050

433 21 16
                                    

— art's.

isang buong linggo na umuulan, parang dinadamayan pa ako ng langit sa pagiging broken ko. thank you, lord sa pag iyak kasama ko hehe charout.

pero kahit sobrang lakas ng ulan, hindi nag suspend enhigh. sayang daw kasi mga tinda sa canteen, expired naman na. joke.

pagbaba ko ng bus, syempre sumilong muna ako para kuhanin yung payong sa bag ko. ayan na naman, may naalala na naman ako. shuta, iling iling agad art. tigilan mo na pagiging sad ghorl, nag sasawa na ako kay mag sawa ka narin.

"ang importante lang naman sakin, masaya si jay." sana sakin, kaso kung hindi pwede, edi okay. sa iba. basta happy siya. all goods na. hehehe #pretender eka nga niya. totoo pala 'yon

naalala ko pa last na sinabi ko sa kanya, na di ako susuko. wala naman talaga akong balak sumuko, pero ano pa namang laban ko kung iba na pinili niya? diba

matalino tayong tao, mare. wag magiging martir, hindi na uso 'yon sa panahon ngayon

kaya ibababa ko na ng tuluyan ang bandera ni fernandez. suko na mga marecakes.

napailing nalang ako, saka binuksan yung payong ko.

nagsimula na akong maglakad papasok ng university, pero nasa entrance palang ako, may iba nang bungad sakin. Lord, nananadya ka ba talaga? hehehe

it's jay.

nakatayo lang siya dun, tapos gwapo parin tignan. tangina, ikalma mo art. nag momove on ka na nga.

mukhang hindi siya makapasok, kasi wala siyang payong. wala kasi si oli niya— emz.

kaya naglakad ako papunta sa kanya. oo, sa kanya. marupok ka— hindi. magiging mabait lang akong tao.

finally, huminto ako sa tabi niya. naramdaman ko namang tumingin siya sakin, pero syempre hindi ko na siya tinignan. agang pain kapag ganon, doble pa.

pinatong ko yung payong sa balikat niya.

"wag kang magpapaulan, jay." ayun lang sabi ko, saka nagsimulang maglakad paalis sa tabi niya kahit wala akong payong.

palabas na ako ng silong, nang bigla niya akong hilahin pabalik sa kanya.

nagtama naman kaagad mga tingin namin, pero mabilis akong umiwas.

"it's freezing. sumabay ka na sakin papasok." his voice.. it sounds.. sad? or nabibingi lang ako sa sobrang lakas ng buhos ng ulan.

"wag na—"

"ako na mag sasabay sa kanya, pre. gamitin mo na payong niya papasok." hindi ko alam, basta naramdaman ko lang na hinila ako ni sunghoon palapit sa kanya.

pero hindi binitawan ni jay pagkakahawak niya sa braso ko.

"she came to me first, sunghoon." nagtinginan silang dalawa, habang nakagitna ako.

shuta, ganda ko naman today?

"oo nga, pero iba parin pinili mo." inalis ni sunghoon pagkakahawak ni jay sakin.

"pag binitawan mo na, wag mo nang hawakan ulit." hinila ako ni sunghoon, pero again, hinila ako ni jay pabalik.

"i did not let go." jay looked at me. nakikipag usap sakin yung mata niya, but i can't read those.

"pre, hawak ko na si art. bitawan mo na."

nang mafeel ko na nag kakainitan na sila sa gitna ng malakas na ulan, ako na ang bumitaw sa pagkakahawak sakin ni jay.

"enough. tara na, sunghoon." hinawakan ko yung kamay ni sunghoon, saka siya hinila paalis sa harapan ni jay.

sabay namin sinuong ni sunghoon ang malakas na ulan papasok sa loob ng enhigh.

"masakit?" tinignan ko siya.

umiling ako "hindi 'no."

ngumisi siya bago ako inakbayan.

"mapag panggap." sinabayan ko pa ang tawa niya, habang sabay kaming naglalakad papasok.

hay buhay.

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon