eight

160 15 6
                                    

lumipas ang ilang linggo at pasukan na  . magiging magkaklase sina riki at luna ngayong school year kaya lalong ginanahanng pumasok si riki .

yung camp nila last , last week ay natapos naman na awkward sina riki at luna at syempre hindi mawawala ang pagtukso ng mga kuya nila kay riki . si luna naman ay hindi na sila pinansin kasi ayaw niyang tinutukso siya sa iba . kung tutuksuhin man siya ay mas gusto niyang sa kay ethan na lang .

ngayong araw , hindi na nagpapahatid si riki sa kuya niya . mas mabuti na din yon kasi medyo malayo pa naman yung eskwelahan ni ethan . hassle na para sa kaniya kapag ihahatid pa niya si riki . nag commute nalang siya kahit na binilhan naman siya ng motor ng papa niya . wala pa siyang lisensya kaya di pa niya ito magagamit sa malayuang byahe .

nang makarating siya sa school ,agad niyang hinanap si luna . pero sa dami ng mga estudyante ay nahirapan siya . kaya naghanap siya ng matatanungan .

while he walks down the hallways , It's obvious that some of the eyes are on him . medyo awkward , oo .. pero medyo sanay na din diyan si riki dahil agaw tingin naman talaga kase siya .

hindi nalang niya pinansin yung mga estudyanteng nakatingin at nagbubulungan na madaanan niya at nag decide na lapitan ang isang estudyanteng lalaki na nakatayo malapit sa flag pole .

" hi ! " bati niya dito at tumango naman ang lalaki sa kaniya

" kilala mo ba si luna garcia ? hinahanap ko kasi siya eh " tanong niya dito

" ah , si luna .. kaklase ko siya. ikaw yung transferee diba ? .. sumama ka nalang sakin , magkaklase naman tayo " aya niya kay riki at sumama naman siya dito . mukhang mabait naman kasi siya

" ako nga pala si kian .. yung president ng student council dito . ikaw  , anong pangalan mo?"

" I'm riki .. nice to meet you kian " sabi ni riki na may kasamang ngiti . ngumiti din si kian at nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang makarating sa classroom nila kung saan naroon na si luna , kausap yung kaklase niyang babae .

tatawagin na sana ni riki si luna nang magtama ang mga mata nila pero bigla nalang itong umiwas ng tingin na para bang hindi sila magkakilala . he doesn't know if she's doing it on purpose or talagang ganito na talaga yung ugali ni luna .

" luna ! hinahanap ka ni riki .. bakit mo naman siya hinayaang maghanap ng room natin kahit alam mong transferee siya " kian ranted with a loud voice that echoed the whole room . wala namang masabi yung iba nilang kaklase kasi ganyan talaga si kian .

" malaki na siya , kaya na niya yan .. " walang ganang sagot nito

feeling naman ni riki ay ayaw ni luna na nadoon siya .. halata naman eh kaya di nalang niya ito kinulit pa kahit na si luna lang yung kilala niya doon . siguro ay kay kian nalang siya didikit mula ngayon .

" hoy luna , kilala mo ba yung transferee ? " bulong ng kaklase niya kay luna na narinig naman ni riki

" oo , childhood friend " tipid niyang sagot na para bang nag aalangan pa siya .

"ikinakahiya ba niya ako ?" tanong lang ni riki sa isipan niya . kahit hindi man sabihin ni luna harap harapan sa kaniya ay nasasaktan parin siya sa mga inaakto nito . she's clearly avoiding him but he doesn't know why . wala naman siyang nagawang mali ..

-ˋˏ✄┈┈┈┈


: Kim Sunoo is Kian Zaragoza here . Just made another name for him kasi naa-awkwardan akong Korean name tas tagalog yung ff lol
and I know you already knew who's Ethan here ..

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon