga ako ng hinala. napapatingin rin siya sakin. kiss ko kaya 'to? makukulong kaya ako? di 'yan.

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon