Chapter 5

8.5K 449 10
                                    

#CHAPTER05

Gumapang ako sa halamanan hanggang sa narating ko na ang pinakadulo nito. Tumayo ako saka pinagpag ko ang aking damit. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nagpameywang ako nang napagtanto ko na tuluyan akong nakalabas ng Palasyo. Tamang-tama din na walang nagbabantay na mga kawal sa bandang bahagi na ito. Finally, I can have my freedom! Sa loob ng pitong taon ay inalam ko talaga ang mga bawat pasikot-sikot sa Palasyo and alas, ito na nga. Napapansin ko kasi na wala naman gumagalang kawal dito. Dahil na din sa curiousity ko ay ito ang nalaman ko.

Para hindi ako matunugan ay umaribas ako ng takbo palayo sa mga matataas na pader ng Palasyo. Bahala na din kung hahanapin ako ni Nesta mamaya dahil ang totoo ay tumakas lang ako. Inuutusan ko siyang ipagkuha niya ako ng merienda pero kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makalabas.

Sa loob din ng pitong taon ay nakucurious ako kung anong meron sa labas ng Palasyo. Ni isang beses ay hindi ako nagawang igala ni Vencel. Siguro ay dahil hindi talaga maiwasan ang pagiging over protective niya bilang tatay sa akin, gaoon din sina Raegan, Eomund at Cederic. Good thing, hindi rin nila natunugan na nakatakas ako. Si Raegan ay abala sa kaniyang hinahawak na Royal Chivalry Order. Samantala si Eomund at Cederic ay kasalukuyang may private lessons. Ako naman ay wala pang sinasabi si Vencel kung mag-aaral na ako pero naririnig ko na kumukuha na siya ng magiging private teacher ko. Kaya magpapakasaya muna ako habang wala pa siyang nahanap at isa na ito.

Bago man ako lumabas ay talagang pinaghandaan ko talaga nang maigi ito. Inaalala ko ang mga bagay na pupwede kong gamitin mula noong nabubuhay ako sa modernong panahon. Una kong ginawan ng paraan ay ang mga mata ko. Dahil magkaiba ang kulay ng mga ito ay naisip kong gumawa ng contact lens. Dahil isa akong writer sa previous life ko, hindi maiwasang hindi ko pag-aralan ang mga bagay-bagay para sa mga istorya na ginagawa ko. Kaya hangga't maaari ay kinokolekta at inaral ko nang mabuti ang mga materyales at formula na gagawin ko para sa paggawa ng contact lens. Mabuti nalang ay hindi ito makati sa mata, kahit ang liquid solution na gawa ko. Ilang beses ko na din ako dumaan sa trial and error bago maging perpekto ang aking gawa!

I have natural red and violet eyes. Ginawa ko namang amber color ang mga contact lens na gawa ko. Nalaman ko din kasi na kilala daw ang prinsesa ng Imperyo na magkaiba ang kulay ng mga mata kaya wala na akong choice. Para na din maging tagumpay ang pagdidisguise ko!

Hindi ko na namalayan ay nakarating na ako sa mataong lugar. Tahimik kong iginala ang aking mga mata sa paligid. Hinawi ko ang balabal na nasa aking ulo, hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa aking nakikita. Buhay na buhay ang nasa paligid ko. Itinuloy ko ang aking paglalakad. Pakiramdam ko ay umaapaw na sa galak ang puso ko dahil inangat ko ang aking mga braso at nagagawa ko pang umikot sa daanan na akala mo ay handa na akong sumayaw.

So this is that taste of freedom!

Kung ganito lang pala ang matatagpuan ko sa lugar na ito, willing na willing talaga ako tumakas, anytime!

Binusog ko ang aking mga mata sa aking mga nakikita. Ganito pala ang hitsura ng palengke sa mundong ito. Maingay pero masaya. May nakita din akong musikero sa hindi kalayuan. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan 'yon. Pinapanood ko siya habang natugtog. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata para mas damhin ko pa ito. Nang nakontento na ako ay lumapit ako sa lata na nasa harap lang ng musikero. Naglabas ako ng ginto para ipambayad sa kaniya. Hindi na ako nagtagal at agad ding umalis.

Muli ako naglakad-lakad. Nasa likuran ko lang ang mga kamay ko. May namtaan akong Bake Shop sa hindi kalayuan. Sumilay ulit ang ngiti sa aking mga labi. Patakbo akong lumapit sa pinto ng Bake Shop. Itinulak ko ang pinto at may tumunog na bell, hudyat na may dumating na costumer. Tumambad sa akin ang mga mesa at mga silya, pero ang mas tumawag ng aking pansin ay ang mga cake at mga iba't ibang klase ng pastries sa mga stante. Excited akong lumapit at tumingin ng mga iba't ibang klase ng cake. Gustuhin ko man tikman ang mga ito pero hindi pwede dahil matutunugan nina Nesta pati na din nina Vencel at mga kapatid ko na tumakas ako. Paniguradong uulanan nila ako ng sermon kung nagkataon.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon