six

164 15 3
                                    

nasa tabing ilog sila ngayon para mag fishing .. actually , yung mga tatay lang nila yung namimingwit kasama ang mga asawa nila . hindi naman kasi sila maghahanda ng pagkain kasi nakapagluto na din sila ng mga dadalhin kaya nagchi-chill nalang sila kasama ng mga mister nila .

yung grupo naman ni ethan ay kasalukuyang nagja- jamming session sa labas ng sasakyan ni jay gamit ang gitara na dala niya .

si luna naman ay nagkulong lang sa loob ng camper van pero nakadungaw naman sa bintana para makita si ethan .. tinitingnan lang siya ni riki na nasa labas lang ng van at nakaupo sa loob ng tent . open naman kasi yung van kaya nakikita parin niya si luna .

napabuntong hininga lang si riki habang nakamasid sa dalaga . kanina kasi masaya naman silang naglalaro ng online games tas ngayon hindi naman siya namamansin .

bigla namang lumabas si luna na naging dahilan para lumabas din si riki sa tent .

" saan ka pupunta ?" tanong niya dito . di na siya sana sasagutin ni luna pero para huwag naman siyang mag mukhang bastos ay binigyan niya ito ng atensyon .

" maglalakad lang . papahangin .."

" samahan na kita " sabi ni riki at akmang hahakbang papalapit sa kaniya nang biglang nagsalita si luna

" huwag na riki . dito ka nalang .. walang magbabantay ng mga gamit at pagkain kung pati ikaw aalis . diyan lang naman ako sa malapit " she said , declining his offer

medyo na offend si riki pero dahil ayaw ni luna ay di nalang siya nag insist pa . mahirap na , baka mainis na naman si luna sa kaniya . hinayaan nalang niya si luna na umalis at naupo ulit siya sa loob ng tent .

mga sampung minuto na rin ang lumipas at hindi parin bumabalik si luna . siguro ay nagustuhan niya ang lugar kaya hindi siya nakabalik agad .

pero parang nababagot na din siya kaka cellphone lang kaya nagpasya siyang sundan si luna . di niya alam kung bakit niya yun ginawa pero parang may bumubulong sa kaniya na sundan ang dalaga .

medyo masukal pa naman yung lugar dahil sa probinsya sila pumunta .  sigurado naman siya kung saang direksyon pumunta si luna kaya sinundan nalang niya ito . bago siya pumasok sa medyo masukal na daan ay maririnig pa niya ang kantahan ng kuya niya kasama ang mga kaibigan niya . it's obvious that he's enjoying the trip with his friends .

samantala , mga tatlong minuto na siyang naglalakad pero di parin niya makita si luna.

" luna ?" pagtawag niya dito pero walang sumasagot .. maybe he's still far from her that's why she can't hear him .

nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang makarating na siya gitnang bahagi nito . hindi naman gaanong masukal pero maraming naglalakihang puno ang naroon . nakita naman niya si luna sa di kalayuan at nakahawak ito sa cellphone niya .. it's obvious that she's taking some photos of the nature .

tatawagin na niya sana si luna nang makita niya itong matapikok sa ugat ng puno at natumba kaya nataranta siya lalo pa at sumigaw din ang dalaga .

" luna !" sigaw ni riki habang tumatakbo papunta sa kaniya .

kung pwede niya lang liparin , liliparin na niya pero parang ang oa lang kasi wala naman sa delikadong sitwasyon si luna . natapilok lng siya at mukhang may sprain pero wala naman siya sa bingit ng kamatayan .

napalingon naman si luna nang marinig niya ang sigaw ni riki at medyo nagulat pa siya na makita siya doon . hindi naman kasi niya ineexpect na susundan pala siya ni riki .






-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon